Annie's POV
"Babe, tara na?" Tumango si Jax at tumayo. Mas nauna siyang pumunta sa sasakyan aat pinagbuksan ako ng pinto. Ngumiti ako sakanya at pumasok. Dali-dali naman siyang pumunta sa driver's seat at pina andar ang sasakyan.
Pumunta si Anne kahapon para humingi ng sorry kay Jax. Hindi parin nawawala ang pangamba ko sa sinabi ni Anne sakin, "Hey" naramdaman ko ang paghawak ni Jax sa kamay ko. Ang isang kamay niya ay nasa steering wheel. "Hmm?" Tumingin ako sa kanya. Naka focus lang siya sa daan. "What are you thinking?" Napangiti ako. "Nothing babe" sabi ko. Hindi na siya nagtanong ulit at nag focus nalang sa pag drive.
Pupunta kami sa mall ngayon. Ako lang sana ang pupunta kaso nagpumilit siyang sumama. Biglang nag ring ang phone ni Jax, sinagot niya ito.
"Yes Hana?" Si Hana pala ang tumawag sakanya. Nakita ko ang pagngunot ng noo niya, "Alright" bigla siyang bumuntong hininga. "Babe, I'm sorry but I can't come with you" sabi niya. "May problema ba?" Nag aalalang tanong ko. "Yes" tumango-tango ako. Hininto ni Jax ang sasakyan, nasa mall na pala kami.
"I'll fetch you by 4" tumango ako at ngumiti "Mag iingat kayo ni Hana" tumango siya, nilapit niya ang mukha niya sakin at hinalikan ako sa labi.
Tinulak ko siya ng mahina dahil parang ayaw niya nang tumigil. He chuckled "Take care babe and please don't expose yourself too much" natawa ako sa sinabi niya. "Noted, Mr. Diedrich" I said at lumabas. I waved at him at isinara ang pinto.Nung naka alis na siya, pumasok nako sa loob ng mall. Napansin kong madaming nakatingin sakin kaya dali-dali akong pumasok sa Supermarket. Kumuha lang ako ng konting chocolates, nag ke-crave kasi ako. Ayoko ring maabala si Jax. Bumili nalang rin ako ng pads.
Pumunta agad ako sa counter para mag bayad. Buti nalang at wala masyadong tao ngayon sa mall.Nilagay ko agad ang mga binili ko sa bag. Nag ikot-ikot lang ako sa buong mall, ayokong mag sine dahil wala si Jax, mabo-bored lang ako. Pumunta ako sa isang coffee shop na nasa labas ng mall.
"One Americano please" ngumiti ako, tumango ang babae. Hindi naman nagtagal dumating ang order ko. Umupo ako malapit sa bintana.
"Annie?" Napalingon ako sa likod ko. Biglang nangunot ang noo ko.
Ba't siya nandito?Mike's POV
"Annie?"
Lumingon naman siya kaya napangiti ako. Lumapit ako sa bakanteng upuan "Can I sit here?" Di niya ako pinansin kaya umupo nalang ako "Silence means yes" ngiting sabi ko. "So, what are you doing in here? Alone?" Nakangiting tanong ko sakanya. Tiningnan niya lang ako at binaling ang pansin niya sa labas.
"You're still beautiful"
nakangiting bulong ko sakanya. Tumingin siya sakin na may ngunot ang noo "Ano yun? Teka anong ginagawa mo rito? Sinusundan mo ba ko?" Umiling ako at ngumiti "No, I was just passing by nung nakita kita dito sa loob ng cafe" tumango-tango siya.
"Kumusta ka na? Hindi kita masyadong nakausap nung nasa party tayo" sabi ko sakanya. "Okay lang naman ako, ikaw? I never thought na anak ka pala nila Mr. and Mrs. Sabella" she said as she take a sip from her coffee. "Yeah, about what happened in the past" nangunot ang noo niya sa sinabi ko. I take my deep breath bago mag salita "Annie, I'm so sorry" mas lalong nangunot ang noo niya sa sinabi ko. "Sorry para san?" Tanong niya sakin. "I'm so sorry. For breaking your heart, for the lies, for everything" yumuko ako, "It's okay. Nasa past na yun" iniangat ko ang ulo ko. Nakita ko siyang nakangiti sakin, umupo ako ng maayos at inilahad ang kamay ko "Friends?" Ngumiti siya at tinanggap ang kamay ko. "Friends"
"Are you free tomorrow night?" I asked her. Tumango siya. "Great, can I treat you to dinner? Just a friendly dinner" Ngiting tanong ko. Sana pumayag siya. "I don't think so Mike" nawala ang ngiti ko sa labi "Please? Ilang buwan rin tayong di nagkita and besides it's just a dinner. Kung gusto mo isama mo si Mr. Diedrich" ngumiti siya at tumango "That's good. Give me your number so that I can text you tomorrow" binigay ko sakanya ang phone ko. She typed her number at binigay sakin "Thanks" ngiting sabi ko. Tumingin siya sa relo niya at tumayo. "Mauuna nako" she said. Aalis na sana siya nung hinila ko ang wrist niya "Ihahatid na kita" umiling siya at ngumiti "Thank you pero susunduin ako ni Jax". Napabuntong hininga nalang ako "By the way, it's nice meeting you again Mike" ngumiti ako at hinila siya para yakapin. Alam kong nagulat siya sa ginawa ko, but damn I missed her so much.
"Anong ginagawa mo?" Takang tanong niya sakin. "I'm just giving you a friendly hug" ngiting sagot ko sakanya. Naramadaman ko ang pagyakap niya sakin. Ilang segundo rin kaming magkayakap. Kumalas nako sa yakap at tinitigan siya, ngumiti ako sakanya at hinalikan ang noo niya "I missed you" I said while looking through her eyes.
"Aalis nako Mike" she said at dali-daling umalis. Nung hindi ko na siya makita kinuha ko ang phone ko at dinial ang isang number. She answered my call.
"Nakuha mo ba?"
"Of course Mr. Sabella. I caught it nice and clear"
Napangisi ako sa sinabi niya.
"Well, thank you Ms. Davis. Don't worry, madali lang to"
"I'm expecting Mr. Sabella, I want him to be mine again"
Natawa ako. Ganyan niya ba kamahal ang lalaking yun?
"Hindi lang ikaw ang excited. Excited rin akong makuha si Annie ulit"
"Annie? Oh that Carlisle Gomez? Yes, you can have her. I don't care anyway"
"I'll hung up the call now Ms. Davis. Be ready tomorrow, you should capture our moment nice and clear"
I heard her laugh.
"Don't worry Mr. Sabella, I'm good at taking pictures and ruining a relationship"
"That's good then. Goodbye"
Binaba ko na ang phone ko. Napangiti ako, i'll make sure na magiging akin ka ulit Annie. Tumingin ako sa labas, nakita ko si Ms. Davis na nasa labas ng cafe. She smiled at me at umalis.
Annie, you're mine. Only mine.
BINABASA MO ANG
Jax Diedrich
Romance"True love is different: it is a strong fiery and impetuous passion as well as deep and calm feeling." -Jax Leon Diedrich. This story is for open-minded people. Rated SPG ang kwentong ito. (Completed ✓) © All Rights Reserved 2017