Chapter 1

637 54 53
                                    


Lexinne's Pov

Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa naka bukas na pinto ng A-3, ito daw kasi ang magiging classroom ko sa loob ng kalahating taon. Nagkalat ang mga estudyante sa buong classroom, mga nagkukwentuhan, nagpapaganda at nagyayabangan ang mga ito hindi nga nila napansin na pumasok ako.

"Hi! Ako nga pala si Lexinne Gomez transfr-"

"Talk to me again and i'll kick your ass" sagot sakin ng babaeng nasa harapan ko tsaka niya ako binangga at lumabas ng classroom. Ako? Edi nganga!

Tinignan ko lang yung babaeng lumabas ng classroom at naghanap ako ng mauupuan.

"Bitch! Pwesto ko yan" sabi naman ng isang babaeng may ari pala ng uupuan ko sana.

"Sorry, Im Lexinne new stude-"

"I dont care bitch shoo!" Sagot nito sakin

Nakangiting umalis nalang ako at naghanap ng bagong mauupuan tsaka bumuntung hininga.

"Oh oh" dinig kong sabi ng isang babae ng ilagay ko ang bag ko sa upuan

"Oh! Sorry upuan mo ba to? Im Lexi-"

"The fuck I care go away" sagot nito sakin tsaka umupo na sa upuan niya pala

Nagtawanan naman ang nakarinig sa sinabi niya at tinignan ako. Ngayon lang yata nila napansin na may bago silang kaklase.

Tumingin ako sa may likuran at may nakita akong bakanteng upuan. Sana naman wala ng may ari ng upuan na yon. Lumapit ako sa upuan at tinignan muna ang lahat baka kasi bawalan ulit ako dahil may may ari na ng upuan na to. Mukhang wala naman kaya nilagay ko na ang bag ko sa upuan at umupo na don.

May naka ubob sa mesa na babae na katabi ng inuupuan ko. Balak ko sanang mag Hi pero huwag nalang pala baka samain na naman ako, baka H palang sa Hi na sasabihin ko barahin na ako. Para kasing laging nagmamadali ang mga tao dito ayaw nilang patapusin ang mga sinasabi ko. Bahala sila, mas ok nga siguro ang ganito, tahimik akong makakapag aral ng maayos.

"Good Morning! Is everything alright in here?"

"Yes Sir!" Sagot ng lahat sa lalaking kakapasok palang. Tinignan ko ang attendance sheet ko at nabasa ko ang pangalan na Mr. Christian Ocampo na first subject namin. Siya na siguro ang English Teacher namin.

"Well I just want to let everyone know that we have a new student joinjng us. Her name is Lexinne. Lexinne Gomez. Where are you Lexinne?" Tanong ng teacher na nilibot ang mga mata niya sa mga estudyante niya.

"That's me" sagot ko na tinaas muna ang kamay at tumayo

Ang sumunod na nangyare ang pinaka hate ko talaga. Para akong elementary student na nagpakilala pa sa harapan ng lahat. Mukha naman hindi sila interesado sakin pero may iba naman na nakinig at nag welcome sakin.

Ano ba masasabi ko sa 1st Day of school ko?

Well..

Sigh..

Ewan?

Ang importante naka survive ako diba?

***********

Something About Us [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon