SHANE'S POV
Di pa rin mawala ang ngiti sa labi ko habang nagluluto ako ng paboritong ulam ni Drei.
Siguro yung nangyari kanina sa grocery ang sign para sakin na simulan ko na talaga ang Plan C namin Fara.
" Hmmm siguradong masarap to". Sabi ko habang inaamoy ang niluluto ko.
* Knock Knock *
Napatakbo ako para buksan ang pintuan. Baka kasi si Drei na yun. Baka naiwan nya yung susi nya.
Pagbukas ko pa lang ng pinto isang masayang mukha na agad ang nakita ko.
" Hi Ney! " Masayang bati nito at niyakap ako ng mahigpit.
" Drake? ". Nagtataka kong tanong.
" Namiss kita Ney kaya ikaw agad ang pinuntahan ko pagdating ko pa lang dito sa Pinas ". Masigla pa nitong sabi habang tuloy tuloy na pumasok sa condo namin.
" Pano mo nalaman na dito ako nakatira? ". Nagtataka ko pa ring tanong.
" Kay dad teka bakit parang gulat na gulat ka? Ayaw mo ba kong makita? ". Tila nagtatampong sabi nito habang nakapout.
" Pasaway ka talaga! Hindi noh, nagulat lang talaga ko. Nag iinarte ka pa dyan haha! ".
Sabay kurot ko sa pisnge nya. Ang cute cute talaga nya pag nagpapout para pa rin syang bata ^_^
" Akala ko di mo na ko namiss eh, magtatampo na sana ako haha! Teka pinaghandaan mo ba ang pag uwi ko? ". Masayang sabi nito.
" Ha? Bakit? Di ko nga alam na may balak ka pang umuwi eh ". Taka ko na namang tanong sa kanya.
Di sya sumagot sa tanong ko at dirediretso syang pumunta sa kitchen.
" Di mo ba ko pakakainin ng paborito kong sinigang na hipon? ". Sabi ni Drake habang nakahawak sa tiyan nya na parang nagugutom.
" Ah kasi Drake pwede ba---- ". Napatigil ako bigla ng makinig kong bumukas ang pinto.
" Ney pakainin mo na ko please ". Sabi ni Drake na sumunod na pala sakin.
" What's up Drei! ". Sabay lapit ni Drake kay Drei.
" Hi! ". Tipid na bati ni Drei at tiningnan ako.
" Shane/ Ney nagugutom na ko ". Sabay na sabi ng dalawa.
" A-ah teka lang maghahanda na ko ". Nagmamadali kong sabi.
After kong maghain ng pagkain ay sabay sabay na kaming umupo para kumain.
" Wow Ney ansarap talaga ng luto mo ". Sabi nito habang maganang nakain.
Ngumiti lang ako at tiningnan si Drei.
Totally opposite sila ni Drake dahil sa nakikita ko, si Drei walang kagana-gana kumain ngayon. Si Drake madaldal while si Drei parang di namin kasama. Ni isang salita, wala.
Ayaw ba nya ng niluto ko?
Di na ba sinigang ang paborito nya? Malungkot kong tanong sa sarili ko.
" Drei di ka ba nasasarapan sa luto ni Ney? Akala ko ba nagugutom ka bro? ". Tanong naman ni Drake kay Drei.
Ang tabil talaga ng dila nito kahit kelan eh.
Pero kahit ganun, deep inside gusto ko ring malaman ang isasagot nya pero wala akong narinig na sagot.
Nakatingin lang sya sa pagkain nya na parang walang narinig.
" Drei kung ayaw mong kumain ako na lang uubos nyan kulang pa to sakin eh". Dagdag pa nito.
" Ouch! ". Reklamo ni Drake sabay tingin sakin.
Pinandilatan ko lang sya ng mata. Sinipa ko kasi sya para tumahimik.
Di pa rin talaga sya nagbabago ang daldal pa rin nya tsk.
Nakita kong biglang binagsak ni Drei ang kubyertos na hawak nya.
" Tss! Nawalan na ko ng gana ". Sabay tayo ni Drei.
Wala akong nagawa kundi sundan na lang ng tingin ang nag walk out na si Drei.
" Akala ko pa naman haaaay! -_- "
DREI'S POV
" Bwisit bakit ba nandito yun?! Nasira lang lalo ang mood ko Fuck! ".
------------------------------------
Sino ba talaga si Drake sa buhay nila at ano ba ang magiging papel nito sa lovestory nila?
Authors note :
Sorry po kung late akong mag update ngayon naging busy lang po ako this past few days eh sorry po ulit :(( Sana po suportahan nyo pa rin ang story ko at kung may suggestions po kayo wag po kayong mahiyang mag comment hehe :) thank you ^_^
BINABASA MO ANG
He's Mine Since Birth
RomanceIf " Plan A" didn't work, the alphabet has 25 more letters. Ilang plano pa ba ang kelangan ni Shane para bumalik ulit sa kanya si Drei?