Annie's POV
"Annie!"
Napalingon ako. Nakita ko si Pamela na may bitbit na papel. "Ano yun?" Nilapitan ko siya, binigay niya naman ang papel sakin. "Ann, pinapasabi ni Aling Amanda na kung pwede ba raw na ikaw muna ang mamalengke? Hindi kasi maganda ang pakiramdam niya" tumango ako at kinuha ang papel.
"O sige. Ako na bahala" ngiti ko.
Kinuha naman ni Pamela ang walis at pinagpatuloy ang trabaho ko.Inalis ko ang suotsuot kong apron. Palabas na sana ako nung may tumawag sa pangalan ko."Annie! San ka pupunta?" Si Mateo lang pala. Patakbo siyang pumunta sakin. "Sa palengke, Mat" tugon ko. Ngumiti siya sakin. "Pwedeng sumama?" Ngumunot ang noo ko. "Nako, wag na. Kaya ko naman" tiningnan niya ako.
"I insist. Tingnan mo nga yang katawan mo ang payat payat tapos-" kinuha niya ang listahan at binasa. "Ba't ang dami?" Ngumunot ang noo niya. "Yan na yung nakasulat eh. Tsaka nagkasakit daw si Aling Amanda kaya di siya makakaalis" tumango lang siya.
"Okay then. Sasamahan kita" bigla niyang hinila ang kamay ko papunta sa sasakyan niya. "Nga pala. Ba't ka ba sumama?" Tanong ko sakanya. Ngumiti siya "Gusto ko lang umalis sa bahay." tiningnan ko siya. "Ganun?" Tumango siya.
Di nako nag salita. Ilang minuto ay nakarating din kami sa palengke.
"Dito ka lang. Ako na ang bibili" hindi siya sumagot. May sinuot siyang Cap na black at mask din. "I'm coming with you" sabi niya sabay labas sa sasakyan. "Teka-" di ko na natapos ang sasabihin ko nung hinila niya ako. Siya ang bumili ng prutas, ako naman sa gulay. "Ineng, nobyo mo ba siya?" Tanong ng matandang babae sakin habang nakatingin kay Mat. Napahinto ako sa pamimili ng carrots at tumingin kay Mat."Nako, hindi po. Kaibigan ko lang siya" tumingin ako sa matanda. "Ganun ba? Sayang. Bagay pa naman kayo. Kaso, naka mask ang kaibigan mo. May sakit ba siya ineng?" Tanong niya ulit. Umiling lang ako. Gusto kong matawa sa sinabi ng babae. "Wala po" tumango ang matanda. Magsasalita na sana siya nung lumapit si Mat sakin. "Hey, I'm done" tiningnan ko siya at ngumiti.
"Bilis mo" sabi ko at tumawa.
Mabilis naman kaming natapos dahil tinulungan ako ni Mat sa pagbitbit at pag bili. Pagdating namin ay siya pa mismo ang nagbuhat. "Maraming salamat sa tulong Mat" ngiti ko. Tumango siya at ngumiti. "It's nothing, rest well" ngumiti ako sakanya.Pamela's POV
Galing ako sa harden nung nakita ko ang sasakyan ni Sir Mat. Napangiti ako ng husto. Matagal ko nang crush si sir Mateo. Simula nung nag trabaho ako dito. Biglang gumuho ang mundo ko nung nakita ko si Annie na lumabas sa sasakyan ni sir Mat. Kahit minsan ay wala pang isa saming mga katulong dito sa bahay na nakasakay sa kotse ni Sir Mat. Si Annie pa lang.
Nagtago agad ako para di nila ako makita. Nakita ko naman na nag buhat si Sir Mat ng dalawang malalaking Celophane. Si Annie naman ay tumutulong lang. Alam kong magkaibigan silang dalawa pero parang sobra na yata ang closeness nilang dalawa. Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko.
Jax's POV
I drove as fast as I can. Pagdating ko sa hospital ay nakita ko agad si Tita Cass na umiiyak. Si Tito Loyd naman ay pinuntahan ako at sinuntok ng malakas. Napa upo ako dahil dun.
"Loyd!" Mom shouted at pinuntahan ako. "If you accepted my offer. Hindi sana mangyayari to kay Ezra!" He shouted. Yumuko lang ako. "Loyd! That's enough! Hindi kasalanan ni Jax! It's your fault! Kaya wag mo siyang sisisihin!" Sigaw ni Tita.
"What? Now it's my fault? If-" hindi natapos ni Tito ang sasabihin niya nung biglang sumigaw si Tita. "Enough!" Tito just released a big sigh at sumandal. Ilang minuto lang ay lumabas ang Doctor sa ER. Mom helped me to stand. "Are you the family?" Tanong ng Doctor. "Yes doc" Tita said. He just nod.
"Buti nalang at nasugod agad siya kung hindi baka nasa critical na ang condition ngayon ng pasyente. Now, she needs some rest" he said. "Okay doc. Thank you" tumango lang ulit siya at umalis. Niyakap ako ni Tita. Si Tito naman ay umalis lang. "You should go home hon" Mom said. Tumango lang ako at umalis.
...
Annie's POV
Pagkatapos kong mag ayos ng pinamili namin ni Mat ay pumunta ako sa hardin nung nakita ko si Pamela na naka upo lang sa damuhan. Agad agad ko siyang pinuntahan. "Pam?" Tumingin siya sakin. Nakita ko naman ang mga mata niya. Mugtong mugto ito. "Umiyak ka ba?" Nag aalala kong tanong sa kanya. Di niya ko pinansin. Tumayo lang siya at umalis.
Nangunot ang noo ko sa ugali ni Pamela ngayon. Galit ba siya sakin dahil sa iniwan kong trabaho? Susundan ko sana siya para tanungin kung ano ang problema nung nakarinig ako ng tunog ng sasakyan. Tumayo ako para makita kung sino ang dumating.
Itim na sasakyan ang pumarada malapit sa harden. Lumabas naman ang nakasakay doon. Lalaking naka Jacket ang lumabas sa kotse. Lumingon siya sa direksyon ko kaya nakita ko ang mukha niya. Kamukha niya si Mat pero mas bata, hawig niya rin si Hana. Siya siguro yung sinasabi nila na pangalawang kapatid ni Mat. Napatitig ako sa kanya. Nangunot ang noo ko. Familiar ang mukha niya, parang nakita ko siya kung saan pero hindi ko maalala. Napatakbo ako sa direksyon niya nung bigla siyang natumba. Buti nalang at nasalo ko ang ulo niya.
"Sir? Sir!" Hinawakan ko ang mukha niya pero napaso lang ako. Inaapoy siya ng lagnat!
BINABASA MO ANG
Jax Diedrich
Storie d'amore"True love is different: it is a strong fiery and impetuous passion as well as deep and calm feeling." -Jax Leon Diedrich. This story is for open-minded people. Rated SPG ang kwentong ito. (Completed ✓) © All Rights Reserved 2017