Chapter 8

403 26 2
                                    


Lexinne's Pov

Break time na naman at papunta na naman kami ni Klea sa canteen. Ayoko na sana maulit yung nangyari kaninang umaga kaya tulad kaninang lunch inaya ko nalang siyang kumain sa labas pero mapilit siya. May narinig kasi siyang natakot daw kami kina Beatrice kaya hindi kami nag lunch sa canteen. Umusok tuloy ilong niya kaya heto kami naglalakad papunta sa canteen.

"Away to!" Sigaw ng isang lalaki galing sa kung saan

Agad naman namin nakita ģrupo ni Beatrice pero dahil dalagang pilipina turo ko kay Klea ay mahinhin ko siyang pinangiti. Pumila kami sa counter at una niyang binili ay bubble gum at sinimulang nguyain yon. Nag order din siya ng chicken teriyaki at nilagang baka. Ako naman ay umorder lang ng spaghetti at canned juice.

Habang naglalakad kami ay todo tinginan mga tao samin, baka iniisip nila may gagawin kaming di kanais nais. Kami pa tuloy nagmukhang masama. #BahalaSila

"Mauubos mo ba yan?" Natatawang tanong ko kasi ang laki ng bowl nung nilagang baka at isang legs yung chicken teriyaki niya tapos kakarampot lang ang rice.

"Oo naman! Hindi mo ba alam na patay gutom ako?!" Malakas na sabi niya at tumawa ng tumawa. Nakisali naman ako sa tawa niya kasi natatawa ako sa tawa niya

"Kumain ka na nga lang mabulunan pa ako sayo" sabi ko na pinalo siya sa braso "grabe ka meryenda mo pang dinner mo na" dagdag ko pa

"Patay gutom nga kasi ako! Hahahaha!" Sabi ulit niya sabay tawa ng malakas "konting oras lang pero nakapag research na ako, ang daming feelingera kasi dito sa mundo kaya magpapaka totoo nalang ako" sabi pa niya na ikinakunot ng noo ko

"Pinagsasasabi mo? Tumigil ka nga, mapaaway kapa" mahinang sabi ko

"Bakit ako mapapaaway? Nagsasabi lang naman ako ng totoo. Sinabi ko naman, pinaalalahanan ko naman, pero makulit kaya sorry but not sorry nalang kami" sabi niya

Hindi ko maintindihan sinasabi ni Klea kaya tumahimik nalang ako. Nakita ko nalang siya nagbitbit ng monoblock chair at pumunta sa may gitna at tumayo don.

"Everyone your attention please!!!" Sigaw niya na ngumiti ngiti pa sa lahat. Nagsitinginan naman mga tao sa kanya at tumahimik. "Gusto niyo ng tsismis? Kaso hindi tsismis sasabihin ko eh. Legit! As in totoo!" Malakas na sabi niya

Hiyawan naman ang mga tao at nagsaya, hinihintay kung ano sasabihin ni Klea.

"Waaiiitttt! Huwag excited! Maglaro muna tayo ng the who okay? Syempre dapat hulaan niyo. Kapag hindi niyo mahulaan magbibigay ako ng mga clue ang makakasagot may one thousand pesos! Pero bawal madaya! Isa lang mananalo bawat tanong. Ano game?!" Malakas na sabi niya na nag ala Kris Aquino pa ang boses.

"Game na!" Sabay sabay namang sagot ng madlang people.

Nakita ko naman kung paanong tignan ni Klea ang grupo nila Beatrice at ng fab4. Ayoko sa pakiramdam tingin niya sa kanila pero alam kong hindi magpapaawat si Klea, ito siguro dahilan kung bakit ako kunakabahan kanina sa bahay.

"First! Sino itech na nag aaral sa umaga at rumaraket sa gabi sa patay sinding ilaw sa Pateros!"

"Magdalena" sigaw ng isang lalaki

"Wrong! Clue! Nakatira siya sa isang condo sa Makati!" Malakas na sabi ulit ni Klea

"Clue! Ang hirap!" Sabi ulit ng madla

"Clue! Tourism course niya!" Sabi ulit ni Klea

Naghiyawan ang mga tourism student at nagtatanungan kung sino daw ba.

Something About Us [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon