Chat 6

28 6 3
                                    

@Zia_kwsk28

Nakatulog ako since hindi naman nag rereply si Navir. Pero bigla akong nagising nang biglang.....

*BANG (yung pinto yan)

Lentek? May nage-LQ ba sa baba? Wala naman siguro.

Bumaba ako para hanapin si Yuhria. Bigla akong naganahang makipag-chismisan sa bruha kong kapatid hehe.

"Oy. Anyare? Sino yung nagpabagsak ng pinto kanina?" tanong ko sakanya habang naghahanda ng kape.

"Si kuya. Ewan kung anong nangyari dun at bigla nalang kumaripas palabas."sabi niya.

The fudge? Ano kaya yun?

Hindi kaya.....

"Nah, it's for your own privacy....you should thank me though"

"Sasabihin ko nalang sa kuya mo."

What the fu--flower.

Pero baka hindi. Baka hindi naman. Ewan baka oo nga. Ang gulo ko.

"Tingin mo anong gagawin niya?" tanong ko kay Yuhria.

"Ewan. Parang galit siya nun. Ni hindi na nga nakapagpaalam sakin bago umalis. Basta sabi niya pupunta siyang Starbucks tapos yun lumayas na.Tsk. Si kuya talaga." sabi niya.

Napatakbo ako para makuha yung susi ko sa motor. Saang Starbucks ba yun? Grabe ah! Ibig sabihin niya, lalabas siya ng Campus? Wala namang Starbucks dito sa loob ng Campus. Kaiyak naman. Gagamit nga ako nung short cut.

"O teka ate! Ikaw din?! Ano ba naman yan! Sama ako!"sabi niya.

"Bruha ka. Dito ka lang."sabi ko.

Habang nagda-drive ako, hindi ko maiwasang mahiya dahil sa suot ko >~<

NAKA-PAJAMAS LANG AKO EH!

Lentek naman kasi kuya.

Tsaka saang Starbucks ba yun?! Andaming Starbucks dito sa Seoul ah. Di man lang niya spinecify. Tsk.

Pero ang alam ko may malapit dito sa M.A.G.A.S.K

Yun kaya yun??

Pagkalabas ko ng gate ng campus, agad kong inalala yung daan papunta sa Starbucks na yun.

AYUN!!

HOLY MOTHER OF-- DITO NGA!!

Pinark ko yung motor ko sa may eskinita at pumasok sa Starbucks.

Palingon-lingon ako nang mabaling ang tingin ko sa isang lalaking umaktong susuntok sa kung sino.

Teka....si kuya yun ah...ANO?! TEKA! SI KUYA! ANAK NG TUPA.

Tumakbo ako papunta sa table para mapigilan ang pagsuntok ni kuya.

"Kuya! Kingina! Kilala mo man lang ba yan?!"paaigaw kong tanong. Napalingon yung ibang mga tao dito sa direksyon namin.

A Twitter Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon