Chat 23

7 3 1
                                    

@NavirEvangie

Hanggang ngayon palaisipan pa din talaga sakin kung anong meron kay Jya. Sinabi naman ni Kenneth na kay Jya yung gamot pero. . . Aish!

Ginulo ko yung buhok ko at nag pagulong-gulong ako dito sa kama. Anak ng tupa, mababaliw na ako kaiisip dito!

Bakit ba kasi hindi ko magawang tanungin si Zia? Bakit kinakabahan ako? Tinawagan ko na lang si Yuhria.

Pagkatapos ng ilang ring ay sinagot niya naman yung tawag. "Hello?"

"Hello" tumikhim muna ako.

"Kuya Navir?"

"Oo si Navir 'to. May itatanong lang ako," sabi ko at pinaglaruan yung kamay ko.

"Ano yun?" Tanong niya.

Bumuntong-hininga ako. "May kilala ka bang General Doctor dito sa Korea?" Tanong ko.

"Ah. . . meron po",

"Pwede ko ba malaman kung sino? At yung address na rin," sabi ko.

"Uh sige po. Dr. Leandro Madrid, sa Seoul, sa may Seonyudo po" sabi niya. Sinulat ko naman yun sa maliit na papel.

"Sige, Salamat" sabi ko at pinatay na yung tawag.

•••

Matapos ang ilang minuto ay nakarating na ako sa clinic nung Dr. Leandro Madrid. Kumatok ako.

"Come in," pagkasabi nun ay pumasok na ako. "Hello, how may I help you?" Tanong sa akin ni Dr. Madrid. Ginilid niya yung mga folders, siguro nandun yung records.

"Do you have a patient named Natazia Kawasaki?" Tanong ko.

Inayos niya muna yung salamin saka nag-salita. "Yes, why?" So nagpapacheck up talaga si Jya?

"Pwede ko bang malaman kung anong sakit niya?" Tanong ko at bumuntong-hininga.

"Wait, before that, pwede ko bang malaman kung sino ka?"

"Ahh, I'm Navir Evangelista," sabi ko at ngumiti ng tipid. Sasabihin niya ba kay Jya? Bahala na, ano naman kung sabihin niya?

"Kaano-ano mo si Mayumi?" Tanong niya.

Tang ama nga naman oh. Sabihin ko kayang kaibigan? Kaso baka di sabihin sakin? Eh kung kapatid kaya? Hindi, di pwede yon. "Boyfriend" ayan tang ama mo Navir, pakapalan ng mukha?

Napatango na lang si Dr. Madrid "Hindi niya ba nasabi sayo?" Tanong niya.

Umiling na lang ako. "Hindi po eh."

"Ahh, ganun ba?" May hinanap siya sa pile ng folders at nang makita ang hinahanap ay binigay niya ito sakin. "May hypokalemia siya, and that's the proof."

Napatingin ako sa record niya.

"Nakamamatay ba 'to?" Tanong ko. Wala akong alam sa mga ganito kaya pasensya.

Napabuntong-hininga ako. Nagiguilty ako, wala naman kasi akong karapatan dito eh. Curious lang naman ako at parang ininvade ko na din yung privacy ni Zia.

"Sa lagay niya, hindi. Well, that depends kung lalala ba o hindi. Binigyan ko naman na siya ng oral supplements. Nakakatulong yun para maibalik yung mga nawalang potassium sa katawan niya," napapikit na lang ako ng mariin.

"In short, mild lang. Sana hindi na lumala. Kapag lumala yun, pwede niya yun ikamatay," dagdag pa ni Dr. Madrid.

Napatulala na lang ako. "K-kailan pa po siya nag simulang magpa check up?" Tanong ko.

"Nadiscover namin yun nung sinugod siya dito ni Nathaniel, yung kuya niya, dahil hinimatay ng pangalawang beses. Kinunan namin siya ng sample ng dugo. At dun namin na find out na mababa yung potassium level niya sa dugo"

"Dun siya nagsimulang magpacheck up. Sinasamahan siya nung kaibigan niya, si Kenneth"

Napaisip ako, di kaya nag-simula yun nung araw na nag-sorry ako kay Zia? Kasi matapos ng mga ilang araw medyo nagiging matamlay na siya.

"Ganun ba? Sige, thank you po," sabi ko at binalik yung lab test records ni Zia.

"Sige," sabi niya at ngumiti.

Tumango na lang ako at lumabas na.

Napakagat na lang ako sa labi at bumuntong-hininga. Bakit ayaw mo ipaalam samin? Hindi mo ba kami pinag-kakatiwalaan? Pero naiintindihan ko naman na privacy mo yun pero. . .

"Tang ama."

Hindi ako mapakali at tinawagan si Zia.

@Jia_Kwsk28

I was staring across the room, thinking about the medicine inside my purse when my phone suddenly rang. Tiningnan ko kung sino yung tumatawag at napakunot noo ako. Si Dr. Madrid.

"Yes, Doc?"sabi ko.

"Your boyfriend was here a while ago, bakit hindi mo sinasabi sakanya na may sakit ka?"tanong niya.

"Po?"ulit ko."my boyfriend?"tanong ko.

"Yeah. 'Di mo nga nabanggit saakin na may boyfriend ka. Sinabi ko nga pala sakanya."sabi ni Dr. Madrid.

"Pero Doc, wala po akong boyfriend." paglilinaw ko.

"What? Navir is not your boyfriend?" tanong niya. Navir? Boyfriend ko ba si Navir? What~?

"Nagpunta po jan si Navir?"gulat kong sabi. Holy shit kinakabahan ako. "Doc. Hindi ko po yun---at sinabi niyo po sakanya?"I feel like my heart is already down to my stomach.

"Yes, why?"tanong niya.

"Wala, wala naman po"I definitely have to prepare some sort of explaination because of this.

"So, I'll go ahead, may pasyenteng dumating. Bye."sabi niya at tsaka pinatay yung tawag.

Napamura nalang ako deep inside my soul. Napabuntong hininga ako at binaba ko yung kamay kong may hawak sa cellphone.

Naglagay ako ng unan sa may ulo ko at nagsimulang magisip ng kung anong pwedeng sabihin kay Navir.

Yun nga lang, nagsimula akong dalawin ng antok.

•••

Nagising ako nang biglang tumunog ulit ang cellphone na nasa kamay ko. Pero sa pagkakataong ito, kinabahan na talaga ako.

"Hello, Navir?"sabi ko. My voice was coarse so I decided to clear it.

"Hello"seryoso niyang sabi. Kinakabahan na talaga ako.

"Uhh...hi...bakit ka nga pala tumawag?" tanong ko habang nakahawak sa dibdib ko  yung isa kong kamay kasi sobrang  lakas ng tibok ng puso ngayon.

"Magkita tayo"Fuck. Lagot ako.

"K-kelan? Saan?" Tanong ko.

"Mamayang 3. Text ko nalang sayo kung saan."sabi niya. Right. I have no choice but  to tell him later. It's not like I still have any options. "Sige..pero..bakit?"kahit alam ko naman na kukwestiyunin niya ako, magtatanong parin ako.

"Basta.."yan lang ang sagot niya. Nakakatakot siya pag seryoso siyang umasta. "S-sige.."sabi ko.

"Sige bye"sabi niya. "Bye.."pabulong  kong tugon. At tsaka niya pinatay yung tawag.

It was at this moment that I feel all fucked up. Now what, Mayumi? Pa'no ka magpapaliwanag dun?

A Twitter Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon