Chat 15

10 3 13
                                    

@Jia_kwsk28

Sinalubong ako ng isang tanong mula sa mga kasamahan ko nang maihatid na ako ni Navir sa tapat ng House of the First.

" 'You okay? Namumutla ka"puna ni Miya.

"Hindi okay lang ako... ano...uhh, napagod lang kakalakad kanina"sagot ko. Dahil sa totoo lang, di ko rin alam kung anong dapat kong isagot sa sinabi niya.

"Ahh..magpahinga ka na kaya?"sabi niya. Tumango lang ako bilang tugon. Pagod din naman kasi talaga ako.

Nagtungo ako sa kwarto ko at umupo ako sa gilid ng kama. Tinanggal ko ang sapatos ko at tsaka tumayo ulit para magpalit ng damit. Pagkapalit ko ng damit, gumapang ako papunta sa gitna ng kama ko at tsaka humiga.

Nakakatakot ako. Hindi. What I mean is natatakot ako sa sarili ko. Kung bakit ako natatakot? Yun ay dahil ito ang unang beses na halos mahdilim ang paningin ko dahil sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko....the first one, the one I experienced while I was eating, my heart kept sakipping a beat. Then the second one, the one while were talking, it was beating very fast.

At hindi ko malaman ang rason kung bakit ko yun naranasan. Baka nga dahil pagod ako.

•••

Nagising ako dahil sa sunod sunod na vibrate ng cellphone ko mula sa ilalim ng unan ko.

I groaned and took my phone from under my pillow. Sino naman toh ngayon?

Tch. I swiped to the right.

[Zia..]sabi ni Kenneth. Oo si Kenneth.

"Hm?"tipid kong tugon.

[Pwede ba tayong magusap?]

"Anong tawag mo dito? Telepathy?" pamimilosopo ko.

[No. What I mean is face to face.]sabi niya. May pagkahalong  dismaya ang boses niya dahil namilosopo pa ako. But I don't care. Tumingin ako sa orasan. Alas quatro y media. Huminga ako ng malalim. At mukhang narinig niya ito.

[Tonight..sa bahay]

"Exact time."

[7, dito ka na mag dinner]

Nanahimik ako ng tatlong segundo tsaka pinatay ang tawag. Hindi na ako sumagot. Kailangan kong mag isip.

Ugh. Damn. Pupunta nalang ako.

Sinet ko yung alarm ko sa 6 pm. Matutulog muna ako. At least I'd still get an hour to fix myself when I wake up.

•••

The alarm woke me up. At exactly 6 pm. I nearly knocked off the alarm clock beside my bed 'cause of the noise. When it finally stopped, I sat up and reached for the hairtie. I turned my hair into a messy bun.

Tumayo ako at tsaka pumunta ulit sa step in. Kukuha ako ng bagong pantaas. Pawisan yung kanina eh. Di lang halata.

I went for the same shorts and black shirt. Toothbrush nanaman ulit, then hilamos then punas ng mukha. Ugh. Routines. Pulbo, lipstick tapos. Kinuha ko yung susi ng motor ko na nasa likuran ng pinto. Kinuha ko rin yung leather jacket ko. Sinuot ko yung ankle boots na suot ko kanina tsaka bumaba na.

•••

Nang pagbuksan nila ako ng pinto, bumungad sakin ang amoy ng manok. Wow.

"Pasok ka"sabi niya. Dumeretso ako sa couch kung saan tulog si Candy (remember? Yung aso niya). Bumalik naman siya sa kusina para tapusin yung ginagawa niya.

Nanatili lang akong tahimik. Narinig ko ang mga yapak na malamang ay nangagaling kay Kenneth. Tumigil siya sa likuran ng inuupuan ko.

"Food is ready..Tara kain tayo"aya niya. Tumayo ako at sumunod nalang papuntang kusina.

We ate in silence hanggang sa magsalita siya.

"Gusto ko sanang humingi ng tawad sa nangyari kagabi."sabi niya. Tiningnan ko siya.

"Nagawa ko lang naman yun kasi..."kasi?

"Hindi ko gustong makita na may ibang gumagawa nun sayo."okay ka lang?

"Nagseselos ka?"sabi ko, direct to the point.

Tumingin siya sa malayo. "Hindi."

"Yun naman pala"bulong  ko. You don't own me.

"But with all that...I'm sorry"sabi niya

"Kenneth,"nagtama ang mga tingin namin."anong pumasok sa isip mo para sumunod sa Trace?"diretsa kong tanong.

Lumunok siya bago sumagot "di....hindi ko rin alam. Lasing ako nun.."sabi niya.

"Ano? Lasing ka?"kaya naman pala. Pero nakakalaban pa siya nun at tsaka nagawa niya pa kaming i-trace. Ang galing?

Tumango siya bilang tugon sa sinabi ko. Napailing nalang ako. Nakakadismaya ka minsan, Kenneth.

"Ngayon bakit mo siya sinuntok?"tanong ko.

"Zia diba sinabi ko naman na--"

"Hindi mo sinasagot ang tanong ko. Bakit mo siya sinuntok?"giit ko.

"Simple lang. Ayoko siyang dumidikit sayo. Ayokong malapit siya sayo. Ayokong nakikita kayon magkasama. Kung bakit ayoko? Fine. Sabihin na nating nagseselos nga ako. Nagseselos ako dahil gusto kita." seryoso niyang paliwanag. Napabuntong  hininga nalang ako.

"Bakit mo ba kailangan magselos? Una sa lahat, tayo ba? Oo gusto mo nga ako. Pero anong karapatan mong ipagdamot ako?Pangalawa, Magkaibigan lang naman kami ni Navir. Pangatlo, laro lang yun."sabi ko. Dun na siya natahimik.

"Sige na pinapatawad na kita pero Kenneth, pagisipan mo yang mga ginagawa mo ah?" sabi ko.

Tumango nalang siya biglang tugon.

"Im sorry"sabi niya.

"Saan nanaman?"tanong ko.

"Dahil sa nasabi ko kanina."sabi niya.

Tumango ako."okay lang. Diba sinabi ko naman na pinapatawad na kita"paliwanag ko.

Nang maubos na namin yung mga pagkain namin, tumayo na ako para magpaalam.

"Pano..uh..Kenneth mauna na ako. Maga-alas otso y media na rin kasi."sabi ko habang tumuturo sa may pinto. "Salamat sa pakain"sabi ko.

Hindi siya sumagot pero naglakad siya papalapit sakin. Di rin naman ako umatras. Nakalapit siya sakin at nagulat nalang ako nang bigla niya akong yakapin. Niyakap ko nalang siya pabalik. At tsaka diretso rin kumawala.

"Sige. Babye"sabi ko.

"Ingat. Goodnight"sabi niya. Nginitian ko nalang siya.

•••

"Oh diba haba ng hair ng ate ko! Dalawang lalaki sa isang araw!"binatukan ko si Yuhria.

"Anong tingin mo sakin? Malandi?"seryoso kong sabi.

"Wala naman akong sinabi eh. Kwento ka naman"sabi niya.

"Ayoko nga."tanggi ko.

"Eihhh ang damot mo talaga paminsan... often pala. Sige na! Kahit tungkol sa pagkain lang!"sabi niya. Napabuntong hininga nalang ako.

"Alam mo, pasalamat ka nalang talaga at kapatid kita at mahal kita. Kung hindi, nabaril na kita. Pagod ako. Ayoko na magkwento"sabi ko.

Sumimangit siya."Eh..sige na nga."

At that, I chuckled and then I climbed up to my room. I better go to sleep. Tomorrow is another day to face.

A Twitter Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon