Chat 27

8 3 6
                                    

@Jia_Kwsk28

Kasalukuyang nakatitig ako sa kawalan. And for the 29th time this day, I sighed. Nagising ako kaninang umaga ng alas quatro y media. Sobrang init ng pakiramdam ko. Bumangon ako at parang ang bigat ng ulo ko kaya humiga na lang ako ulit.

Inabot ko yung thermometer at baka sabi ko nilalagnat na naman ako. Pinatong ko lang yun sa may mata ko habang nakapikit. Nang tumunog na yun, tiningnan ko kung gaano kataas yung temperatura ko, at tama nga ako, may lagnat ako. 38. 6.

Bakit ba kung kailan may lakad ako tsaka naman ako dinalaw ng lagnat?

Ngayon na hapon na, bumaba naman na yung lagnat ko. Yung pinaka-latest na check ko, 37. 4 na lang. So makakaalis naman ako.

Tumayo ako ng dahan-dahan. Naglakad ako papunta sa step in at kumuha ng damit. Sundress lang. Wala akong ganang mag ayos ngayon ng bongga.

Pumasok ako sa banyo para maligo. Pasaway ako, kaya maliligo ako kahit alam kong may sinat pa ako. Pagkalabas ko, umupo ako sa harap ng dresser at pinatuyo yung buhok ko.

Medyo sumakit ulo ko nung natulala na naman ako ulit. Sa totoo lang, hanggang ngayon, iniisip ko pa rin kung tama bang magkita kami agad. Pero na send ko na. Alangan naman na umatras pa ako.

Lumabas ako ng kwarto...at sa bahay..at sa gate...lalakarin ko na lang papuntang Hakseong.

Nang makarating na ako sa park, umupo ako doon sa bench sa may tabi ng isang puno. Wala akong dalang kahit ano. Cellphone lang at sarili ko.

Maga-alas sais na. Naupo lang ako sa bench habang naghihintay. Nakayuko lang ako habang naghihintay na dumating si Navir.

Iniisip ko na kung papano ko ba sasabihin sa kanya? Papano ko ba sisimulan? Papano ko tatapusin?

Binaling ko na lang yung atensiyon ko sa sandals ko at sa damo malapit doon. Nang may biglang tumapik sa balikat ko. Napalingon ako sa tumapik sa balikat ko at parang nakalimutan kong huminga sa isang segundo.

Napatayo ako mula sa kinauupuan ako. Reflexes. "Navir,"I breathed.

He made an akward smile. "Jy--Zia"sabi niya.

Niyukom ko ang mga kamao ko. Nakakapit lang ako sa palda ng bistida ko. "Ano....uhh..." hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin.

"Hm? Okay ka lang?" Sabi niya na para bang nagaalala. Binitawan ko yung bistida ko at tsaka tumango ng mabilis. "M-may...."

Nakatingin lang siya sa akin at naghihintay sa kung anong sasabihin ko. Huminga ako ng malalim bago magsalita. "May sasabihin ako"sabi ko.

"A-ano yun?"Umangat yung kaba sa ekspresiyon niya.

Bumilis na naman yung tibok ng puso ko. "Watashi wa anata ga sukidesu...mo nagaiai. Anata ga Erika o motte irunode shikashi, watashi wa sore o suteta. Ima... anata wa watashi ni Itta. Anata wa watashi  ga sukidesu... watashi wa anata ni watashi mo anata ga sukida to iu koto o shitte hoshi nodesu." Sabi ko. Okay. Katangahan na naman. Hindi niya naman naiintindihan ang Nihon. Ano ba naman yan Zia.

Napakunot noo na lang siya. "Navir---"I let out a tensed sigh. "Navir I said I like you too." I said. I wasn' t breathing while I said those words.

Para akong natanggalan ng espadang nakasaksak sa likod ko.

Napaubo siya. Napaiwas ako ng tingin. "H-ha?" Sabi niya. "Y-you like m-me?"ulit niya habang tinuturo yung sarili niya.

Tumingin ako doon sa isang bulaklak sa puno sa tabi namin. "I said I like you too... for a long time now. It' s just.."napailing ako. "I threw my feelings away because you have Erika." Pabulong kong sabi.

"Tapos sinabi mo sa akin kung anong nararamdaman mo. Kaya...gusto ko ring malaman mo kung anong nararamdaman ko para sayo."sabi ko.

Tumingin ako sa kanya. Nakatingin din siya sa akin. Nanatiling  seryoso ang mukha ko. "Hindi ba 'to panaginip?" Tanong niya. "You can wake up now if you think this is all a dream." Sabi ko.

Totoo yung  sinabi ko. Alam kong iniisip niya rin na papano si Kenneth? Pero hindi na ako nag-abala pang ikuwento sa kanya kung anong mangyayari kay Kenneth. Basta ang alam ko, hindi niya tinangkang kontrahin ako sa kung anong desisyon ko.

"Grabe hindi ko---teka lang--"bigla niya na lang kinurot yung sarili niyang braso. "Aray tang--" nanlaki ang mga mata niya ng mapagtanto niyang hindi siya nananaginip at totoo yung narinig niya. "Luh! Totoo nga!" gulat na sabi niya.

"Gusto daw ako ni Zia?" Tanong niya sa sarili niya. "Gusto mo 'ko?" Tanong niya sa akin na parang tsaka lang nag-process sa isipan niya yung mga lahat ng sinabi ko. Magkahalong gulat at saya ang narinig ko sa tono ng pagkakasabi niya.

Bigla na lang parang may kumirot sa kung saang parte ng ulo ko. Napapikit na lang ako at napaatras ako bigla dahil sa sakit. Parang biglang bumigat yung buong  katawan ko at gusto na lang na matumba.

Naramdaman ko na lang na may humawak sa braso ko. At alam ko namang siya 'yon. Dahan-dahan kong binuksan yung mga mata ko. Pero hindi 'yon nakatulong.

Nagdadalawa ang paningin ko. "H-hey, you okay?" tanong niya. Hindi na ako makasagot kasi hindi talaga ako makapagisip ng maayos.

Alam kong nagaalala siya. Pero gustuhin ko man siyang sagutin ngayon, wala akong magawa. Nahihirapan ako.

Nahihirapan na rin ako huminga, nahihirapan akong magsalita. Unti-unti na rin akong pinagpapawisan. Hinawakan niya yung pisngi ko. "Anong nararamdaman mo? Okay ka lang? Zia," dire-diretso niyang sabi.

"Zia--"napamura na lang siya.

Tuluyan na akong nawalan ng malay. Naramdaman ko pa ang pagkabagsak ko sa braso niya.

•••
#ATLSwp

A Twitter Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon