1 month of pain

103 3 0
                                    

SHANE'S POV

Ang bilis lang nang araw. Isang buwan na agad ang nakakalipas. Isang buwan na rin kaming magkasama ni Drei sa iisang bubong.

( Ehem! - pasingit ulit si author hehe ^_^ )

Uy mali kayo ng iniisip ha! Di pa namin ginagawa yun. Di pa kami kasal ni Drei. After his graduation pa ang wedding namin. Trial lang daw to sabi ng parents namin para daw masanay na kaming magkasama. Yun lang yun.

( Wala naman akong sinasabi ah. Defensive masyado haha! )

Oh back to pag eemote na ulit ako ha. Isang buwan na rin akong nabubuhay mag isa. Not literally na nag iisa but isang buwan na akong parang walang Drei na kasama.

Ginagawa ko naman ang lahat para maging maayos kami eh. Ginagawa ko pa rin ang Plan B namin ni Fara.

I'm always here whenever he needs me. I'm being his gorgeous loving fiancé pero wala akong natatanggap na kahit ano pabalik.

Walang reaction. Walang thank you. Wala lahat.

Tanging cold lang nyang pakikisama ang nararamdaman ko. Akala ko nun, pag nagkasama kami magiging maayos na ang lahat. May mag iiba na pero wala pa rin pala.

Alam ko rin na patuloy pa rin ang communication ni Drei at Maine. Alam ko lahat ng nangyayari. Ayoko lang ipahalata. Ayoko rin namang ipaalam sa iba. Ginusto ko to eh kaya paninindigan ko.

Tama nga sila, ang pag ibig ay parang isang sakit ng ngipin. Hangga't kaya mong tiisin ang sakit. Titiisin mo. Hindi mo bubunutin dahil pag nawala ito, alam mong mawawala ang sakit pero hahanap hanapin ng dila mo ang ngiping nawala sayo at patuloy nitong kakapain ang naiwang lugar nito dahil una sa lahat hindi ka sanay na mawala ito. ( Ang corny ko na eh hehe ^_^ )

Parang ako, limang taon na simula ng kalimutan ako ni Drei at hanggang ngayon kinakalimutan pa rin nya pero hindi pa rin ako sanay na wala sya. Lahat ng sakit kaya ko. KAKAYANIN KO.

Sana pala nakuntento na lang akong nakatingin sa malayo. Nung panahong masaya ako matitigan lang nya. Na nararamdaman ko pa ang kilig sa tuwing makita syang nakatawa. Naaawa ako sa sarili ko pero mas naaawa ako sa kanya. Nahihirapan sya dahil sa kagagawan ko.

------------------------------------

Hinihintay ko ngayon si Drei dito sa canteen ng school namin. Sabi kasi nya intayin ko raw sya bago ako umuwi, siguro sasabay sya sakin. Napangiti ako sa naisip ko.

Siguro narealize na nyang ako talaga ang mahal nya.

Tapos HHWW pa kami papunta sa kotse habang dala nya ang bag ko.

Magkahawak ang kamay namin habang nagdadrive sya while ako masaya lang na nakatitig sa gwapong nyang mukha.

Hay Drei sana pansinin mo na ko. Sabay hawak ko sa baba ko na parang nangangarap.

" Shane". Tawag sakin ng isang pamilyar na boses. Lumingon ako para makita sya.

" D-drei, uuwi na ba tayo? ". Tanong ko sa kanya. Di ko kasi alam ang sasabihin ko.

" Hindi mamaya pa ko uuwi.Pwede bang pakisabay nito sa bahay? Sabay abot sa tatlo nyang libro.

" May pupuntahan pa kasi ako wag mo na rin akong intayin mamaya. Baka gabihin ako ".

"A-ah cge ingat ka ". Yan na lang ang nasabi ko sa kanya. Napakalayo sa iniimagine ko ang nangyari ngayon.

Parang may kumirot sa puso ko. Alam ko naman kung san sya pupunta eh. Alam ko kung san sya uuwi. Sa taong mahal nya. Kay Maine. Bakit nga ba kelangan ko pang umasa?

Umuwi na ko sa condo namin. Walang gana akong napa upo sa couch.

" Konting tiis pa Shane konting tiis pa ". Sabi ko sa sarili ko.

Its going down

I'm yelling timber

You better move

You better dance

Sino kaya tong natawag na to? Unregistered number eh.

" Hello? ".

" Bakla its me Fara. Asan ka ngayon? Can I go to your place please. I'm so bored na ". Ay naku si Fara lang pala.

" Andito ako sa condo pumunta ka na lang. Magdala ka na rin ng foods haha! ". Nagkatawanan kami ni Fara. You know what I mean guys -_^

" Haha cge wait for me na lang ha? Cge na friend bye na. Baka maubos ko ang load ni yaya Crising hehe ".

" Oh cge na bye. Ingat ".

After 30 minutes andito na sa condo ang bruha. Mabuti na lang dumating sya kung hindi mamatay na ko sa sobrang inip.

" Girl where's you're soon to be husband ha? ". Tanong nito sakin pagpasok na pagpasok pa lang nya.

Bigla ko na naman naalala ang sakit na naramdaman ko kanina. Maisip ko pa lang na masaya silang magkasama parang pinapatay na ang puso ko.

" Uy bakla! ". Tinatawag na pala ko ni Fara di ko pa alam. Napatulala pala ako habang nag iisip. Nangingilid ang luha sa mga mata ko.

" Ay oo. Nasa-nasa ano-sa " Putol putol kong sabi.

" Asan na ba talaga ha Shanea? ". Mataray nyang tanong. Alam kong pag Shanea na ang tawag nya sakin. Seryoso na sya.

" Nasa classmate nya bakla.May group activity sila ". Pagtatakip ko kay Drei. Alam kong pagsinabi ko ang totoo kay Fara magagalit sya.

Hindi na nya ko tinanong pa. Pero alam kong alam nyang nagsisinungaling ako. Kilala ako ng best friend ko.

Nagtagal si Fara hanggang 9 pm (pero wala pa rin si Drei). Kelangan na rin daw nyang umuwi. Maaga pa raw kasi ang pasok nya bukas pero bago sya umalis may sinabi sya sakin.

" Best be ready for Plan C : Make him fall in love with you ".

Napatingin na lang ako sa kanya habang hinahatid ko sya ng tingin papunta sa may elevator.

Pano ko magagawa ang Plan C kung hindi nya ko pinapansin?!

He's Mine Since BirthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon