Welcome back Maine

148 3 0
                                    

its going down

I'm yelling timber

you better move

you better dance

let's make a night you

won't remember

I'll be the one you won't forget ¶

Sino naman kaya tong istorbo na to? Pampasira sa pagmumuni muni ko eh.

Di ko na pinagka-abalahang tingnan pa yung phone ko. Basta sinagot ko na lang.

"Baklaaaaaaaaaa! " Bigla kong nailayo phone ko.

Ang sakit sa tenga ng boses ni Fara ang tinis. Nabasag ata ear drums ko.

"Bakla naman, uso huminahon ngayon may pagsigaw ka pa dyan! May sunog ba ha? Oh anong kelangan mo? "

"Di ko alam friend kung may sunog tawag ka na lang sa fire station dun mo itanong o kaya manood ka na lang ng news para malaman mo"

"Ewan ko sayo Ma. Fara Concepcion Aguilar humanap ka ng kausap mo! "

"Hep hep friend how many times ko ng sinabi sayo don't call me with that name. You know naman that's pang manang eh" Maarteng sabi nito.

" Oh ngayon mag iinarte ka? Napaka pilosopo mo talaga. Ano ng kelangan mo bakla? "

" Friend mag mall tayo dali! I want to buy new dress na

wala na kong masuot na bago eh. You know naman I don't want to make suot na the dress na nagamit ko na"

" Ang arte mo talaga. Sige na nga sunduin mo na lang ako dito sa bahay Bye"

"Thank you friend bye mua :* "

Nag ayos na ko ng sarili ko dahil alam ko naman na maya maya lang andito na yung bruhang yun. Sa kabilang street lang yun nakatira eh.

After 5 minutes ....

" Nea! Andito na si Farasabi ni manang Lina.

" Papasukin nyo na lang po manang salamat po".

" Ikaw na ang bumaba hija. Andun na sa kitchen si Fara. Nag me- merienda"

" Sige po manang.

Salamat po ulit"

Kapal talaga ni Fara eh. Sobrang at home palagi. Pero sabagay sabi nga nila ang tunay na kaibigan hindi nahihiya kaya hinahayaan ko na lang. Mabait din naman sya sakin pag andun ako sa bahay nila eh.

Pagdating ko sa kitchen naabutan ko syang nakain ng lutong kakanin ni Manang.

"Uy bakla! Akala ko ba aalis tayo bakit nakain ka pa dyan?"

" Pinakain kasi ako ni manang. Bagong luto pa lang daw nya. Alam mo naman masamang tumanggi sa grasya"

"Oo na anong ora--"

"Sya nga pala friend mamaya ka na muna magsalita. Nakita ko yung my loves mo paalis may kausap sa phone"

"Sinong kausap? "

"Aba'y malay ko kelangan ko pa bang itanong? Sinabi ko lang sayo. Chicks ata eh. Narinig ko magkikita raw sila"

"Mamaya ka na kumain dyan. Tara na sundan natin! "

"Ay friend wait!! "

Kinaladkad ko na palabas si Fara para masundan agad namin si Drei.

Tama kayo kaladkad talaga hindi hila para hindi na sya makaangal pa.

Pero sa kasamaang palad ..

Wala na sya agad kaya naman nag diretso na kami sa mall ni Fara.

" Hoy girl! Cheer up! Para namang di mo sya makikita ulit eh. Para kang binagsakan ng langit at lupa dyan"

"Kasi naman bakla. Nakakalungkot lang -_- "

" Tama na ang drama. Tayo'y mag shopping na"

Pagkatapos naming mamili. We decided na kumain na muna. Habang naglalakad kami bigla akong may nakita sa di kalayuan.

"Si Drei yun dba? " turo ko kay Fara.

"Parang oo friend. Tara lapit tayo ng konti para sure tayo"

Malapit na kami sa kanya ng biglang may babaeng lumapit at nag kiss sa kanya.

Tama ba ang nakikita ko?

Nagbalik na ulit sya?

Andito na ulit si Maine?!

He's Mine Since BirthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon