C HA P T E R 41

10.5K 165 10
                                    

Annie's POV

"Annie, you are Carlisle, you are a Gomez" nagulat ako sa sinabi ni Caleb. "Ha? Teka. Pano nangyari yun?" Pinunasan niya ang kanyang mga luha, may binigay siyang puting envelope sakin "Nagpagawa ako ng DNA Test sating dalawa" kinuha ko yun at dali-dali kong binuksan.

Probability of Paternity: 98% Positive

Napatakip ako sa bibig ko. Hindi siya nagbibiro. "The first time I met you in Tagaytay, alam kong may kakaiba. And when we met here in Manila, something really bothered me. And when you showed me your birthmark that really proves that you are Carlisle pero hindi ako nag assume. So, I tried the DNA Test" may biglang pumatak na luha sa mga mata ko kaya yumuko ako. Hindi ko talaga kapatid si Jam, hindi ko tunay na kapamilya sila Tita at hindi Villareal ang tunay kong apilyedo.

"Annie, after 16 years of suffering without you and 16 years of searching, finally. I found you. Our family will be happy about this" pinunasan ko ang mga luha ko at iniangat ang ulo ko. Nakita kong nakangiti si Caleb sakin "Annie, alam kong litong lito ka sa mga sinasabi k--" di ko pinagpatuloy ang sasabihin niya "Caleb, thank you" nagulat siya sa sinabi ko.

Ngumiti ako sakanya "Buong buhay ko, hindi ako nakaranas ng pagmamahal ng isang pamilya. Nung nakilala kita at sinabi mo sakin ang nawawala mong kapatid, nakita ko sa mga mata mo ang sinceridad na mahanap siya at nung nakilala ko si Tita Yumi dun ko hiniling na sana ako nalang si Carlisle" napa iyak nako habang sinasabi ko yun. Nakita ko siyang ngumiti "And now, your wish came true" tumango ako, pinahid niya ang mga luhang kumakawala sa mga mata ko.

Bigla siyang tumayo at pumunta sa pwesto ko "I'll take you home" napangiti ako at tumango. Sabay kaming lumabas.

...

"I really knew that you are Carlisle" niyakap ako ni tita Yumi. Pareho kaming naluluha. Nung pinakita ni Caleb ang result sa DNA Test namin, niyakap agad ako ni Tita. Nakita ko naman si Caleb na ngumiti. "I love you so much anak. After 16 long years na nagkawalay tayo, now your brother finally found you" napahagulgol nako sa sinabi ni Tita. "Shh, stop crying baby" kumalas siya sa yakap at pinahiran ang mga luha ko. "God, you really look like me. Parang kaharap ko yung sarili ko nung dalaga pa ko" sabay kaming natawa.

"Carlisle?!" Sabay kaming napalingon sa pintuan. May lalaking tumakbo papunta sa pwesto namin "Here comes your dad" napalingon ako kay Tita Yumi, ngumiti siya sakin. "Carlisle" he spread his arm wide open. Pumunta ako sakanya at niyakap siya. Narinig ko siyang humikbi. Ilang minuto rin na magkayakap kami. "Carlisle, anak" yun lang ang nasabi niya at kumalas sa yakap. Pinahiran niya ang mga luha ko at hinalikan ako sa noo. "Who found you, princess?" Tumingin naman ako kay Caleb at ngumiti "Good work son, you brought your sister home" tumango lang si Caleb at ngumiti.


...


Isang linggo na ang lumipas simula nung nalaman ko kung sino talaga ang tunay kong pamilya. Isang linggo na rin na hindi ko nakikita si Jax. Sinabi ko ang rason kung bakit ako nakatira dito sa pamilya nila Jax, nung una ay di pumayag si daddy na bumalik ako rito pero kalaunan ay pumayag rin siya. Sinabi ko na rin kay Tita ang lahat. Naging masaya siya para sakin, doble ang saya ko ngayon. Una, magkaka baby na kami ni Jax at pangalawa, nahanap ko ang tunay kong pamilya.


"Annie, di ka pa ba aalis? Naghihintay na si Caleb sayo sa labas" napalingon ako kay tita. "Hinihintay ko po si Jax, tita. Sabi niya babalik siya pagkatapos ng 2 linggo" binigyan ko si Tita ng malungkot na ngiti. Niyakap niya ako "Wag kang mag-alala. Itetext kita pag nandito na siya" tumango ako at kinuha ang mga bag. Di nako nakapag paalam kay Madame Cylia dahil nasa abroad raw siya ngayon. Si Matt naman ay nagpapagaling sa states.

Sabay kaming lumabas ni tita, nung nakita kami ni kuya Caleb ay lumapit siya samin at kinuha ang bag ko. Nilingon ko si tita at niyakap siya ng mahigpit "Annie, mag iingat ka ha? Mahal na mahal kita kahit hindi kita tunay na pamangkin" narinig ko ang pag hikbi ni Tita. Napa luha na rin ako "Opo tita. Wag ka pong mag alala bibisitahin po kita" sabi ko sabay kumalas sa yakap. Pinahiran naman niya ang mga luha niya "Caleb, Ingatan mo si Annie ha? Mahal ko ang batang ito, tinuring ko na rin itong tunay kong pamangkin" ngumiti si kuya Caleb at tumango "Makaka asa po kayo" ngumiti ako kay Tita at pumasok na sa loob ng sasakyan.

"Carlisle, pupunta muna tayo sa airport. Susunduin natin si Chris" simula nung nalaman ko na ako pala si Carlisle, hinayaan ko na silang tawagin ako sa totoo kong pangalan. Napatingin ako kay kuya. "Uuwi siya ngayon, I already told him that I found our princess" napangiti ako sa sinabi ni Kuya. Parang dati lang nangangarap ako na magkaroon ng buong pamilya at ngayon, ang pangarap ko natupad.

"Nandito na tayo" tinanggal ko ang seatbelt. Nakita ko naman si kuya na nag shades at nag suot ng jacket. Aalis na sana ako nung hinila ni kuya ang kamay ko "Wear this" may binigay siyang sumbrero na itim sakin. Tiningnan ko si kuya pero ngumiti siya "We are quiet famous, that's why" natawa ako sa sinabi niya, na una siya bumaba at pinagbuksan ako ng pinto.

Nasa labas na kami ng airport nung napansin kong madaming naka tingin samin. "Kuya, ba't sila naka tingin satin?" Tumingin si kuya sakin at ngumiti "I told you, hayaan mo lang sila Princess" sabi niya, binalewala ko nalang ang mga tao. Ilang minuto rin kaming naghihintay nung may tumawag kay kuya. Sinagot naman niya ito. "What? Dad. I can protect her. No need for the bodyguards. Nakakakuha na kami ng attention dito sa airport" napalingon ako kay kuya, bodyguards? Lumingon ako sa likuran namin, nanlaki ang mga mata ko nung may mga bodyguards na nakabantay samin.

Kinalabit ko si kuya, lumingon siya sakin. Nakita ko ang pagka dismaya sa mukha niya "Nagpadala ng bodyguards si dad, he said mom wants you to be safe" Napa buntong hininga naman si kuya. Ngumiti lang ako sa kanya at umakbay siya sakin.

Ilang minuto ay may lumapit saming lalaki na naka Jacket na Itim at naka suot siya ng mask. "Caleb" lumapit siya kay kuya, niyakap naman siya ni kuya. "Carlisle?" Lumapit siya sakin at Niyakap ako "Ako ito, si kuya Chris mo" sabi niya kaya niyakap ko rin siya. "Damn, you look gorgeous. Kamukhang kamukha mo talaga si mom" sabi niya nung  kumalas siya sa yakap.

"Cal, bakit may mga bodyguards?" Tanong ni Kuya Chris. "Pinadala yan ni mom at dad" tumango naman si Kuya Chris. "Tara na. Madami nang mata ang naka tingin satin dito" sabi ni kuya Caleb at kinuha ang maleta ni kuya Chris. Umakbay naman sakin si kuya Chris. Sabay kaming pumunta sa sasakyan, nasa likuran lang namin ang mga bodyguards.

Jax DiedrichTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon