Annie's POV
Nasa isang restaurant kami ni sir Jax. Wala masyadong tao dito kaya tahimik ang lugar. Maganda din ang napili niyang pwesto dahil kitang kita namin ang buong lugar. "So, what do you want to eat babe?" Tanong niya sakin habang tumitingin sa menu. Tiningnan ko rin ang menu book na nasa harap ko.
Mmm. Mukhang masa-sarap ang dishes nila dit, magkano kaya? Napatigil ako nung nakita ko ang presyo ng pagkain.
P2,356?!
Seryoso?! Ano tong pagkain nila? Ginto?Biglang umurong ang dila ko. Binaba ko lang ang menu book. "Nakapili ka na ba babe?" Tanong niya ulit sakin. "A-ahm Jax. Magtutubig nalang ako. Wala akong pambayad eh" nahihiya kong sabi sa kanya. Narinig ko siyang tumawa. "Don't worry babe. I'll pay" mas lalo akong nahiya.
"Ahm sir este Jax. Wag nalang po, di naman po ako gutom eh" nakakahiya talaga. Bigla akong natigilan nung biglang tumunog ang tiyan ko. Narinig ko siyang tumawa"Yes, you are.." sabi niya sa gitna ng mga tawa niya. Pahamak kang tiyan ka! Kinuha ko ang menu book at tinakip ito sa mukha ko. Sana lamunin nako ng lupa, ayoko ng mapahiya ulit.
Bigla niyang inalis ang menu sa mukha ko at nilagay ito sa gilid. Yumuko nalang ako para di niya makita ang pamumula ng mukha ko. "Hey, don't cover your face" sabi niya at hinawakan ang chin ko. Dahan dahan niyang iniangat ang mukha ko. Nakita ko siyang ngumiti.
"Better" ngiting sabi niya sakin.
Tumawag siya ng waiter at sinabi ang order niya. Di naman nagtagal ay dumating ang pagkain sa table namin. "Eat babe. Don't be shy, it's our first date so let's enjoy it together, okay?" He smiled. Ngumiti ako, ngiting totoo.Natulala naman siya nung ngumiti ako. "Beautiful" ngumiti siya sakin. Nahiya ako sa sinabi niya sakin. Sumubo nalang ako ng pagkain. Tahimik lang kaming kumakain nung may biglang lumapit samin na babae. Sabay kaming napatingin ni Jax sakanya. Naka taas ang kilay niya habang nakatingin sakin. Nabalin naman ang pansin niya kay Jax na masama ang tingin sakanya.
"Hi baby. It's been a month nung last kitang nakita. How are you?" Ngiti nito sakanya. Di siya pinansin ni Jax at pinagpatuloy ang pagkain nito. "Baby, where did you found this girl?" Tiningnan niya ako na parang nandidiri. Sus, mas maganda pa ko sakanya. Ankapal ng make up kala mo nasa circus eh. Clown na clown ang dating. Inirapan ko lang siya at kumain.
"How dare you to roll your eyes on me!" Hindi ko lang siya pinansin. "Hey! I'm talking to you!" Sigaw niya sakin. Biglang tumingin si Jax sa babae. Akmang magsasalita siya nung pinigilan ko siya.
"I'm sorry? I thought you were talking to someone, miss" sabi ko at tiningnan siya. Kita kong namumula na siya sa galit. "Naiihi ka po ba? Nandun po ang CR oh. Wag kang magpigil ng ihi baka magkasakit ka niyan" narinig kong tumawa si Jax, tiningnan ko siya ng masama kaya tumigil siya.
Akmang sasampalin niya ko nung hinawakan ni Jax ang wrist niya.
"Get out, Erika!" Parang naging maamong tuta ang babae nung sinigawan siya ni Jax."But baby.." di siya pinansin ni Jax. Instead, pumunta siya sa pwesto ko at hinawakan ang kamay ko at umalis. Narinig ko pa ang sigaw ng babae. "Hey Miss! Wag kang magpapa uto jan! He'll make you one of his fck girls!" Binilisan namin ang paglakad hanggang nakarating kami kotse niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto pero hindi ako pumasok. "Babe.." tinawag niya ko pero di ko siya nilingon
"Sir Jax. Sorry po kung hindi ko nasunod ang rules niyo. Gusto ko na pong umuwi. Pwede po ba? Baka po kasi may maka away nanaman ako" walang ganang sabi ko sakanya. Narinig ko ang pagbunto niya ng hininga.
"As you wish babe" ngumiti ako sakanya at pumasok. Pumasok din siya sa driver's seat at pinaandar ang sasakyan at umalis. Nasa kalagitnaan kami ng biyahe nung nagsalita siya. Nakatitig lang ako sa labas ng bintana niya. "I'm sorry for what happend back there babe. I'm sorry kung nasira ang date natin" nilingon ko siya at ngumiti ng pilit. "Nako po sir. Ok lang po yun, ako nga po ang dapat mahiya kasi pinatulan ko siya" nakita kong lumungkot ang mukha niya. Binalik naman niya ang pansin sa kalsada. Nataranta ako nung di na siya nagsalita ulit pero imbis na suyuin ko siya ay tumahimik nalang din ako.
Jax's POV
Damn you Erika! I cursed in the wind. We were enjoying our meal when that girl appeared in front of us. Annie became silent after what happened back there. She's calling me sir again instead of Jax, and she's saying "Po and Opo" Geez. When we arrived she quikly remove the seatbelt and leave my car. She didn't utter a word before leaving and I felt pain inside my chest.
BINABASA MO ANG
Jax Diedrich
Romance"True love is different: it is a strong fiery and impetuous passion as well as deep and calm feeling." -Jax Leon Diedrich. This story is for open-minded people. Rated SPG ang kwentong ito. (Completed ✓) © All Rights Reserved 2017