Lexinne's Pov
Nakatingin ako sa bintana na nilalagusan ng sinag ng araw sa kwarto ko.
Nagpasya na akong tumayo para mag ayos para pumasok sa eskwela. Ang totoo tinatamad akong pumasok pero kailangan kong mag aral.
Pagkatapos kong maligo ay nagbihis at bumaba na ako para kumain ng breakfast. Naabutan ko si Mama na abala sa kusina.
"Good Morning Ma" nakangiting bati ko
"Oh sweetie Good Morning halika na kumain kana" aya ni Mama na pinaghanda ako ng makakain
"Thanks" nakangiting sabi ko tsaka umupo "anong oras dating ni Didi?" Tanong ko bago sumubo ng hotdog
"11am" tipid na sagot ni Mama pero malapad na naka ngiti
"One week palang naman natin silang di nakakasama ni Kuya Alexis pero parang isang taon na sayo" sabi ko tsaka ngumiting tumingin sa kanya
"Alam mo naman hindi ako sanay na hindi tayo kumpleto, ang Kuya mo lang naman ang matigas ang ulo at nagpaiwan pa sa Seoul" may lungkot sa boses na sabi nito
"Alam mo naman baliw na baliw yon kay Noona Eun Hae kaya hindi niya kayang iwanan, suportahan mo nalang ang gusto niya" natatawang sabi ko
"Ano pa nga bang magagawa ko?" Sagot ni Mama tsaka bumuntong hininga.
"Thanks sa breakfast Ma see you later" paalam ko na matapos uminom ng tubig
"Okay mag ingat ka" sabi naman nito
Tumango nalang ako at kumaway kay Mama
Naglalakad na ako at papasok na sana ng kotse ng mapahinto ako ng makita ang babae sa kabilang bahay. Sumakay siya sa kotse nila kaya sumakay na din ako sa kotse namin. Hindi mawala ang tingin ko sa kanya, malaki na pinagbago ng itsura niya. Same school din pala kami nag aaral, kung makakasalubong ko siya sa school sigurado di ko siya makikilala buti nalang nakita ko siya ngayon.
************
SchoolTulad kahapon para akong invincible sa mga kaklase ko. Wala pa yong katabi ko kahapon na babae na walang ginawa kundi umubob sa mesa niya at natutulog.
Second subject na ng makita ko yung babaeng katabi ko na pumasok tsaka umupo. Tulad kahapon umubob lang ito sa mesa niya hanggang mag ring ang bell para sa lunch break.
Kanya kanyang tayo ang mga kaklase ko at nagmamadaling pumunta sa may school canteen. May mga naiwan naman dito sa loob ng classroom tulad ko pero magkaiba ang dahilan namin. Sila nagpapaganda pa. Ako? Wala lang. Nganga pa rin. Tinignan ko ang katabi ko aayain ko sanang mag lunch pero wag nalang pala, singhalan pa ako. Kaya tumayo na ako at naglakad mag isa papuntang canteen.
**********
CanteenFull pack.
Bitbit ang food tray ko naghanap ako ng pwede kong pwestuhan pero wala ni isang bakanteng upuan. Kung meron man halata naman na hindi nila ako gustong makatabi dahil palapit palang ako nilalagay na nila yung bag nila sa bakanteng upuan.
No choice ako kundi kumain sa may CR.
Yes sa CR ng mga babae.
Ayokong mamatay sa gutom kaya dito nalang ako kakain.
Pagkatapos kong kumain ay bumalik na ulit ako sa classroom. Naabutan kong nag uunat yung babaeng katabi ko na mukhang kagigising lang.
Nakangiting lumapit ako sa upuan ko at umupo doon. Tinignan ko ang katabi ko at nagulat pa ng makita siyang nakatingin sakin.
![](https://img.wattpad.com/cover/131243798-288-k57604.jpg)
BINABASA MO ANG
Something About Us [COMPLETED]
RomanceYou can't just give up on someone because the situation's not ideal. Great relationship aren't great because they have no problem. They're great because both people care enough about the other person to find a way to make it work. Ating subaybayan...