Chat 17

5 3 4
                                    

@NavirEvangie

Napabalikwas ako nang biglang tumunog yung cellphone ko. Tang ama ba't ba nakalimutan kong naka connect to sa speaker!?

Pikit pa yung mata ko at simagot yung tawag. Sino bang tatawag ng ganito kaaga? Siguraduhin lang na importante to ha!

"Hello!? Umagang umaga tatawag ka," naiinis na sabi ko at humiga pa.

"Pinag-sasabihan mo na ako ngayon!?" Napadilat ako ng wala sa oras at tiningnan kung sino yung tumawag. Napaupo ako bigla at ginulo ang buhok ko sa sobrang kaba.

"S-sorry, sorry! Papa naman kasi bakit ang aga mo pong tumawag?" Reklamo ko kay papa at sinubukang humiga pero nauntog ako sa headboard.

Napangiwi ako sa sobrang sakit. Tang amang araw na 'to oh! Ang malas ko naman ngayon.

"Laverto Jose Evangelista Jr. !" Napangiwi ako ng marinig ang buong pangalan ko. Tang ama naman oh! "Hindi ba ang sabi ko, pupunta ako jan ngayon?" At tumigil ang mundo. . .

Tumayo ako agad at hinanap ang kalendaryo. Jusmiyo marimar! NGAYON NGA ANG PUNTA DITO NI PAPA!

"Pa, san ka na po?" Tanong ko at pumunta sa cabinet ko para mag-hanap ng damit. "Nandito sa airport, hihintayin kita" at binaba niya na yung tawag.

1

2

3

Tatlong segundo ako natulala at hindi alam kung anong gagawin. Pero tumakbo ako papuntang banyo at naligo ng madalian at tumakbo sa kwarto, halos madapa na ako sa kamamadali.

Tang ama ba't ba kasi nakalimutan ko? Ayan. Si Papa pa naman yung tipo ng taong hindi makapag-hintay. Kaya iniwan eh charot.

Pagkatapos kong mag-bihis ay tumakbo ako pababa, papuntang parking lot at sumakay sa kotse ko. Pinaharurot ko ito para mas mabilis at mas madaling makapunta sa airport.

K

inakabahan akong pumunta sa airport at nakita si papa na nag-hihintay. Nahihiyang lumapit ako sa kanya. "Pa," napatayo siya at bigla akong niyakap.

Niyakap ko na lang din pabalik ano, para hindi one sided. Joke lang.

Kahit hindi siya nag-sasalita ay ramdam ko yung tuwa niya na makita ako. Kahit kaya sa Pilipinas hindi naman kami nag-kikita.

Nang makasakay na kami sa kotse ay napasinghap siya. "May nakita ka na bang Koreana'ng type mo?" Tanong ni papa na ikinatawa ko. Oh ngayon alam niyo na kung saan ako nag-mana ha?

"Wala. Pero Haponesa, meron" sabi ko habang nakangiti. Iiiiiiiiiiihhhhh kilala niyo naman siguro kung sino yun.

"Ahh, girlfriend mo na ba?" Tanong ni papa na may halong excitement.

Tumawa na lang ako ng mahina at umiling. "Hindi po-"

"-TOLOGO BO?" Napatingin ako saglit kay papa na medyo, medyo gulat.

"Hindi nga po," sabi ko habang nakangiti pa din. Napasipol siya dahil sa sinabi ko. "Diba ang sabi mo sakin hindi ka mag-dadala ng babae sa bahay o sa condo mo nang hindi mo pa naman girlfriend?"

A Twitter Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon