Chat 31

9 4 0
                                    

Third Person's POV
(Danica)

Gaya ng inaasahan ni Kenneth, hiningi ni Devin ang address ng ospital kung saan naka-admit ang kapatid niya. It was as if Kenneth could possibly hide it from Devin, binigay niya na lang ang hinihingi ng nakatatandang kapatid ni Zia.

Nang matanggap ni Devin ang message ni Kenneth, agad na pinuntahan niya ang lugar. Hindi na muna niya ipinaalam sa isa pa niyang  kapatid ang nangyari dahil alam niyang magaalala ito para sa kanya.

Malapit nang makarating si Devin sa kwarto ni Zia at saktong kabababa lang din ni Navir galing sa rooftop. Nagtama ang tingin ng dalawa at galit na sumugod si Devin kay Navir.

Imposibleng walang kinalaman si Navir sa nangayari kay Zia. Alam ni Devin na matalik na magkaibigan si Navir at Zia. Infact, he had an intuition that Navir actually liked his younger sister.

He strongly gripped Navir's collar, "anong ginawa mo sa kapatid ko?", galit na tanong ni Devin kay Navir. Hindi nanlaban si  Navir, "kumalma ka nga muna, wala akong ginawa sa kanya", ani Navir.

"Pano ako kakalma? Yung kapatid ko muntik nang mamatay. Tapos nandito ka-- imposibleng wala kang alam sa nangyari  sa kanya!", tugon ni Devin.

"Nag-uusap lamg kaming dalawa nang bigla siyang--ayan!", pasigaw na sagot ni Navir habang tumuturo pa sa direksiyon ng kwarto ni Zia. Mabuti na lang at walan masyadong nurse na nagiikot sa ward sa mga oras na iyon.

Naisip ni Kenneth na maghintay kay Devin sa labas ng kwarto pero nang makalabas siya ay agad na nahagilap ng mga mata niya si Devin na para bang handang saktan si Navir kapag may ginawa o sinabi itong kahit na ano.

Dahil sa pagkagulat na rin ay agad niyang nilapitan ang dalawa, "Devin! Tama na!", sabi niya. Hindi pinakawalan ni Devin si Navir dahilan para bumulong si Navir sa kanya, "kumalma ka muna, wala akong ginawang masama kay Zia", mahinahong sabi ni Navir.

Tiningnan ni Devin ng matalim si Navir bago niya ito binitiwan. "Ano ba kayong dalawa? Nagkakaganyan na nga si Zia nagaaway pa kayo", galit na sabi ni Kenneth sa dalawa.

Napabuntong hininga si Devin at inayos na lang ni Navir ang damit niya. "Alam niyo, kailangan nating  tatlong magusap", seryosong sabi ni Kenneth.

Naguguluhang tiningnan ni Navir si Kenneth, "para saan?", tanong niya. "Tungkol saan", pagtatama ni Kenneth kay Navir. "Kailangan nating mag usap tungkol kay Zia. Dahil kapag nalaman niyang may nangyaring ganito pag kagising niya, alam kong hindi siya matutuwa", dagdag niya pa. Hindi na niya hinintay pang makasagot ang dalawa at nauna nang pumasok sa loob ng kwarto ni Zia na magpahanggang ngayon ay wala pa ring malay.

Sumunod na lang si Devin dahil doon din naman ang punta niya. Ganoon din ang ginawa ni Navir. Nang makapasok, umupo si Kenneth sa isang wooden chair at sumulyap kay Zia ng sandali. Pasensya na at kailangang magkaganito sabi ni Kenneth sa isip niya. Tiningnan niya naman yung dalawa na hindi nagkikibuan, "umupo kayo", seryosong sabi niya.

Naunang maupo si Devin at sumunod naman si Navir. Matapos ang ilang segundo ng katahimikan, nagsalita si Kenneth, "nakikita niyo yan?", tumingin si Kenneth kay Zia at bumalik sa dalawa. "Wala namang may gustong mangyari yan sa kanya. Hindi niyo kailangang mag sisihan dahil nagkakaganito", dagdag niya pa habang nakapahalukipkip. Sinulyapan niya si Zia at tumingin sa dalawa.

Tahimik lang si Devin at Navir habang nakikinig sa sinasabi ni Kenneth. Bigla namang pumasok si Erika sa pag-aakalang nauna nang umuwi si Kenneth. Napatingin silang tatlo sa kanya. Tiningnan niya rin lang silang tatlo, "a-ahh... Ken?", sabi niya.

Agad namang tumayo si Kenneth at nilingon yung dalawa, "mag-usap kayo, parang may kailangan pa kayong sabihin sa isa't - isa e", seryosong sabi ni Kenneth. Hindi pa rin nag-ingay yung dalawa.

Lumapit si Kenneth kay Erika, "uwi na?", tanong niya. Tumango naman si Erika, "oo", sabi niya. Tumango din si Kenneth at lumabas na ng kwarto. Hindi na siya lumingon pa kay Navir at Devin.

"Ano yun? Ang awkward niyong tatlo", sabi ni Erika kay Kenneth habng naglalakad sila sa hallway. Tumawa ng mahina si Kenneth, "nag-away e", sabi niya. "Sila. Nag-away sila", dagdag niya pa.

"Ah, Navir pa. Attitude yon e", seryosong sabi ni Erika. "Hindi si Navir yung attitude, yung kuya ni Zia", sabi naman ni Kenneth. Kinusot ni Erika ang isang mata niya, "baka naman pinatulan niyon", sabi ni Erika.

"Ewan, parang wala namang mga galos e", sabi ni Kenneth.

"Ahh"

Nilingon niya si Erika, "san ka nga pala nanggaling?", tanong ni Kenneth. Napanguso si Erika, "rooftop", sabi niya dahilan para mapakunot noo si Kenneth, "anong ginawa mo dun? Magpapakamatay ka ba? Kwento ka lang, nandito naman ako", sunod-sunod na sabi niya kay Erika.

"Baliw! Hindi naman ako magpapakamatay!", sabi ni Erika. "Pero kinausap ko si Navir", seryosong sabi niya.

"Hm, tungkol saan?", tanong ni Kenneth sa kanya. Lumingon si Erika sa kanya at tumawa, "ha? Tungkol lang naman sa katangahan ko", sabi niya.

Tumawa si Kenneth, "nag-confess ka noh?", biro niya. Tumawa rin si Erika, "oo". Dahil sa sinabi ni Erika, napaubo si Kenneth, "joke lang dapat yun e. Pero seryoso? Nag-confess ka?", tanong ni Kenneth.

"Oo nga", natatawang sabi ni Erika. Napatawa lalo si Kenneth, "gwapo ni Navir ah?", sabi niya. "Hindi nga e", sabi naman ni Erika. Pareho silang natawa dahil sa sinabi ni Erika.

"So anong nangyari? Parang magkamukha na tayo. Mukhang sawi", biro ni Kenneth.

"Nakakabwisit Kenneth! Sabi ko sa kanya 'mahal kita' alam mo sinagot sakin?"

"O ano?"

" 'thank you' " napatawa ng malakas si Kenneth. "Parang gusto ko siyang hulugin kanina", sabi pa ni Erika.

"Edi ikaw pa napasama", tugon ni Kenneth. Sumimangot si Erika,  "buti nga di ko ginawa", sabi niya.

"Gusto na talaga nila ang isat isa no?", natatawang sabi ni Kenneth. Tinakpan ni Erika yung tenga niya, "ayoko marinig", biro niya.

"Sana lahat nga ginu-gusto pabalik", sabi ni Kenneth. Sumeryoso si Erika, "wala e, ganun talaga..", sabi niya. Nilingon siya ni Kenneth.

Nang mapansin niyang nalulungkot na naman si Erika, nagkunwari siyang umiiyak para mapatawa si Erika, "kawawa naman natin", sabi niya.

Gumana naman yon at napatawa niya si Erika, "parang sira", natatawang sabi niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 25, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Twitter Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon