Chat 29

13 3 2
                                    

Third Person' s POV
(MaharlicA_DS)

Halos ilang minutong nakatitig si Kenneth sa kawalan, pinagiisipan kung tama ba talagang pumunta siya sa hospital. He kept pacing my room when something... someone got into his mind.

Naalala niya, anjan pa pala si Erika. Pwede niya siyang konsultahin tungkol doon. Tutal, nagusap na rin sila tungkol kay Navir at Zia dati eh.

Nagsimula siyang mag- type ng isang message para kay Erika.

----
To: Erika

Erika.
----

Saktong papalabas si Erika ng condo niya at bumababa ng hagdan dahil bored siya. Oo, naghagdan siya. Taas kaya ng building na yun.

Nang makita niya yung text ni Kenneth, agad din naman siyang nag-reply.

----
To: Ken

Yes?
----

Nagdalawang isip na naman si Kenneth kung sasabihin ba niya kay Erika. But he still ended up telling it because Erika us the only person he can talk about this right now.

----
To: Erika

Tumawag si Navir.
----
To: Ken

Hm? Ano daw sabi?
----

Napabuntong hininga si Kenneth habang nagta-type.

----
To: Erika

Sabi daw may nangyari kay Zia.

Nahimatay.
----
To: Ken

Talaga? Kamusta naman daw si Zia?
----
To: Erika

Malamang wala pa ringmalay yun hanggang ngayon. Pinapapunta ako ni Navir doon. Hindi niya daw alam kung anong gagawin niya kay Zia eh.
----
To: Ken

Pupunta ka?
----

Napatingala si Kenneth. Napatanong din siya sa sarili niya eh. Tama ba talagang pupunta siya sa hospital? Kung hindi kaya siya sumipot? Ano kayang pwedeng mangyari?

----
To: Erika.

Yun nga ang hindi ko alam.

Parang hindi ko pa kayang makita silang magkasama. Pero . . . Ewan . . .
----

Nasabi naman na niya kay Erika kung ano ba talagang nasa isip niya pero hindi niya pa rin maiwasang mag duda sa mga galaw na ginagawa niya.

----
To: Ken

Pumunta ka kaya? Para kay Zia naman yun?
----
To: Erika

Pero kaya naman siguro ni Navir yun. . .
----

Bigla siyang nalungkot sa sinabi niya. Pero hinintay niya lang kung ano ang sasabihin ng kaibigan niya.

----
To: Ken

Pero kailangan ka din ni Zia.
----

Natauhan siya sa nabasa niya. Pero heto na naman siya na nagdududa sa sarili niya, at kinontra niya yung sinabi ni Erika.

----
To: Erika

Ako? Haha 'di ba sinabi niya na nga sa harap ko mismo na si Navir ang gusto niya?
----
To: Ken

Sabi ko kailangan, hindi gusto.
----

"Wow, tang ina." Bulong niya sa sarili niya nang mabasa niya yung text ni Erika.

A Twitter Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon