Happy 100k to us, Dear Revengers! Thank you for the full support. Hope you can still support this 'till the end. Thankyou and love lots🤗
×××××
Napa-hilamos na lamang ako sa aking mukha. Halos ilang araw ko na itong pinagiisipan. Ni hindi ko na alam ang susunod kong gagawin.
Ang buong akala ko madali kong mapapaikot ang mga tao sa kamay ko hindi naman pala. Ikakamatay ko na ata ang ginagawa kong pag-stress sa sarili ko. I keep on stressing myself just to find the testimony and get the justice for my twin sister.
"In every failure has a consequence. Choose to face it to achieve what you wanted to have"napabuntong hininga ako sa naalala kong binigay na advuce sakin ni Rii-chan. Hindi nga ito madali. Hayst.
In every struggles there are also a consequences, what i have to do is to face it then solve it. Accept the result at the same time.
Agad kong ikinalat ang mga papel na nasa desk ko. Hindi ako nagpa-istorbo ngayon dahil lumiliit na ang mundo at alam kong mahuhuli na ang may sala.
Sa gitna ng pagiging busy ko ay biglang may kumatok sa kwarto ng opisina ko. Hindi ko ininda ito at imbis na mapatigil ay tuloy pa rin ako.
"Hindi ba't sinabi kong huwag niyo muna ak--"
"Queen Lady Kai, pasensya na po pero kasi po itatanong ko lang po sana kung sa inyo ito? Kasi po nakita ko po ang pangalan ninyo na nakasulat rito"napahinto ako sa pag-kilos ng bigla niyang sinabi ang mga salitang iyon. Sulat? Paano ako nagkaroon ng sulat?
Itinuon ko ang aking atensyon sa kanya at sa hawak niyang papel, pabalik-balik ako ng tingin na para bang hindi mapakali.
"Just put it here and leave"utos ko na kanyang sinunod. She bowed her head as a sign of courtesy then leave my office without any hesitations.
Muli kong itinuon ang mga bagay na aking ginagawa kanina pa. Inuna ko na ang para sa business namin at dahil patapos na rin ako ay para bang may bumabagabag sa akin dahilan para lumipad ang isip ko.
Napa-pikit ako ng mariin atsaka agad na tiningnan ang sulat na inilapag ng assistant ko. Ilang segundo ko rin tiningnan ito atsaka kaagad na kinuha. Because of my curiosity, i let myself read the letter only exclusive for me (as what my assistant said).
Napa-tikhim ako bago mabasa ang sulat.
' Nahanap mo na ba ang hustisyang gusto mong mahanap? Mag-ingat ka at baka magkamali ka ng bintang. Isipin mo muna ang mga nasa paligid mo kung mapagka-katiwalaan ba sila o sadyang....pinapasakay ka lang nila - Killer '
Halos manlambot ang mga tuhod ko ng mabasa ang nilalaman ng sulat na iyon. K-killer? Hindi naman siguro ako nag-kamali ng binasa hindi ba? I am good at reading any kinds of words. Who are you? Why are you doing this?
Bumilis ang kabog ng dibdib ko ng mabasa ang mga salitang isinulat ng killer. H-hindi naman niya ako kilala siguro hindi ba? Hanggang sulat lang siya.
Napapikit ako ng mariin habang hawak-hawak ang dibdib ko. Napaka-bilis nito na para bang nasa isang karerahan kami.
Agad akong tumayo at kinuha ang mga gamit ko na kabilang ang papel na binasa kong mula sa isang hindi kakilalang tao na tinatawag ang sarili bilang isang 'killer'.
Bumukas ang pinto ng pihitin ko ang doorknob nito. Lingon-lingon ako kung kumilos kasabay ng mabilisang pag-lalakad.
Nang maka-labas ako ay pumunta na ako sa elevator. Pinindot ko ang 'G' which means Ground floor para puntahan ang kotse ko.
Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto ng elevator. Bumungad sakin ang tahimik na lugar. Natuon ang aking paningin sa isang sobre na nasa harapan ko.
Lumabas ako at kinuha iyon. Nalaman kong dalawa ang papel na nasa loob. Lakas-loob ko itong binuksan.
' I thought you are tough? Well, mali pala ako ng inaakala. Pareho kayo ng nanay mo. - Killer '
Nailukot ko ang lalagyan nito sa inis. How there this killer involve my innocent mother? Stupid as f-ck.
Agad kong binuksan ang pangalawang papel na kasama ng isang papel na binuksan ko kanina.
' Balita ko na miss na miss mo na ang kakambal mo? Gusto mo bang sumunod sa kanya? Kelan mo gusto? Ngayon na ba? - Killer '
Napa-kagat ko ang aking ibabang labi sa kaba at kaunting takot. I breathe in the oxygen and exhale the carbon dioxide. Ganyan nga, huwag kang papadala. Papel lang 'yan.
Inilagay ko sa bag ko ang papel na iyon. Nahagip ko ang mga guwardiyang masayang nag-uusap. They also bowed their heads and greeted me as a sign of their courtesy. I smiled back as my answer.
Sa gitna ng pag-lalakad ko sa may gitna ng daanan ng mga kotse dito sa Ground floor ay biglang may narinig akong tunog ng motor. Nang lingunin ko ito ay isang lalaking balot na balot ang buong katawan ang nagmamaneho habang may hawak na...
Agad na nanlaki ang aking mga mata at tumakbo ng kayan kong bilis ng takbo. Isang putok ng baril ang umalingawngaw sa buong paligid.
Mas lalong bumilis ang takbo ng puso ko ng muntik na ako sagasaan. Dumaan ito sa aking harapan at tinabunan ako ng papel.
Kabado akong napatingin doon hanggang sa mawala ito. Agad ko itong kinuha at binasa.
' Natakot ba kita? HAHAHA. Umpisa pa lang 'yan. Papahirapan muna kita at gusto kitang ihuli para mas masaya - Killer '
Gusto kong tumayo pero hindi ko magawa dahil sa halo-halong takot at kaba. Napa-pikit ako ng mariin na kasabay ng pagtulo ng luha ko. Natanaw ng mga mata ko ang mga guwardiya. Bakit ngayon lang kayo dumating? P-tcha.
"Ma'am okay lang po kayo?"tanong ng isang guwardiya. Tumango na lamang ako bilang sagot. Inalalayan nila ako papunta sa aking kotse.
Napa-hinto ako sa di kalayuan ng makitang may papel sa kotse ko. Napa-hawak ako sa dibdib ko ng mariin. Kaya ko ito.
Agad akong tumakbo papunta doon at muling binasa.
' Sino ba ang gusto mong unahin ko? Sabihin mo lang at gagawin ko. - Killer '
Itiniklop ko ang papel na iyon. Agad akong pumasok sa kotse ko at pinaharurot ito ng mabilis.
"Putangina!"bulyaw ko habang nagdi-drive.
BINABASA MO ANG
The Nerd's Big Revenge
Teen FictionNote: IF YOU ARE INTO UNFLAWED OR PROFESSIONAL STORIES, YOU STILL HAVE CHANCE TO NOT READ THIS STORY CONTANING FULL OF GRAMMATICAL ERRORS AND SUCH. THANK YOU. Highest Rank: #47 in Teen Fiction (6-26-18) Strong people forgive. Intelligent people ign...