Annie's POV
"Annie, magpa doctor na kaya tayo? Ilang araw ka nang nahihilo at nasusuka" alalang sabi ni Tita sakin. Umiling langa ako "Tita ayoko ko po. Tsaka, okay naman po ako" napabuntong hininga nalang si Tita. Nung nakaraang araw niya pa akong kinukulit na magpa doctor.
Ilang araw ko na ring di nakikita si Jax sa bahay. I miss him, napa buntong hininga nalang ako. Tatayo na sana ako nung bigla ako natumba. Bakit ba nahihilo ako ng ganito? Ilang araw nato a.Naka ramdam ako ng sakit sa puson nung may nakita akong dugo. Bigla akong nataranta kaya tinawag ko agad si Tita.
"Jusko Annie! Anong bang nangyayari sayo?!" Tinulungan ako ni Tita at dali daling lumabas ng bahay. "Anong nangyari kay Annie?" Nag aalalang tanong ni Aling Amanda kay Tita. "Hindi ko nga alam aling Amanda. Papara po ako ng taxi" inalalayan naman agad ako ni Aling Amanda. Pinapasok ni Tita ang taxi sa loob. Papasok na sana ako nung may humintong sasakyan sa likod ng taxi. Nakita kong lumabas si Jax sa sasakyan nito. Napangiti ako.
"Annie! Pasok na" sasakay na sana ako nung biglang nandilim ang paningin ko. Ang huling narinig ko ay boses ni Jax.
...
Pag gising ko. Nasa isang puting kwarto nako. Nakita ko si Jax na hawak-hawak ang kamay ko. Nakayuko siya. "Jax?" Napa angat ang ulo niya. Dun ko lang napansin na umiiyak pala siya. "How are you?" Tanong niya sakin. Takang taka naman ako kung bakit siya umiiyak.
"Okay lang naman. Medyo masakit ang ulo ko" nagulat ako nung bigla niya hinalikan ang ulo ko at umiyak. "Okay ka lang ba?" Nag aalalang tanong ko. "We lost our baby" seryosong saad niya, nangunot ang noo ko.
"Ha?" kinabahan ako sa sinabi niya, baby? Buntis ako? "The baby didn't survive. I'm sorry babe. I'm so sorry kung wala ako nung panahong kailangan mo ko" natulala ako bigla. "Hindi ko alam na buntis ako..." saad ko. Kumalas siya sa yakap "Kung alam ko lang sana ay hindi ito nangyari, naging pabaya ako.." saad ko ay humagulgol na. Pinunasan niya ang mga luha ko.
Baby, sorry kung naging pabaya si mama.
"The doctor said that the baby is too vulnerable. Di siya nakakapit ng mabuti kaya nakunan ka. I'm so sorry babe" yumuko siya. Pinahid ko ang luha ko at hinawakan si Jax sa mukha. "No, it's okay. Maybe God has a reason kung bakit niya kinuha si baby. I'm sorry din kung naging pabaya ako. Hindi ko talaga alam na buntis pala ako nung mga oras na yun" umiling siya at tiningnan ako. "No babe. It's not your fault" he held my hand "Simula ngayon, magiging maingat na ako sa lahat ng gagawin ko.." hindi ko parin mapigilanh umiyak. I lost our angel, dahil sa kapabayaan ko.
"It's okay, I'm here. From now on, hinding hindi nako aalis sa tabi mo..." he said and kissed my forehead. Gumaan ang loob ko sa ginawa niya "Sorry Jax, sorry..." naiiyak kong saad "It's okay babe, it's okay. Ang kailangan mo ngayon ay magpagaling and after this, ipapasyal kita.." nakangiting saad niya, bumuntong hininga ako at tumango. "I love you Annie, please don't be sad. It breaks my heart seeing you like this.." ngumiti ako ng pilit "I love you too, wag ka ng umalis sa tabi ko, please..." he nodded "I won't, I promise.." napangiti ako sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Jax Diedrich
Romance"True love is different: it is a strong fiery and impetuous passion as well as deep and calm feeling." -Jax Leon Diedrich. This story is for open-minded people. Rated SPG ang kwentong ito. (Completed ✓) © All Rights Reserved 2017