Lexinne's Pov
"Hello mga baby ko! Na miss niyo ba ako?" Tanong ko sa tatlong pattotie na kumakawag ang buntot at nakatayo sa harapan ko
"Sweetheart magpalit ka muna ng damit bago mo laruin mga anak mo" pigil tawang sabi ni Didi na hindi ko napansin na nakatayo pala sa di kalayuan kasama si Mang Nicanor
"Waaah! Di! Nandito na pala kayo si Mama?" Tanong ko na sumilip sa bukas na pinto ng bahay pero hindi ko nakita
"Kasama ng Nanay Sally mo nasa kusina at naghahanda ng maluluto para sa hapunan mamaya" sabi niya
"Mukhang naging maganda lakad niyo sa Cebu ha? Pero bakit ang aga naman nilang maghanda ng hapunan? 4:30 palang ah" sabi ko habang nakatingin sa orasan sa bisig ko
"Hmm.. parang ganon na nga. Natalo tayo sa bidding sa paggawa ng hospital sa Cebu pero kagabi may tumawag sakin at gustong pag usapan over dinner yung pinapagawa niyang hotel and resort niya sa Tagaytay" malapad ang ngiting sabi ni Didi halatang tuwang tuwa. Naubo naman ako at umiwas ng tingin at napangiwi sa nalaman
"Wow! Goodluck po kung ganon" sabi ko tsaka sinuklian din ng matamis na ngiti si Didi
"O sige na magpalit kana muna ng damit" utos niya sakin
"Maya na Di makikipag laro nalang muna ako sa mga baby ko" sabi ko tsaka kinarga si Maddie na pinaka maliit sa kanila. Si pocholo naman ay tahol ng tahol dahil yata binuhat ko si Maddie.
"Naikwento ni Mang Nicanor na may bagong ampon ka pala" sabi ni Didi na yumuko at hinimas ang ulo ni Queenie
"Yes Di, siya si Queenie mukhang inabandona na siya ng dating furparents niya. Naawa ako at nacutan sa kanya kaya inampon ko nalang din" sabi ko
"Paano kung hindi naman pala siya inabandona gaya ng inaakala mo at nakawala lang o nakalabas sa gate ng bahay na tinitirhan nila dati? Paano kung hinahanap pala siya at paano kung malaman ng may ari sa kanya na nandito siya sa bahay natin ano gagawin mo?" Seryosong tanong ni Didi
"Kung inaalagaan talaga siya bakit pilay at may galis siya? Sige sabihin na natin nawala nila siya at sa kalsada na napilay at nagkagalis si Queenie. Bakit hindi nila hinanap? Sana nag effort sila kung hinanap talaga siya by posting poster diba? Kung sakali naman na hinahanap talaga siya at malaman nilang nandito siya edi ibabalik ko sa kanila. Basta ba aalagaan na talaga siya ng mabuti at payagan akong madalaw o makita si Queenie paminsan minsan" malungkot na sabi ko habang nakatingin sa kawawang aso
"Mukha naman hindi siya hinahanap kaya sigurado dito na siya sa atin" sabi pa ni Didi na nagpangiti sakin
"Hehehe" nakakalokong tawa ko naman
Muli akong nakipag harutan sa mga baby ko. Para akong batang nakikipag habulan pa sa kanila, lagi nga nila akong nahuhuli kaya puno na ng laway nila laylayan ng palda ko.
Nang mapagod ako ay pumasok na ako sa bahay at dumiretyo sa kwarto. Nilabas ko pambahay kong damit, isang maong na short at isang tshirt na malaki at mahaba. Lagi nga akong napapagalitan kay Mama kapag nagsusuot ako ng tshirt gaya ng balak kong isuot ngayon. Eh sa dito ako komportable eh.
Mabilis akong naligo at sinuot yung mga damit na kinuha ko. Hindi na ako nag abalang mag blower ng buhok kasi nandito lang naman ako sa bahay at binuksan nalang ang e-fan at hinayaan hanginan ang buhok ko.
Dumapa ako sa kama at binuksan ang laptop ko at nanood sa netflix. Kung ang iba binubuksan ang laptop nila para sa twitter at facebook ako naman binubuksan ko lang ang laptop ko para netflix at mag research. Madalang lang kung mag open ako ng facebook account ko at mas marami pa yung tagged photos kaysa sa ako mismo ang nag post.
BINABASA MO ANG
Something About Us [COMPLETED]
RomanceYou can't just give up on someone because the situation's not ideal. Great relationship aren't great because they have no problem. They're great because both people care enough about the other person to find a way to make it work. Ating subaybayan...