Lienel Teodora's Point of View
Nagmulat ako ng mata sa sakit na nararamdaman. Grabe, hindi makatao ang ginawa nila sa'kin. Makakapangyarihan sila lahat. At para gawin nila 'yon sa isang tao lang... hindi ko maisip.
"L-lienel?" Si Tony. Bakas ang pag-aalala sa mukha niya. Hindi ko pa rin makakalimutan ang ginawa niyang pagligtas sa'kin sa kagagawan niya at sa kanina.
"S-salamat talaga... dalawang beses mo na'kong niligtas. Hi-hindi ko alam kung gaano na kalaki ang utang na loob ko."
"Huwag kang mag-isip ng gan'yan. Kasalanan ko lahat, pinapaingatan ka sa'kin ni Kaiser, at hindi ko iyon nagampanan ng tama kaya nangyayari 'yan sayo."
"Buti alam mo." Joke ko, at nagulat siya. "Joke."
Tumawa kami.
"P-pero Tony, may favor sana akong hihingin?"
"Uhm?" Lumuluha na siya. Iyak tawa 'to!
"Stop it. Hindi bagay sa lalaking kagaya mo."
"A-akala ko kasi p-patay ka na... Yari talaga ako kay Kaiser... kung nagkagano'n..."
"Huh? 'Di ba nga niligtas mo'ko? P-paanong hindi mo alam na buhay o patay ako? Eh, niligtas mo nga ako sa bingit ng malalaglag na ako sa apoy."
"H-hindi ako 'yun!" Umiling pa siya.
"S-sino? Eh ikaw lang at ako ang tao du'n?"
"Hindi ko alam."
Napaisip ako. "Ang nagdala sa'kin sa kwarto?"
"Hindi ako. Naglugmok na'ko sa kitchen ng nakita ko ang sapatos mo na nasusunog. Akala ko patay ka na talaga."
Sino 'yun? Sino ang magliligtas sa'kin-
*trooooooooooooooooooooooooot* Mahabang litanya ng tiyan ko.
Napangiti siya. "Iba kang babae hahaha! Nakuha mo pang magutom sa lagay mong 'yan?"
"I-ilang araw na akong h-hindi nak-kakakain."
"Sige, I'll hav a feast ready for you. Wait lang, dito ko na lang dadalhin."
Tumango ako at hindi tumagal ang segundo ng nawala siya at marami ng nagsilipana na mga servant na nagte-teleport sa kwartong ito na may dalang mesa, prutas sa basket, mga karne, manok, kitchen utensils. Nilagyan pa nila ng pulang place mat na may bonggang design na gold linings sa bawat gilid. At mukhang totoong ginto ang nakalagay. May diamond like pa na chandelier ang nailagay ng isang babae sa ibabaw ng hapag-kainan. And tsanan! Naglalaway na ako! Nagbubukas pa lang sila ng kandila nagugutom na ako! Lastly, nilagay ng katulong ang isang red cushion king chair sa kabilang dako ng side na sa tapat lang ng upuan na pinakamalapit sa'kin.
*lunok*
Ang bilis! Sumulpot na si Tony na direcho nang nakaupo sa king chair at inalalayan na siya ng mga katulong at nilagyan pa ng panyo ang lap niya. Pinagsalinan pa siya ng inumin sa maliit na tasa. Umuusok ito at halatang mainit.
"Be sitted wife of Kaiser. Paki alalayan siya please." Bumangon na'ko dahan-dahan sa utos niyang 'yun. Alalay na alalay akong bumaba mula sa kamang engrande rin pala. Sa pagmamadali ko, hindi ko na hinayaan na mapabagal pa ako ng alalay nila kaya binibilisan ko ang paghakbang pababa. Pag-upo ko, hinanap agad ng mata ko ang mga kutsara't tinidor. May nakita pa nga akong knife at chop stick.
May mga ceromony pa ba-
Napatingin ako kay Tony, at sunod-sunod ang kain niya na parang hindi pa hihinto kahit kausapin mo. Seryoso pa ang mukha niya habang hinihila ng ngipin niya ang parteng hita ng manok. A-ang takaw niya. "Ka-*nguya* kain na."
BINABASA MO ANG
Temptation Temple (Tagalog) (Completed)
FantasyLIENEL ang pangalan ng babaeng pumunta sa templo. Sa kabiguan dulot ng pagkawala ng asawa't mga anak, tinungo niya ang hinihinalang templo para mag-isip kung gusto niya bang mamatay. KAISER, ang lalaki sa templo. Siya ang lalaking nag-aabang sa kani...