Chat 16

9 3 12
                                    

@NavirEvangie

Ano ba talagang nangyari kay Jya? Baka pagod lang siya? Pagkatapos ko nga siyang ihatid ay ngumiti lang siya sakin ng tipid at pumasok na.

Baka pagod lang siya kaya ganun? Umiling na lang ako at bumuntong-hininga. 'Wag mo na nga isipin yun, Navir.

Tumayo ako at pumasok sa banyo para mag-ayos. Tiningnan ko ang mukha ko at halatang puyat ako. Iniisip ko lang talaga kagabi si Jya kung ayos ba talaga siya. Baka kasi dahil dun sa niluto ko kaya siya nagkaganun?

Naligo ulit ako at pagkatapos ay nag-ayos na. Pupunta ako kina Ivan (Archery) dahil nandun sina Gavriel, yung bestie ko for life hehe.

Mamayang gabi daw kasi flight nila pabalik sa Pilipinas eh.

Nag-drive ako papunta kina Archery dahil medyo malayo yun sa condo ko. Nang makarating ako ay pumunta agad ako sa loob dahil may access naman ako dun at alam ko ang password.

Pagkapasok na pagkapasok ko ay bumungad sakin si Dale. Nakita ko na nagulat siyang nandito ako. "Kuya Navir, bakit nandito ka po?" Tanong niya.

Ngumiwi ako. "Bakit? Bawal ba ako dito?" Tanong ko din at pumunta sa sala.

Nakita ko si Roger at Ynna na nag lalaro ng minimilitia kasama sina Akiesha at Filip. Si Gavriel naman ay nasa kusina kasama sina Erika, Frank at Dariel.

Napatingin sakin si Erika at nag-iwas ng tingin. Ngumiwi na lang din ako sa inasta niya. Naiintindihan ko naman kung bakit niya ako pinag-sabihan.

Pumunta ako sa kusina para kumustahin ang bessywap kong si Gavriel. "Guillermo, uwi na kayo mamaya diba? May mga pampasalubong ako dun sa kotse baka pwede niyong ibigay sa mga kapatid niyo," sabi ko pa.

Nanlaki naman ang mata niya at napapalo pa siya sa noo niya. "Oo nga pala! Buti na lang talaga hinulog ka sa langit!" Sabi niya at tumawa pa.

"Hinulog talaga? Hindi hulog ng langit?" Natatawang tanong ni Dariel kaya napasimangot ako.

Tangama pinagtutulungan ako ng mga 'to. Nagmamagandang loob na nga!

Narinig ko ang mahina pero sarcastic na tawa ni Erika "malamang, alagad ng demonyo yan eh," Kahit bulong lang 'yon ay narinig ko pa din! Tangama!

Napahalakhak na lang sina Gavriel at Frank, siguro dahil sa narinig din nila yung sinabi ni Erika. Dahil sa inis, ay umalis ako dun at pumunta sa pool side. Nakita ko nga na nag-aaway sina Archery at Yurina sa harap ng anak nila. Nabanggit ko ba sainyo na may anak na sila? Hindi siguro no? Pero oo, may anak na sila.

Nakita ko kung gano maapektuhan yung bata sa away ng dalawa kaya nilapitan ko.

"He's a fucking mistake! I never wanted to have a child like him!" Pasigaw na sabi ni Yurina habang tinuturo si Youth, yung anak nila.

Lumapit na ako kasi nakita kong nag-pipigil na talaga yung bata. "Excuse me. Kung mag-aaway kayo, dapat wala dito yung anak niyo. Makakaapekto yan sakanya," pakiusap ko at napatigil naman yung dalawa.

Tiningnan ko si Youth at nakita kong inirapan niya ako at umalis na parang walang pakealam. Bumaling naman si Archery kay Yurina. "Dun tayo sa rooftop," malamig niyang sabi at umalis na din.

A Twitter Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon