Chat 26

11 3 10
                                    

@NavirEvangie

Masama bang pumunta ako sa clinic ni Dr. Madrid para alamin yung kalagayan ni Zia? Oo self, masama. Bakit kasi kailangan ko pang alamin yun? Okay, concerned nga ako pero. . . Oo nga, sige na, mali na.

At mali din bang sinabi ko na sakanya yung nararamdaman ko?  Nakakabaliw naman to!

Kung nag-tataka kayo kung nasan ako, nandito lang naman ako sa kina Archery, yung kaibigan kong nag-birthday. Nasa garden nila ako nang dumaan si Yurina. Napapikit na lang ako, kasi naman! Pag nakikita ko si Yurina, naalala ko si Natazia! Pero mas maganda si Zia ha, share ko lang.

Tumabi sakin si Archery at inalukan ako ng chuckie. "Naks, lam mo na peboret ko ha", biro ko sa kanya at kinuha yung chuckie.

Ngumiwi lang siya. "Pansin ko lang ito lagi mong iniinom pag problemado ka", sabi niya at sumandal sa bench.

Napakunot-noo ako. "Di naman ako problemado", talaga? Hindi problemado? Tang ama naman kasi! Sa sobrang stressed ko, ininom ko na yung chuckie.

"Hindi problemado eh yung noo mo parang malulukot na", biro niya. Napahawak tuloy ako sa noo ko, bwisit na Archery to.

Gusto ko sana ng alone time kaso gusto talagang umepal ni Archery eh. "Ano problema mo?" Tanong niya.

"Sinabi ko kay Zia na mahal ko siy--" aray! Gago, binatukan ako! "Mahal mo!?" Singhal niya.

Napahilamos na lang ako. Oo, mahal ko. Wag mo akong tanungin kung bakit. Basta nangyari na lang na pagkagising ko sa umaga, alam ko sa sarili ko na mahal ko siya.

"Hindi ba may Kenneth na 'yun? Navir nasisiraan ka na ba? Baka masira mo relasyon nila", sabi pa ni Archery.

Alam ko, alam kong may Kenneth na. "Wala naman akong sinabing liligawan or aagawin ko si Zia kay Kenneth. Sinabi ko lang na mahal ko siya", paliwanag ko at uminom ulit.

Nag-paalam na ako kay Archery at umuwi na sa condo. Papasok na sana ako nang may babaeng lumabas sa kabilang unit. "Navir?" Napalingon ako.

Ha? "Kala ko umuwi ka na sa Pilipinas?" Gulat na tanong ko kay Erika.

Ngumiti lang siya at nag-kibit-balikat. "Kasama ko sina mommy ngayon and, dumating pa lang ako kanina", sabi niya.

Napatango na lang ako. "Ahh. Sige", sabi ko at akmang papasok sa unit ko nang bigla niya akong pigilan.

"Uhh Navir? May problema ka ba?" Tanong niya sakin. Ganun ba kahalatang may problema ako?

Sinara ko yung pinto at hinarap siya. "Meron pero. . . akin na lang yun", sabi ko at hinawakan na yung doorknob.

"Ano yun? Makikinig ako", napatingin ako sa kanya at yumuko.

•••

Pumunta kami sa Han River. Ang layo pa ng binyahe para lang sabihin kung anong problema ko, dun daw yung trip niya eh. Sinubukan kong mag salita habang nag dadrive pero pinigilan niya ako at sa Han River ko na sabihin.

Nag latag siya ng tela para maupuan namin. "Sabihin mo na", sabi niya.

Bumuntong-hininga muna ako bago mag-salita. Ang awkward naman nito, kausap ko si Erika, yung babaeng pinagtutulakan sakin ni Zia na mahalin ko.

"Nag-hihintay ako", sabi niya pa at tumawa.

Tama bang sabihin ko sa kanya? "Nasabi ko kay Zia na. . . " sasabihin ko ba talaga?

"Ano?" Napatingin ako sa kanya, nakatingin din siya sakin at yung nga mata niya parang. . . parang alam niya na kung ano.

Napalunok ako at tumingin sa malayo. "Nasabi mo ba kay Zia na mahal mo siya?" Tanong niya dahilan para mapatingin ako ulit sa kanya.

"Yun ba?" Tanong niya ulit habang nakatingin ng deretso sa akin.

Tumango na lang ako. "Oo, sinabi ko nga na mahal ko siya", sinabi ko yun habang nakatingin ng deretso sa kanyang mga mata.

Sorry Erika.

Bumuntong-hininga siya at ngumiti 'saka tumingin sa kung saan. "Kailan pa?" Tanong niya.

Ito na naman tayo sa tanong na yan. Hindi ko siya sinagot. Ang alam ko lang naramdaman ko 'to nung araw na nasa arena si Zia at hinalikan siya ni Kenneth.

"Ipagpapatuloy mo?"

Hmm. Ipagpapatuloy ko ba? "Mahal ko siya at hindi na yun mag-babago. Pero kung mahal niya si Kenneth, hindi pa rin mag-babago yung nararamdaman ko, kaso hindi ko sila guguluhin. Sakin na lang 'to", sabi ko.

"Ganun mo siya kamahal?" Tanong niya. Tumango na lang ako.

Ganun ko siya kamahal.

Hindi ko naman hinihiling na mahalin niya ako pabalik. Okay na sakin yung nasabi ko sa ksnya kaso. . .

BAKA IWASAN AKO!?

Yung una ko din sa confession, hindi niya ako sineryoso. Hindi ba kapanipaniwala na gusto ko siya? Ngayon naman na inamin ko na mahal ko siya, sana naman naniwala siya at seryosohin yun.

"Buti pa si Zia 'no? Ang dali niya palang mahalin, minsan mo lang siya nakasama 'di ba? Pero minahal mo na. Ako yung matagal mo nang nakasama, pero . . .", bumuntong-hininga siya at umiling. "Kung mahal mo siya. . . ipag-laban mo yan", sabi niya at tumayo na.

"Tara na, uwi na tayo", yaya niya at nag-lakad paounta dun sa kotse. Tumayo ako at kinuha yung tela 'saka sumunod sa kanya.

Alam kong may gusto sakin si Erika, dati pa lang sinabi niya na sakin yung nararamdaman niya. Pero is it my fault kung hindi ko siya magawang mahalin?

•••

#ATLSwp

A Twitter Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon