PLAN A

125 4 0
                                    

PLAN A

" Do everything he wants "

------------------------------------

7:30 pa lang ng umaga pero andito na kami agad sa Gym ngayon malapit sa may school na pinapasukan namin. Bakit?

Kanina kasi may bumulabog sa super himbing kong tulog. At sino pa nga bang gagawa nun? Si Fara lang dba?

" hello? "

" Bakla wake up na. This is it!

Let's start the operation Get papa Drei back! "

Nawala ang antok ko sa sinabi ng bruha. Para akong na-energize haha!

" May plan A na tayo? " Mabilis kong tanong.

" Tatawag ba ko sayo kung wala pa! Bakla di na uso ang tanga ngayon paalala ko lang! "

Hinayaan ko na lang sya magsalita ng magsalita. Tutal sya naman ang tutulong sakin para makuha ko ang dating sakin. Mataman lang akong nakikinig sa kanya.

" Our plan A friend is do everything he wants "

"As in everything bakla?! Pano kung ibang ipagawa nya sakin? Pano  kung pakainin nya ko ng apoy? Patalunin sa building? Palayuin sa kanya o kaya ....

gusto nyang kuhain ang pagkababae ko?! "

Sunod sunod kong tanong. Di ko alam kung magtitiwala ba ko dito kay Fara sa mga oras na ito. Parang mapapasuong ako sa isang gyera sa gusto nito eh.

" Ay sus naman bakla para namang di ka willing ibigay yun sa kanya haha! Anyways, hindi naman ganun ang ibig kong sabihin what I mean is gawin mo lahat ng hobbies nya. Be interested sa mga bagay na gusto nya. Malay mo dun ka nya mapansin ulit dba? "

" Eh bakit kasi wants yung term mo? kung ano ano tuloy naiisip ko "

" Bakla paranoid ka lang talaga haha! pasalamat ka nga tinutulungan kita sa pangarap mo eh. Naubos na kaya ang utak ko kaiisip ng plan A na yan di ko na tuloy naisip yung tamang word haha! Di na nga ako nakapag beauty rest eh hmmp "

He's Mine Since BirthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon