" Shane gusto mong pagbigyan sina dad? ". Nakakalolokong tanong ni Drei. Andito na kami sa bahay ngayon at kanina pa rin ako tinutukso nyan ni Drei.
" Ay naku tigilan mo ko Mr.Trinidad kung ano anong napasok sa utak mo ". Mataray kong sagot. Baka kasi mamaya magkatotoo nga ang pangungulit nito, mahirap na. I'm so young pa kaya.
Bigla syang lumapit sakin. Yung parang isang galaw na lang mahahalikan na nya ko. God ito na po ba ang first official kiss namin?!
Hindi ko alam kung bakit pero napapikit ako. Ramdam na ramdam ko kasi ang init ng kanyang hininga. Parang kinikilabutan ako. Parang merong isang libo't isang sensayon akong nararamdaman ngayon.
" Can I dance with you my princess? ". He said sweetly.
Napamulat ako sa sinabi nya. Pahiya naman ako dun. Akala ko mangyayari na ngayon ang pinakahihintay kong first kiss. Sayang!
" Loko ka talaga wala namang music eh ".
" Its not a problem ". He smiled. Ghaaad! Bakit kaya ang gwapo mo Drei?
Bigla syang naglakad papunta sa may center table at kinuha ang phone nya.
Baby let's cruise
away from here
" Hindi ko alam na ganyan pala ang gusto mong music hehe ". Napahagikhik ako ng marinig ko ang music. Cruisin by Gwyneth Paltrow and Huey Lewis.
Itinayo nya ako at inilagay ang mga kamay ko sa balikat nya at sya naman sa bewang ko.
" Isn't it cool? Marami ka pang malalaman sakin kaya don't leave. Stay with me forever ". He said seriously and hug me tight while dancing in a slow music.
Don't be confused
The way is clear
And if you want it, you got it
Forever
" Iloveyou Shane. I love you so much ".
" A-anong sabi mo Drei? ". Yan lang ang tangi kong nasabi. Tunay ba ang narinig ko?
" Iloveyou Shane. Mahal na mahal kita ". Nakangiting sabi nya sakin. Tama nga ako. Tama ako.
BINABASA MO ANG
He's Mine Since Birth
RomanceIf " Plan A" didn't work, the alphabet has 25 more letters. Ilang plano pa ba ang kelangan ni Shane para bumalik ulit sa kanya si Drei?