Chat 22

14 4 0
                                    

@Jia_kwsk28

Nang makalabas na ako sa Starbucks tumawid ako ng kalsada. Nag-aantay daw kasi si Kenneth sa kabilang kanto. Ginamit ko yung gps para matunton ko siya. Napunta ako sa isang parking lot. Hindi naman ako nabigo.

Isang naka-itim na long sleeves na polo ang nakasandal sa bumper ng isang kotse. Nagce-cellphone at parang may hinihintay.

"Kenneth,"tawag ko. Lumingon siya sakin.

"Tara na?"aya niya. Tumango nalang ako.  Pinagbuksan niya ako ng pinto at pumasok na ako sa kotse. Sa shot gun seat niya ako pinaupo.

Umupo naman siya sa driver's seat at tsaka nilagay yung cellphone niya sa passenger seat. Binato niya lang ito. Haha hirap pag mayaman. Walang pake kung  masira yung phone, may pangbili naman.

•••

Palabas na kami ng clinic ni Dr. Madrid nang mapansin kong parang may kulang.

"Tang ina."bulong ko.

Napalingon si Kenneth sakin."Ha?"tanong niya.

"Kenneth. Watashi no saifu. Watashi wa sutābakkusu de sore o wasuremashita." sabi ko.

"Tara."sabi ni Kenneth tsaka bumilis ang pag lakad nila.

Pagdating namin sa Starbucks, tiningnan ko yung dati kong inupuan. Wala.

Nagtanong na rin ako sa counter kung may purae bang naiwan dun. Wala rin.

"May chip ba dun or something?"tanong niya.

Inalala ko. Meron. Uhh....

"Uhh....2538H40GJ26."sabi ko.

Habang sinasabi ko yun, tinatype niya yun sa isang cellphone niya.

"Uhh... tingin ko wala ka namang dapat ipagalala."sabi niya.

Napakunot-noo nalang ako sa sinabi niya."ano?"tanong niya.

"Nasa kay Navir naman."sabi niya.

Nakahinga ako ng maluwag. Pero kinabahan din ako at the same time.

@NavirEvangie

Tiningnan ko ulit yung pinto at tumakbo palabas. Nakita ko si Jya na tumatawid sa kalsada. Tatawagin ko nga sana siya kaso nakita ko sk Kenneth at sumakay na si Jya sa loob ng kotse ni Kenneth.

Tinitigan ko yung kotse habang umaandar palayo. Bumuntong hininga aki at tiningnan yung purse. Bahala na, ibibigay ko na lang kay Jya mamaya. Marami pa namang oras.

Nag-lakad na lang ako paalis habang hawak pa din yung purse ni Jya. Ano bang laman nito? Wala naman sigurong masama kung titingnan ko kung anong laman non diba?

Binuksan ko yun at may nakita akong bote ng gamot. Napakunot-noo ako. Sa kanya ba talaga 'to? Nilabas ko iyon at tinitigan. Bakit may ganito siya?

Hindi ko alam pero iba talaga ang kutob ko dito. Kinuha ko muna ang cellphone ko at tinawagan si papa.

"Yes hello?"

A Twitter Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon