Chat 18

9 3 3
                                    

@Jia_Kwsk28

Nagpalingon-lingon ako habang naghihintay kay Papa Senior at Navir nang makarating na kami sa parking lot ng condo building ni Navir.

Di lang ako nag iingay hanggang sa napansin kong nauna na sila sakin. O diba? Parang wala lang  ako hahahah. Patakbo akong humabol sakanila pero sa likod lang ako. Parang naguusap sila eh.

Naisip ko lang. Pano kaya kung nalaman ni Papa Senior na gangster ako? Magalit kaya siya? Hmm.. di naman yun big deal masyado. Pero ayoko namang mawalan ng kaibigan noh? Konting-konti lang ang mga kaibigan ko mula sa labas...I mean yung mga hindi gangster.

Sumakay kami sa elevator, tahimik parin ako. Okay lang. Sanay naman akong nananahimik.

Pumasok kami ng condo, si Itazura lang nakalaro ako  dahil siya parin  lang yung  pumansin sakin hahahaha.

Pano  kaya naging Itazura pangalan nito?

Napansin kong pumunta sa kwarto si Papa Senior. Siguro para mag bihis. Lumabas lang ulit siya.

"Oh pano? Sleep muna ako ha? Iwan ko muna kayo? Okay lang siguro sainyo no? Oo okay lang sige bye sleep na me" dire-diretso niyang sabi.

"Ahh sige po"sabi ko tsaka nag- wave bye sakanya.

Halos gumulong-gulong nanaman ako sa lapag dahil kay Itazura.

"Oooh teka! May naalala ako! Diba sabi mo ikaw naman mag-luluto?"biglang sabi ni Navir. Nakadapa ako nang magsalita siya pero umupo din ako agad.

"Oo nga noh"sambit ko habang umaaktong parang nagiisip."ano bang lulutuin ko?" tanong ko."bawal 'ikaw bahala' or 'di ko alam'"paalala ko.

Tumayo na ako at naglakad papunta sa may kusina. Umupo ako sa ibabaw ng kitchen counter habang hinihintay si Navir na makapag isip ng pwedeng kainin.

Napanguso siya. "ano ba pwede?" Tanong niya. Aangal sana ako dahil hindi specific pero inunahan niya akong magsalita. "---op! Wala yung 'ano ba pwede' sa mga bawal sabihin" natatawa niyang sabi. Okay. Naisahan niya ako dun hahahaga.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Ano nga? Be specific" natatawa kong sabi. Pero bago pa man siya makapagsalita, may pumasok na sa isip ko na nakapagpalaway sakin ng konti.Konti lang naman hehe. "Tteokbokki?"sabi ko.

Nang nagkasundo na kami ay agad akong bumaba sa counter para magsimula na.

Sa totoo lang, habang nagluluto ako, naglalaway ako. Pero don't worry, walang  halong laway yung niluluto ko hahaha. Nakatikom naman bibig ko hahah.

Matapos ang ilang minuto---ay hindi. Matapos ang halos kalahating oras, natapos ko rin ang niluluto ko.

"Navir,"tawag ko. Lumingon siya sakin. "tara na kain na tayo"sabi ko habang hinahanda yung mga plato namin. Naghanda ako ng dalawang bowl at dalawang pares ng chopsticks.

@NavirEvangie

Pag-upo ko dun ay nakita kong may chopsticks dun. Oh shet na malagket. I don't use chopsticks kasi. . . Tang ama.

Oo na,

Hindi ako marunong. Happy? Nag smile ako ng awkward at kinuha yung chopsticks at tinitigan.

A Twitter Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon