Lexinne's Pov
"Bakit hindi mapinta yang mukha mo?" Tanong ni Klea sakin habang kumakain kami sa canteen
"Hindi naman ah" sagot ko sa nanunulis na nguso
"Ay sus! Kulang kalang sa yakap at kiss ni kuya eh" sabi nito tsaka biglang tumawa
"Kumain kana nga lang" sagot ko sa kanya sabay salpak ng isang slice na cheese overload pizza sa bibig niya "ang dami mong alam" sabi kopa sa kanya na tinuloy ang pagkain din ng pizza
"Aminin mo na kasi na namimiss mo na si kuya, nakausap ko nga siya kanina eh" sabi nito na nagpalingon sakin sa kanya
"Nakausap mo siya? Di nga?" Interesadong tanong ko. Last na nag usap kasi kami nung monday pa pinaalala ko lang lunch niya at wednesday na ngayon. Huling recieve ko na text message sa kanya is nung monday din ng tanghali ang sabi magiging busy siya.
"Oo nga nakausap ko siya pero sandali lang" sabi nito. Tinignan ko si Klea ng tingin na hindi naniniwala. Tinext ko kasi ng good morning kanina si Kidd pero hindi siya nagreply. Sinubukan ko din tawagan phone niya pero out of coverage area naman.
"Huwag kang magsinungaling naka off phone niya" sabi ko na binalik ang tingin sa pagkain ko
"Bahala ka kung ayaw mong maniwala may pinapasabi pa naman siya" sabi pa ni Klea
"Ano?" Intersadong tanong ko na hindi hinihiwalay ang tingin sa kanya
"Akala ko ba nagsisinungaling lang ako?" Sagot niya sakin na nginitian pa ako
"Sasabihin mo ba o sasabunutan muna kita bago mo sabihin?" Matamis na ngiting tanong ko sa kanya
"Oh please not my hair" sabi niya na hinawi pa patalikod ang mahaba niyang buhok
"Kaya nga sasabihin mo ba o sasabunutan na kita?" Sabi ko na inilapit pa upuan ko sa kanya
"Sasabihin ko na nga diba? Tumawag siya sakin kaninang madaling araw muntik ko na nga siyang mamura kasi kakatulog ko lang non. Tinanong pa ako kung tulog na daw ba ako? Malamang alas dos na yon. Tapos tinanong niya kumusta ka daw sa school, sabi ko ayos lang. Tapos sabihin ko daw sayo na miss na miss kana niya, na sorry kung nawawalan siya ng oras sayo pero pagbalik daw niya next week babawi daw siya sayo" sabi ni Klea. Ngumiti nalang ako ng tipid.
"Akala ko this thursday uuwi na siya next week pa pala" mahinang sabi ko
"Oo nga eh, sabi niya din sakin thursday kaso hindi pa daw maayos at lalong lumalala yung lagay ng farm. Wala din epekto mga pesticides na gamit nila pati na yung binigay ng goverment" sagot sakin ni Klea na narinig pala ang sinabi ko
"Ahh.. kapag tumawag ulit sayo sabihin mo nalang na huwag niya pabayaan sarili niya" sabi ko na tipid ngumiti
"Bakit hindi mo nalang sabihin sakin in person?" Tanong ng boses sa likod ko na dahilan ng pagkalingon ko.
Halos magdikit ang mukha naming pareho ni Kidd sa sobrang lapit niya pala sakin.
"Babe" tinig na biglang lumabas sa labi ko
"Yes babe?" Tanong niya naman sakin tsaka nilabas ang pang toothpaste comercial niyang ngiti
"Anong ginagawa mo dito?" Natawang tanong ko tsaka tinulak ang noo niya
"Miss na miss na kasi kita" sagot niya sakin na umupo sa tabi ko at hinawakan ang dalawang palad ko
"Nakakaumay ang pizza nakakawalang gana ng kumain" sabat naman ni Klea

BINABASA MO ANG
Something About Us [COMPLETED]
Roman d'amourYou can't just give up on someone because the situation's not ideal. Great relationship aren't great because they have no problem. They're great because both people care enough about the other person to find a way to make it work. Ating subaybayan...