C HA P T E R 33

11.6K 158 4
                                    

Annie's POV

Pagkatapos ng nangyari, panay ang lapit ni Jax sakin. Wala atang minuto na hindi ko siya nakikita sa paningin ko. Nagulat nalang ako nung bigla siyang pumasok sa kwarto ko na may ngiti sa kanyang labi.

"Babe. We're going back to tagaytay" nagulat ako sa sinabi ni Jax "Ha? Talaga?" Bigla akong napangiti. Tumango siya "Come, I'll help you pack your things"

...

Kinabukasan, maaga kaming umalis. Hawak hawak ni Jax ang kamay ko habang nagmamaneho. Pa minsan minsan ay hinahalikan niya to. Di ko maitago ang kilig ko. "Babe, I promise that I won't ever lose in your sight. I love you" hinalikan niya rin ang labi ko. Napangiti ako. "I love you too" ngumiti siya at nag focus sa pagmamaneho.

Di naman nagtagal nakarating din kami sa beach house ni Jax. "Namiss ko to" nakangiti ako habang pinagmamasdan ang malinaw na tubig ng dagat. Naramdaman ko ang pagyakap ni Jax sa likod ko. "I know you would" ilang minuto ring ganun ang position namin. Ineenjoy namin pareho ang tanawin.

"Pasok na tayo sa loob" nilingon ko si Jax. Tumango naman siya sakin. Magkahawak kamay kaming pumasok sa loob. Nagluto si Jax ng dinner naming dalawa, nag presinta naman akong mag hugas ng pinggan. Pagkatapos kong maghugas, nag toothbrush nalang ako at nagbihis ng pantulog. Napagod ako sa biyahe. Matagal-tagal na rin siguro nung bumyahe ako. Pumasok nako sa kwarto para matulog. Sumunod naman si Jax sakin.

...

Tulad ng dati ay maaga akong nagising para maghain ng almusal naming dalawa. Nakita ko naman ang nakangiting Jax malapit sa pinto ng kusina"Good morning" bati ko at nginitian siya. Lumapit naman siya sakin at hinalikan ako sa labi. "Good morning, babe"

Tinulungan niya akong mag ayos ng lamesa. Pagkatapos naming kumain ng almusal, napagpasyahan ni Jax na magpasyal sa mall. Um-oo naman agad ako. Di naman masyadong kalayuan ang mall. Ilang minuto lang ay narating agad namin to. Nakasuot si Jax ng mask na itim.

"Babe" tiningnan ko siya. "Hmm?"
"Can I go to the restroom for a minute?" Napatawa ako at tumango. "Please stay here. I'll be back" tumango ako. Umalis naman agad siya.



Caleb's POV

Kung di lang talaga buntis yang si Stacey di ko siya pagbibigyan, nakakapagof mamili ang dami pa naman niyang binilin sakin. Naramdaman ko ang pag vibrate ang phone ko. Napabuntong hininga ako, si Stacey nanaman to. I answered her call.

"Caleb san na yung pinapabili ko?!" Nilayo ko ang tenga ko. "Wag ka ngang sumigaw baby, nakakabingi pa naman yang boses mo" narinig ko siyang umiyak. Ganyan ba talaga ka moody ang mga buntis?

"Oy oy. Wag ka ngang umiyak. Baka akalain nila tita na pinapaiyak kita" di parin siya tumigil sa kakaiyak. "Tahan ka na nga" nakahinga ako ng maluwag nung huminto siyang umiyak.

"Sige, titigil nako basta kantahan mo ko ng kanta na baby shark hehehe " napa face palm ako. Kung di lang talaga kita mahal. "Ba't mo ba gusto yang kanta na yan?" Bigla siyang umiyak. Kaya mas lalo akong nataranta. Pumunta ako sa isang sulok na wala masyadong tao at kinantahan siya. Tumahan naman siya at in-off ang tawag ko.

Naka hinga ako ng maluwag nung di na ulit siya tumawag. Nagsimula nakong maglakad, hinahanap ko yung stuffed toy na gustong-gusto ni Stacey. Nung nakita ko na, tumakbo ako papunta sa store na yun. Bigla akong nagulat nung may babae akong nabunggo. Buti nalang at nahawakan ko siya agad. "Sorry. Di ko.." parang tumigil ang mundo ko.


3rd Person's POV

"I hope she would like this"
Nakangiti ang binata sa hawak-hawak niyang paper bag. Binili niya ng isang Crown necklace si Annie.

Pumunta agad siya kung saan niya iniwan ang dalaga. Biglang nawala ang ngiti sa kanyang labi. Umigting ang panga niya nung nakita niya ang lalaking nakahawak kay Annie.

"Gomez"

Jax DiedrichTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon