Chat 7

33 4 0
                                    

[@MaharlicA_DS: Guys. Paalala lang o, walang connection ang ATLS sa chapter 51: The Unexpected at chapter 52: Brother ng GOG. iba po ang nangyari dito kesa sa part na yun. }

@Jia_kwsk28

"ate gising na" sabi ni Yuhria habang niyuyugyog ako. 

"maaga pa eh" sabi ko.

"aba'y ga--anong maaga? ala una na oh! buti nga inuwi ka pa ni kuya....Kenneth ba yun?" nanlaki yung mata ko(oo alam ko singkit ako) dahil sa sinabi niya. 

Teka nga lang. Pano nangyari yun? Oh wait......Kagabi pala sa sobrang inis ko kay kuya, pagkatapos kong itext si Navir ay umalis ako at pumunta sa bahay ni Kenneth.

Flashback...

"Pwedeng pumasok?"sabi ko pagdating sa harap ng pintuan ng bahay ni Kenneth.

"Alangan namang jan ka lang diba? Tsaka bakit ka pumunta ng ganitong panahon? Parang uulan ng malakas oh"sabi niya.

"Nakakainis kasi sa bahay eh...." sabi ko.

"Bakit naman?"tanong niya. I knew he would ask.

"Kasi si kuya...nakipagbugbugan sa isang lalaking di niya naman kilala. Well hindi ko rin naman kilala. Pero nakakahiya kaya." paliwanag ko.

"Alam ko na. Tara dun sa second floor."sabi niya.

Tumayo siya at sinamahan ako sa pangalawang palapag ng bahay niya.

"Meet candy. Aso siya ng Kuya ko kaso umalis siya ng bansa para magbakasyon kaya dito muna siya."sabi niya.

Pinakita niya sakin ang isang pomsky na Candy daw yung pangalan. Ang tamis ah.

Kinarga ko si Candy na parang kinakarga si Hatchi. Alam talaga niya na stress reliever ko ang mga aso.

"Laro muna kayo... hindi naman yan nangangagat eh. Kuha lang ako ng snacks"sabi niya.

Tumango lang ako. Bumaba na siya at pumunta sa kusina.

Nabaling ang tingin ko sa labas ng terrace. Hindi ko alam pero binitawan ko muna si Candy at lumabas ng terrace.

Nakatulala lang ako at naka tingin sa kawalan.....

"Zia..."biglang sabi ni Kenneth at tumakbo papalapit sakin at ipinangtakip sa ulo ko yung suot niyang jacket. Hindi ko namalayang basang-basa na ako ng ulan. Ano ba kasing pumasok sa isip ko?

"Bakit hindi ka pumasok agad nung umuulan na?"nagaalalang tanong niya.

"Zia naman....ok ka lang ba?" tanong niya. Tsaka lang ako nakapagsalita ulit.

"Oo...."sabi ko. Nagsimula akong lamigin dahil basang basa na ako.

"Magbihis ka na muna....ok lang naman yata kung oversized ang susuotin mo eh."sabi niya sabay hila sakin papunta sa isang kwarto. Kwarto niya yata toh eh.

A Twitter Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon