Chat 14

20 3 4
                                    

Third Person's POV
(MaharlicA_DS)

Matagal na tahimik si Zia at Navir. Hindi alam ni Zia kung anong pwedeng gawin para makawala sila sa akward moment na toh. At mas lalong di niya aklam kung maniniwala ba siya sa sinabi ni Navir.

Uuwi nalang ba ako? O kakausapin ko siya? Ie-entertain ko ba yung fact na maaaring totoo yun? Or laro lang ba yun? O ano?! Ang hirap pala talaga ng ganito. Shet akward.

Yan ang tumatakbo sa isip ni Zia. Hanggang sa biglang may pumasok sa isip---hindi pala. Biglang kumalam yung sikmura niya dahilan para mapatawa siya ng mahina.

"Uhh....ano...Navir, pinapatawad na kita. Pwede ka naman nang umuwi kung gusto mo...uhh..maghahanap lang ako ng makakain hehe"nahihiyang sabi ni Zia.

"Gusto mo kain tayo sa condo ko? Ipagluluto kita"aya ni Navir.

"A-ahh wag na nakakahiya naman. Una na 'ko"sabi ni Zia. Naglalakad na siya papalayo sakanya pero biglang may kung anong sumagi sa isipan ni Zia para magbago ang isip niya. Pagtalikod niya, halatang nagtataka si Navir kung bakit hinarap siya muli ni Zia. "Nagbago na isip ko,"sabi ni Zia. Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Navir.

"Geh tara"sabi ni Navir tsaka hinila si Zia papunta sa motor niya. Napangiti nalang si Zia dahil sa inasal ni Navir. Akala niya talaga kasi akward na sila. Ganun din naman ang iniisip ni Navir.

@Jia_kwsk28

I felt relief when I felt his mood lifted again. Jusko akala ko talaga mawawala na siya. And, totoo man yun o hindi, sana...sana hindi magbago ang pagsasamahan namin. Tsaka ang pangit naman na tumanggi pa sakanya diba?

Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko at tsaka hinila ako papunta sa kung saan. Hanggang sa tumigil kami sa harap ng isang big bike. Natigilan ako. Aangkas ako jan? Ilang babae na kaya nakaangkas jan? Charot. Ang totoo niyan ay naiingit ako hahaha. Ang ganda kasiiii!

"Pwede ako mag-drive?"biglang sabi ko dahilan para mapatikhim ako bigla at magpaikot-ikot dahil nahihiya sa sarili ko at humingi ako ng ganun. Napalingon siya sakin.

"Luh?"sabi ni Navir.

"H-ha? Ha wala akong sinabi. Hehe. Sabi ko tara na. Hehe. "Pagsisinungaling ko. Jusko Zia. Anong ginagawa mo nanaman?

"Ahhh" sabi niya.

@NavirEvangie

Sinakay lo siya sa motor ko papuntang condo ko. Kung bakit ko siya niyaya dun? Napansin kong gutom siya at yun lang. Yun lang talaga!

Habang nasa motor ay tahimik kaming dalawa.

Kinakabahan pa din ako. Jusko! Kung bakit ko ba naman kasi sinabi yun?

Bumuntong hininga ako "kumusta pala si ano. . . si Kenneth kahapon?" Tanong ko. Ayoko naman talagang mag-tanong tungkol sa kanya pero bahala na.

"Ha? Si Kenneth? Ewan ko dun. Di ko pa siya nakakausap," sabi niya. Tiningnan ko siya mula sa salamin pero binaling ko lang din agad ang tingin ko sa daan.

"Ahh talaga? Nako! Love quarrel na naman yun," sabi ko pa at pilit na tumawa. Hay nako. Sana ako na lang si Kenneth no?

Bumuntong hininga siya "hayaan mo siya. Buti ka pa nga naglakas loob humingi ng tawad. Siya hindi." Napangiti na lang ako sa sinabi niya. Ayos, good shot ako dito! Joke lang.

"Ay? Nag-tampo?" Sabi ko at pilit na tumawa. Geh lang Navir, ituloy mo yang biro mo. 'Di naman masakit ano?

Nakita kong kumunot ang noo niya, nakita ko kasi sa salamin. "Hindi. Ba't ako magtatampo dun?" Matabang na tanong niya.

A Twitter Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon