Caleb's POV
"Eto ba si Carlisle at Mom mo?" Turo niya kay .om at Carlisle. Tumango ako "Yes, Si Carlisle and Mom magkamukhang magkamukha silang dalawa" tumango lang siya.
"Let me take you to Carlisle's room" sumunod lang si Annie. I opened a gray door "This is her room" pumasok siya sa loob. Puno pa ng mga gamit ni Carlisle ang kwarto niya. Mom and Dad decided na wag kunin ang mga gamit niya. "She loves white" napatingin si Annie sakin. "Fave color ko rin ang white" nangunot ang noo ko. Really? Magsasalita na sana ako when I heard Mom's voice in my back "Caleb?" Napalingon ako. Niyakap niya agad ako "I missed you anak" I hugged her back. "Kumusta ang flight Mom?" I ask her at kumalas sa yakap. "Okay nama--" napatingin si Mom sa likod ko. I saw tears running down through her cheek.
"Carlisle?" Niyakap niya agad si Annie. Nangunot ang noo niya. Niyakap naman niya si Mom. "I thought di ka namin makikita ulit. After 16 years of searching nakita ka rin ni Caleb" bumuntong hininga ako "Mom"
"God. You really looked like me anak" hinawakan ni Mom ang mukha ni Annie at niyakap ulit. "Mom!" Sigaw ko. Lumingon naman si Mom sakin. Hinila ko si Annie palapit sakin "Mom, this is Annie. My friend" nangunot ng husto ang noo niya "Oh gosh. I'm sorry Hija. I thought you are- uhm don't mind that, by the way kumain na ba kayong dalawa? I bought snacks" tumango lang ako. "Oh okay, magbihis lang ako" dali dali namang umalis si Mom.
"I'm sorry for what happened Annie" tumango siya at ngumiti. "Okay lang yun. Ganun niya ba namimiss si Carlisle?" Tumango ako. "Mom loved her so much kaya nung nawala si Carlisle parang mabaliw si Mom. Every day nasa kwarto siya ni Carlisle" nalungkot ako habang naiisip ko ang nangyaring yun "Nasan ka pala nung nawala si Carlisle?" Tumingin ako sa kanya "Nasa Canada ako nung time na yun" nagulat ako nung bigla niya akong niyakap. "Okay lang yan" she rub my back gently. I hugged her back.
I wish she was you.
Kumalas siya sa yakap "Okay ka na?" Tumango ako at ngumiti. "Tara na?" Tumango siya at lumabas.
...
Nag paalam na si Annie kay Mom. "Annie, you can be here anytime you want" ngumiti ako "Nako po Tita baka makaka distorbo po ako sa inyo" ngumiti si Mom "No hija, you are welcome here anytime and stop calling me Tita, Instead call me Mom. Ok?" Tumango si Annie "Okay Mom" Hinila ko si Annie. "Napaka sweet pala ng Mom mo" nakangiting sabi niya. Tumango ako. "Yes, she is" ngiti ko.
"We're here" hininto ko ang sasakyan. "Thank you sa araw nato. Nag enjoy ako" lalabas na sana si Annie nung hinila ko siya para yakapin. Alam kong nagulat siya "Caleb?" Kumalas ako sa yakap "I'm sorry" napakamot ako sa batok ko. "Aalis nako. Salamat ulit" ngumiti lang ako. Lumabas naman siya. Dali-dali akong lumabas "Annie!" Lumingon naman siya.
May nakita akong huminto na sasakyan sa likoran niya. Lumabas naman ang tao dito. "Jax" bulong ko sa sarili ko.
Annie's POV
Nakita kong ngumunot ang noo ni Caleb. Lumingon ako sa likuran ko, nakita ko si Jax na antalim ng tingin niya kay Caleb.
"What the f*ck are you doing here, Gomez?" Ngumisi lang si Caleb. "Hinahatid si Annie. Bakit?" Tiningnan ako ni Jax at tumingin kay Caleb. "Get out of here Gomez or I'll kill you" tumawa lang si Caleb at tumingin sakin. "Bye Annie, see you soon" kumindat pa siya at pumasok sa loob ng sasakyan niya at umalis.
"Annie" tumingin ako kay Jax na ngayon ang sama na ng tingin niya sakin. "Hop in" sabi niya at pumasok. Di ko siya pinansin at pumasok sa loob. "Annie!" Rinig kong sigaw niya. Di ko siya nilingon. Bahala ka diyan. Dali dali akong pumasok sa loob. Alam kong nakasunod ang sasakyan niya sakin. "Damn. Annie!" Sigaw niya ulit. Pero this time, tumakbo nako papasok. Wala akong pakealam kung magagalit siya sakin. 3 linggo na walang paramdam. Maganda ba yun?
Narinig ko ang pagsara ng pinto ng sasakyan niya. "Annie! Stop" sigaw niya parin. Kaya huminto ako. "Why are you together with Gomez?" Nilingon ko siya. Kitang kita ko ang galit at selos sa mukha niya "Nag date kami. Bakit?" Nakita ko ang pag igting ng kanyang panga. "What the fck did you just say?" Binalewala ko ang sinabi niya at pumasok. Tinawag niya ako pero di ko siya pinansin. Nagmamadali akong pumasok sa kwarto ko at sinara ang pinto. Narinig ko ang pagbukas nito.
"Annie, what did you just say?" Naoa buntong hininga nalang ako at nilingon siya. Nasa bewang ang dalawang kamay niya "Nag date kami" napahilamos siya ng mukha "Are you fcking serious?" Tiningnan ko lang siya at tunalikod. "I was gone for 3 weeks, after that I saw you with that fcking Gomez?!" Galit na nilingon ko siya "YUN NA NGA! Nawala ka ng 3 linggo! Anong sabi mo sakin dati? Isang linggo lang! Isang linggo! Baka sa susunod maabutan ka ng 3 buwan!" Biglang umigting ang panga niya. "Ano Jax? Wala ka man lang bang paliwanag?" Yumuko siya. May luhang kumawala sa mata ko "Yan ang nasa isip ko. Ano ba ko sayo Jax? Ha?" Inangat niya ang ulo niya at tinitigan ako "You are my damn girlfriend Annie, is he better in bed than I am? Huh?" Nasampal ko siya. Ganyan ba ang tingin niya sakin? Malandi?
"Lumabas ka! Labas!" Tinulak ko siya palabas, nung tuluyang nakalabas na siya nilock ko ang pinto. Narinig ko pa ang pag tawag niya pero binalewala ko nalang. Pinakawalan ko ang mga luhang kanina pang gustong lumabas. Dahil sa pagod ay na nakatulog ako.
...
Nagising ako nung narinig ko ang boses ni Tita. Tumayo ako at pinagbuksan siya ng pinto. Wala na sa labas si Jax. Ano pa nga ba Annie? Umaasa ka na makikita mo yun? Bulong ko sa sarili. Malamang umalis na yun. Nakangiti si Tita Mel nung pagbukas ko ng pinto. "Annie, makakalabas na raw ngayon si Jam" napangiti ako sa sinabi ni Tita "Talaga tita?" Tumango siya. "Nga pala, nag paalam nako na uuwi muna tayo at pinayagan naman tayo ni Madame Cylia" mas lalo akong napangiti. "Ayusin mo ang gamit mo at uuwi tayo sa probinsya" tumango ako at dali-daling pumasok.
Ilang buwan rin akong nawalay kay Jam, at ngayon makakalabas na siya sa hospital. Excited nakong makita ang kapatid ko.
BINABASA MO ANG
Jax Diedrich
Romance"True love is different: it is a strong fiery and impetuous passion as well as deep and calm feeling." -Jax Leon Diedrich. This story is for open-minded people. Rated SPG ang kwentong ito. (Completed ✓) © All Rights Reserved 2017