Chat 30

17 2 6
                                    

@NavirEvangie

"Navir!" Napatayo ako nang marinig ko ang pamilyar na boses. Nakita kong nag lalakad si Erika papalapit sa akin habang nasa likod niya naman si Kenneth.

Talaga ngang mag kasama silang dalawa. Napatingin ako kay Kenneth. Saglit kaming nagpakiramdaman. Ngayong nandito na si Kenneth, mas matutulungan niya si Zia.

Napatikhim naman si Erika. "Sige, iwan ko muna kayo," sabi niya at pinuntahan si Zia.

Napatingin naman ako kay Erika na sinusundan ng tingin si Kenneth. "Ba't nga pala kayo mag-kasama?" Tanong ko sa kaniya. Hindi naman kasi close yung dalawa eh--hindi nga ba?

Tumingin siya sakin at inayos yung sling bag niya. "Nagkausap lang kami saglit at nag sabay na lang pumunta dito tutal gusto ko rin na makausap ka".

Napakunot-noo naman ako. Bakit niya naman ako gustong kausapin? "Tara sa roof top," blanko niyang sabi. As if naman may magagawa ako para humindi, sumunod na lang ako sa kaniya.

Nandito na kami ngayon sa rooftop. Ilang segundo rin kaming hindi nagkibuan.

Napatikhim na lang ako at hinarap siya. "Gano kaimportante yung sasabihin mo at kailangan dito tayo mag usap?"

"Siguro para sayo hindi na 'to importante," sabi niya at tumingin sakin. Inayos niya ang buhok niyang hinahangin.

Napakunot-noo ako. "Navir, wala na ba talaga?" Tanong niya. Anong wala na? Wala na yung nararamdaman ko sa kanya?

"Hahabulin ko ba si Zia kung ikaw pa rin?" Nakita kong napakurap siya sa sinabi ko atsaka ngumisi ng sapilitan.

"Sayang. . ." I can really see the pain in her eyes. Pero sorry, hindi na siya yung babaeng tinitibok ng puso ko.

Third Person's POV
(MaharlicA_DS)

Samantalang, pumasok na si Kenneth sa loob ng kwarto ni Zia. She was fine now. A lot better than before. The medicine was working great for her. Pero wala pa ring silbi 'yon kung wala pa rin siyang malay.

Kumuha ng upuan si Kenneth at umupo sa tabi ni Zia. Ilang segundo rin siyang nakatitig sa kanya, iniisip kung ano na lang ang sasabihin niya kina Devin.

He leaned towards her. Huminga siya ng malalim at nagsalita, "Yumi..." he breathed, "please wake up.." bulong niya sa may tenga ni Zia at hinalikan ang noo nito.

It was painful for him. Seeing her like that, and knowing that he can't simply mourn over her like that kasi alam niyang hindi naman siya gugustuhin ni Zia dahil lang natakot siyang mawala ito.

Alam niya na alam ni Zia kung ano ba talaga ang turing niya sa kanya. But above all that, he knows that her heart doesn't beat for him.

It was for Navir, and Navir only.

He sat up straight, feeling hopelessly inlove with her but can't do anything.

He fished his pocket and took out his phone. He called for Devin. Kailangan nilang malaman 'to, he thought.

Matapos ang ilang ring, sinagot din nito ang tawag. "Devin,"seryosong sabi ni Kenneth.

"What?" Malamig na tugon ni Devin sa kanya.

Kenneth sighed, "Zia needs you. Andito kami sa ospital." Diretsahan niyang sabi. "Ano?" Gulat na sabi ng nakatatandang kapatid ni Zia.

"B-but she's fine," he said, as if it would help calm him down. Devin just groaned from the other side of the line. Knowing Devin, kapag nalaman niya pa na nalaman ni Navir, baka magalit pa ito.

Naisip na lang ni Kenneth na 'wag na munang ipaalam ang buong nangyari kay Devin. "You should come here. I'll text the location."sabi ni Kenneth. Hindi na sumagot si Devin at pinatay na ang tawag.

Agad namang tinext ni Kenneth kay Devin ang lugar kung saan naroroon ang kapatid nito.

Third Person's Point of View
(Ariesha)

"Sayang, mahal na rin sana kita," sabi ni Erika atsaka umiwas ng tingin. Pinipigilan niya yung sarili niyang umiyak dahil ayaw niya namang isipin ni Navir na mag papaawa siya.

Hindi nakaimik si Navir. Napabuntong-hininga na lamang siya. "Akala ko kasi ako lang. . . akala ko lang pala," mapait na sambit ni Erika.

"Pero nag-bago yung nararamdaman ko," pabulong na siit ni Navir habang nakatingin ng deretso sa mala blankong ekspresyon ni Erika.

"Navir, pwede bang ako na lang? Ako na lang ulit? Kasi ako naman talaga diba nung una pa lang?" Base sa boses ni Erika, desperada na rin siya.

"Ikaw nga yung nauna. Pero ngayon ba ikaw pa ba?" Ipinasok ni Navir ang kanyang kamay sa kanyang bulsa at sumandal sa railings.

"Navir, mahal kita."

Hindi siya tiningnan ni Navir. Sa isip niya, kahit ilang beses pa yan sabihin ni Erika, si Zia at si Zia pa rin ang mamahalin niya.

"Thank you".

"Sabi ko mahal kita, sagot mo 'thank you' patawa ka?" Sarkastikong sabi ni Erika.

Lumapit siya kay Navir para sana hawakan ang kamay nito nang biglang umayos ng pagkakatayo si Navir. "Baba na ako, baka kailangan na ako ni Zia-"

"Nandun si Kenneth, hindi ka niya kailangan." Seryosong sabi ni Erika.

Ano bang pake mo? Tanong ni Navir sa isip niya. Hindi na siya natutuwa sa inaasta ni Erika. Para sa kanya, ang desperada na ni Erika.

"Kailangan niya ako o hindi, pupuntahan ko pa rin siya," seryosong sabi ni Navir at akmang tatalikuran si Erika pero hinawakan niya ang kamay ni Navir para pigilan siya.

Tiningnan ni Navir yung kamay ni Erika na nakahawak sa kaniya. "Ano?"

"Ako na lang ulit, please."

Mula sa kamay nila ay itinaas ni Navir ang tingin niya papunta sa mga mata ni Erika. "Mahal mo ako diba? Kung mahal mo ako, hayaan mo akong maging masaya sa piling niya," tinanggal ni Navir ang kamay ni Erika sa kamay niya atsaka tinalikuran si Erika.

"Mahal kita kaya gusto ko sakin ka masaya," pag pupumilit niya. Napatigil naman sa pag lalakad si Navir at nilingon si Erika.

"Pero hindi ako masaya sayo," seryoso niyang sabi at tuluyan nang nag lakad pababa para puntahan si Zia.

A Twitter Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon