Chat 19

7 3 1
                                    

Third Person's POV
(MaharlicA_DS)

"Zia?"sabi ni Jonathan habang tinatapik ang braso ni Zia na kasalukuyang nasa braso niya. Unti-unting pumikit ang mga mata ni Zia na mas lalong ikinabahala ni Jonathan. Napamura siya ng mahina at dinala si Zia sa sofa.

Kanina lang ay nanonood si Jonathan sa T.V. nang biglang kumatok si Zia. Nang matumba ito ay nasapo niya naman. Magisa lang panaman si Jonathan sa baba.

Nang maihiga niya ito ng maayos, hindi siya umalis sa tabi nito. Inabit niya yung earpiece niya at tinawag si Devin, na asa kwarto niya lang naman at nahihiga.

"Kuya Devin,"natatarantang sabi ni Jonathan.

[Napano ka?]bored na sabi ni Devin.

"S-si Zia kasi,"sabi ni Jonathan. Nanlaki ang mga mata ni Devin. At diretso dumungaw sa pintuan niya. Agad niyang nakita si Zia. Bumaba siya agad.

Dalawang beses nang nahimatay si Zia. Masama na ang kutob ni Devin. Inabot ang susi ng kotse niya.

"Yuhria,"tawag ni Devin. Tinatamad na lumabas si Yuhria ng kwarto niya. Pero nanlaki ang mga mata niya nang makita si Zia.

•••

"Ano pong nangyari sa kapatid ko?"tanong ni Devin kay Dr. Madrid. Napabuntong hininga si Leandro Madrid, ang doktor ni Zia, isa sa mga pinagkakatiwalaang doktor ng mga Kawasaki dito sa Korea.

Dinala ni Devin si Zia sa ospital dahil dalawang beses na siyang na himatay. Madalas ding naninikip ang hininga niya. ganun na din ang pamumutla.

"Bago kasi tong encounter na 'toh sa pamilya niyo, as far as I can tell. May naalala ka bang kahit na anong blood disease sa family history niyo?"tanong ni Dr. Madrid. Napaisip si Devin sa tanong ng doktor.

"Meron. Father side"sabi niya.

"Ah ganun ba?"napayuko siya sa mga papeles niya.

"Bakit?"

"May hypokalemia si Mayumi.",4 words that nearly made him break into tears. "but fortunately, hindi panito nasa pinaka-severe na stage, kaya pwedeng-pwede pa itong magawan ng paraan."dagdag ni Dr. Madrid

"Anong paraan yun?"tanong ni Devin.

"Diet and oral supplements. Sa lagay ni Zia, hindi pa naman advisable ang transfusion. So I suggest proper diet and oral supplements para maibalik yun." sabi niya. Kahit papano, nakahinga si Devin ng maluwag.

"Anong blood type ni Zia?"naisip niya lang na mas maigi kung makakapaghanda sila. Just in case.

"AB+"sabi ni Dr. Madrid.

Di nagtagal, lumabas din siya sa office ni Dr. Madrid. Pumunta siya kila Yuhria at Zia. Si Zia, nahihimbing parin. Si Yuhria tulala. Pano ko ba toh sasabihin sakanila?

@NavirEvangie

Pagkatapos kong bumili ng chuckie sa convenience store at umuwi na ako. Nakita ko naman si papa na work mode na.

Nilagay ko na muna sa ref yung ibang chuckie at lumapit kay papa. "Papa sakin lang yung chuckie ha, may yakult ako binili sayo," sabi ko at pumunta sa sala para uminom ng chuckie.

Kinuha ko yung cellphone ko dahil itetext ko si Jya.

Ako:
Jyaaaaaaaaa. Nakauwi ka na ba?

Ako:
Jya?

Ako:
Busy ka ba?

Ako:
Huy, nakauwi ka na ba?

Ilang minuto na ang nakalipas at hindi pa din siya sumasagot. Baka nakatulog agad o busy? Pero. . . ewan.

Pano kaya kung. . . ?

Napatigil si Jya sa pag-kain. Napakunot-noo ako. "Hindi ba masarap? Okay ka lang?" Nag-aalala kong tanong.

Nakita ko na parang pinipigilan niyang magpakita ng emosyon sakin. Pagkatapos ng tatlong segundo ay nag-salita siya. "A-ahh oo masarap kaya," sabi niya pa na medyo parang hinihingal.

No, hindi yung pagkain ang pinag-aalala ko. Sigurado ba talagang okay siya?

Ngumuso na lang ako. "Talaga? Parang di ka naman nasarapan," yun na lang ang sinabi ko.

Nanlaki ang mata niya at umiling "Hindi. Masarap siya! Ano  kasi uhhh....ahhh basta masarap"

Ngumiti na lang ako ng tipid. "Okay. Sigurado ka bang okay ka lang?" Paninigurado ko at tumango naman siya.

May sakit kaya siya?

Sinampal ko ang sarili ko dahil sa naisip. Hindi, wala naman siguro. Baka napagod lang talaga siya.

Ginulo ko ang buhok ko at sumandal sa sofa saka ininom yung chuckie. Kinuha ko ulit yung cellphone ko at binasa ulit yung text ko.

Ano ba yan, bakit ba hindi ako mapakali?

Third Person's POV
(MaharlicA_DS)

Pinauwi naman agad sina Devin at Yuhria kasama si Zia pagkatapos magbigyan ng oral supplement. Though wala paring malay si Zia, dinala na siya ukit sa bahay nila. Napagdesisyunan ni Devin na wag munang ipaalam sa labas ng gang nila ang tungkol sa sakit ni Zia.

Nang makabalik na sila sa gang house, sinalubong agad sila ng mga kasamahan nila..

"Zia."bulong ni Harold. Binigyan lang ni Devin ng matamlay na ngiti yung iba at tsaka kinarga niya na si Zia papunta sa kwarto nila.

Naiwan si Yuhria sa harap ng mga kasama niya.

"Hindi parin talaga siya gising."sabi ni Jessi.

"Hoy, Jonathan. Sigurado kang nasapo mo yan? Baka nauntog yan ah"sabi ni Miya.

"Ano ba. Nasapo ko nga yan!"depensa ni Jonathan. Napapikit nalang si Yuhria dahil nagbabangayan na yung iba.

"Wala naman kasing kinalaman kung nasapo man siya ni Kuya Jonathan o hindi..."bulong ni Yuhria. Pero natahimik sila.

"T-teka ano ba kasi talagang nangyari?" tanong ni Paris.

"Nahimatay siya. Yun diba yung nangyari? Alam naman na natin yun. Si Ate Paris talaga oh"dahil sa sinabing yun ni Aaron, umani lang naman siya ng isang malakas na batok mula kay Paris.

"May sakit sa dugo si Ate"sabi ni Yuhria.

Natahimik silang lahat. Ang iba ay napanga-nga. Ang iba naman ay napamura ng mahina.

"Hypokalemia. Potassium deficiency"sabi pa ni Yuhria.

"Is she gonna---"

"Hell no, masamang damo yun si Ate. Tsaka mild naman...sana, di lumala"sabi ni Yuhria bilang kontra sa iniisip ni Harold.

Tumango nalang si Yuhria. Pupunta na sana siya sa akwarto niya pero may naalala siya. Or nakalimutang sabihin. Basta yun. Hinarap niya muli ang mga kasamahan niya.

"I hope hindi to makakalabas sa Black Dragon Gang? At least until pwede na. I don't know when that could happen..... pero sana, ngayon, wag na muna ninyong ipaalam sa iba,"sabi niya.

"Unless really needed."dagdag niya pa.

A Twitter Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon