Another Pain

69 2 0
                                    

Bakit kaya ganun? Pag uuwi ako wala si Drei, pag aalis ako wala na naman sya. Hindi na kami sabay pumasok, kahit umuwi hindi na rin. 3 days na kaming hindi nagkikita eh. Para kaming hindi magkasama sa iisang bahay.

Ang dami ng pumapasok sa utak ko. Kung ano ano ng scene ang naiisip ko. Pero hindi, alam kong matino si Drei. Hindi nya ko lolokohin. Hindi na nya ko sasaktan ulit. May tiwala ako sa kanya. Tunay na kaming engage kaya siguradong sigurado na ako.

Calling Fara Bratinela ....

" Hello Shane? ". She said on the other line.

" Hello bakla pwede bang samahan mo naman ako sa mall? Naiinip ako eh ".

" Ok ok friend let's shoppin' ". Maarteng sabi nito.

" Haha cge see you later mua :* ".

Andito na ko sa mall ngayon, dito na lang kami magkikita. Mas mapapalayo kasi sya kung dadaanan pa nya ko.

To: Fara Bratinela

Bakla andito na ko. I'll wait for you here sa shakeys.

Malapit na kong makarating sa shakeys ng may makita akong isang pamilyar na bulto.

Si Drei ba yun? Sino yung kasama nya?

Lumapit ako to make sure kung si Drei nga yun. And to my surprise, hindi nga ko nagkakamali. Si Drei talaga yun. Si Drei na masayang nakikipag usap sa isang magandang babae. Mukhang enjoy na enjoy sya.

Parang unti-unting gumuguho ang mundo ko sa nakikita ko ngayon. Nanlalambot ang mga tuhod ko. Para akong matutumba. Gusto ko silang lapitan pero hindi ko magawa. Parang isang hakbang ko pa lang papalapit sa kanila madadapa na ako.

Ang sakit pala. Ang sakit sakit palang umasa na hindi na nya ko sasaktan ulit.

Sya ba? Sya ba ang dahilan kung bakit parang lumalayo si Drei? Sya ba ang magiging dahilan para kalimutan ulit ako ni Drei?!

Imbes na lumapit ako sa kanila, nakita ko na lang ang sarili kong papalayo. Malapit na kong makalabas ng mall ng mapatigil ako.

Bakit ako mahihiyang lumapit sa kanila kung alam kong ako ang tama? Na ako ang may karapatan? Na ako ang dehado? Na ako ang niloloko nila?!

Hindi ko alam kung san ko nakuha ang lakas ng loob ko ngayon. Para may sumapi saking iba. Dali dali akong bumalik kung nasan sila at lumapit sa kanila.

" S-s-shane? ". Gulat na gulat na sabi ni Drei. Nakikita ko kung gano sya namumutla ngayon. Hindi ko sya pinansin at bumaling ako sa babaeng kasama nya.

" Hi I'm Shanea Fleire Monte Verde, his fiancee. Nice meeting you ". Sabay lahad ko ng kamay ko sa kanya.

Mukhang nag aalangan syang makipag shake hands sakin kaya lalo akong naasar. Bumaling naman ako kay Drei.

" Have fun Drei bye ". At tumalikod na ko sa kanila.

" Shane I can explain ". Malumanay na sabi ni Drei. Lumingon ulit ako sa kanya.

" No need Drei. Alam ko lahat ng nangyayari. Alam kong tanga ako pero hindi ako palaging tanga ". At tuloy tuloy na kong lumakad palayo hanggang sa makalabas ako ng mall.

Pagkasakay ko ng taxi, bumuhos na lahat lahat ng emosyong nararamdaman ko ngayon. Galit, selos, disappointment, lungkot, sama ng loob, lahat lahat na. Ang sakit sakit ng puso ko. Parang pinipiga ang puso ko sa sakit. Bwiseeeeeeet!

Bakit Drei bakit?! Hindi ba talaga ko sapat?! Hindi mo ba talaga ako kayang mahalin? Hindi mo ba talaga ako matututunang mahalin?! Para mo kong pinaparusahan sa sakit!!!

I texted Fara to say na wag na syang tumuloy, ako na lang pupunta sa kanila. Tinatanong nya kung bakit pero hindi na ko nagreply.

Busy ako kakaiyak. Ayaw tumigil sa pagpatak ng luha ko. Nahihirapan ako ngayon. Pakiramdam ko mugtong mugto na ang mga mata ko.

Ng makarating ako kina Fara, tuloy tuloy akong naglakad papalapit sa kanya at niyakap sya. Tuluyan na kong napaiyak ulit.

" Ano bang nangyari Shane ha? ". Concerned na tanong nito.

" Si D-drei si si Drei ". Sa paputol putol kong salita naikwento ko lahat ng nangyari kanina.

Di ko alam tahimik lang na nakikinig si Drake habang nakatikom ang kanyang mga kamao.

" Akala ko pag nagkalapit kayo ni Drei magiging masaya ka, na tunay na mamahalin ka nya pero nagkamali pala ako, mas masasaktan ka pa pala ng sobra. Tama na siguro Shane, wag na tayong magpilit ".

Malungkot na sabi ni Fara at napatango na lang ako sa kanya.

Siguro nga tama si Fara, kelangan ko ng tigilan ang kabaliwan ko kay Drei. Kelangan ko ng pakawalan sya sa kahibangan ko.

He's Mine Since BirthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon