Lexinne's PovNakatingin ako sa salamin at naglalagay ng lip moisturizer ng mag text si Klea malapit nalang daw siya. May usapan kasi kaming pupunta sa Mall ngayon at manonood ng movie susunduin nalang daw niya ako.
Bumaba ako at sinamahan si Mama na nanonood ng movie sa may sala. Linggo ngayon pero wala sina Didi at Kuya. Tinawag kasi si Didi kaninang kumakain kami ng lunch may problema daw sa isang site tapos kanina naman umalis din si Kuya tinawagan din kasi siya parang dumating na ang kotse niya.
"Ma ayaw mo bang sumama samin ni Klea?" Tanong ko kay Mama
"Kayo nalang kailangan ko pang maghanda ng dinner natin next time nalang ako sasama" sagot niya sakin
Tumingin ako sa pinapanood niya at nakita kong cheese in the trap the movie pinapanood niya. Idol niya talaga si Park Hae Jin at lahat ng movies at drama niya pinapanood talaga ni Mama.
"Helloo!" Masiglang sabi ni Klea na bagong dating tsaka parang beauty queen na kumakaway papasok ng bahay
"Hahaha halika tuloy ka" tumatawang sabi ni Mama
"Hi Tita nasaan yung gwapo mong anak aakitin ko muna" pabirong sabi niya na ikinatawa pa namin ni Mama tsaka siya umupo sa tabi ni Mama
"Umalis siya kanina pero pabalik na rin siguro siya" sagot ni Mama sa kanya "Nay paki dalhan nga po ng snacks si Klea" utos pa ni Mama kay Nay Sally
"Hi beh nandiyan ka pala" sabi pa ni Klea na kumaway pa sakin
"Kaya siguro gusto mong sunduin nalang ako dahil gusto mong makita kuya ko no?" Panghuhuli ko sa kanya
"Hoy 'di ah! Pero parang ganon din" tsaka siya tumawa di man lang nahiya kay Mama
"Ma payag kabang maging manugang yang si Klea?" Natatawang tanong ko kay Mama. Humarap naman si Klea kay Mama at nagpa cute.
Pinisil ni Mama ang magkabilang pusngi ni Klea at sinabing "Sino bang aayaw sa ganitong kagandang bata" tsaka sila tumawa
"Mama na hindi Tita itatawag ko po sa inyo mula ngayon" sabi pa ni Klea na umayos na ng upo at uminom ng smootie na dala ni Nanay Sally.
"Wala naman akong nakikitang masama kung tatawagin mo rin akong Mama tulad ng Kuya mo, para na rin naman kitang anak" sabi naman ni Mama
"Talaga po? Ang totoo po niyan naiinggit ako kay Lexinne kasi kumpleto kayong family niya at magkakasama pa sa bahay. Wala na po kasi Mommy namin ni Kuya 3 years na siyang nasa heaven. Magkakahiwalay din po kami ng tirahan at sobrang dalang lang po kaming magkita at kumain ng sabay sabay sa isang mesa" nakangiti pero ramdam mo ang lungkot sa boses ni Klea
"Sorry to hear that pero bakit ganon naman? Kahit anong busy dapat ng Daddy niyo bigyan niya dapat ng time ang mga anak niya" sabi naman ni Mama na hinawakan ang braso ni Klea
"Kasi po may ibang family na Daddy namin. One year after mamatay ni Mommy nag asawa po ulit siya, well hindi sila kasal ng stepmother ko pero sa bahay po siya nakatira. Hindi naman tumutol si Kuya nung iuwi niya yung babae sa bahay namin kaya hinayaan ko na rin siya. Ang sabi kasi ni Kuya suportahan nalang namin yung kaligayahan ng Daddy namin at para may makasama pa rin siya sa pagtanda niya" kwento pa ni Klea
"May punto naman kuya mo kahit hindi ko naranasan alam ko masakit para sa inyo na mang uwi ng ibang babae ang Daddy niyo sa bahay at ipapakilala siyang second mom niyo. Pero dahil mabait kayong anak tinanggap niyo ang stepmother niyo para sa happiness ng Daddy niyo. Pero sana kahit may bagong pamilya na siya huwag niya parin kalimutan responsibilidad niya bilang ama sa inyo ni Kidd" sabi naman ni Mama
BINABASA MO ANG
Something About Us [COMPLETED]
RomanceYou can't just give up on someone because the situation's not ideal. Great relationship aren't great because they have no problem. They're great because both people care enough about the other person to find a way to make it work. Ating subaybayan...