8.16

167 7 0
                                    

"Alam mo, kung gusto mong manghinala... 'wag mong gawin ng may ngiti," banggit ko at gusto ko man ikunot ang noo ko, ngumiti na lang ako.

"Alam mo sa loob mo na I don't fake things, Lucifer. Mauna na ako—" hindi ko na siya pinatapos at nauna na ako sa pag-teleport.

Someday, makakatikim 'yan sa 'king Gabriel na 'yan...

Umupo na ako sa trono ko.

"Napaaga natapos ang duty?" Sabi ni Lord Bad na nasa gilid ko. Galing siya sa 'pag teleport mula sa kung saan.

"Wala. Pinaalis nanaman kami ng abno na Kaiser," tumatawa siya sa sinabi ko.

"Para kang bata, Lucifer," sabi niya pagkatapos tumawa.

"Shut up, Bad," tugon ko. "Where's Pain?" Tanong ko agad ng hindi ko siya mahagilap.

"Ayun, sinubukan ang 'Blank Space' na ginamit mo sa kaniya. Ewan ko kung saan niya ginamit?" Nakangiti niyang sagot.

Napabatok na lang ako sa sariling noo.

"That dumb blood seeking persona," natawa na lang ako pagkasabi ko nito.

Kilala ko na kung sino ang nasa Blank Space ngayon. Congratulation Mart sa invention. It was a bright idea. May naisip tuloy akong gagawin sa Blank Space. Naiisip ko nanaman si Lienel.

Lord Bad's Point of View

Damn. Isang araw akong maghihintay dito.

Humiga na lang ako sa sahig.

Tinanggal ko na rin ang image ni Lucifer sa katawan ko.

"Told you, it wasn't Lucifer," sabi ng parang kilala kong boses.

Napatayo agad ako.

"K-King Lander?" Nauutal kong sabi habang nararamdaman kong nasusugatan ang pisngi ko sa malakas na aura na nilalabas ng kapangyarihan niya.

Temptation Temple (Tagalog) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon