Chapter 37

371 27 6
                                    


Klea's Pov

"Ayoko ng maraming satsat, magbibilang lang ako ng tatlo kapag hindi mo sinabi kung sino nag utos para patayin ako sasambulat ang utak mo sa kinatatayuan mo ngayon" kinasa ko ang hawak ko na kwarentay singko at tinutok iyon sa ulo ng lalaking nahuli ng mga tauhan ko na nagtangka sa buhay ko noong nasa Mall kami ni Lexinne.

"Walang nag utos sakin!" Sagot ng lalaki na ikinangisi ko

"Isa" umpisa ko sa pagbibilang pero tumawa lang ito ng malakas

"Dalawa" patuloy ko sa pagbibilang pero walang takot na nakatingin lang ito sa akin na ikinangisi ko

"Tatlo" pagtatapos ko sa pagbibilang kasabay ng pagputok ng baril na hawak ko. Inabot ko kay Chuck ang baril na hawak ko at tinignan sa huling pagkakataon ang walang buhay na katawan ng lalaking binaril ko. "Alam niyo na gagawin niyo" sabi ko sa mga tauhan ko bago ako lumabas sa abandonadong hospital na kinaroroonan namin.

"Boss anong gagawin namin sa dalawa pang kasama niya?" Tanong ni Greg na sumunod sa'kin sa paglalakad

"Siguradong magsasalita na sila dahil sa nakita, kayo na bahalang dumiskarte" sagot ko at sumakay na sa kotse ko at mabilis na nilisan ang lugar na iyon.

Napatingin ako sa cellphone ko na biglang tumunog nakita ko sa screen ang pangalan ng best friend ko na si Lexinne kaya naman agad ko iyong sinagot.

"Beh! Gising kapa?!" Masiglang sabi niya sa kabilang linya

"Masasagot ko ba ang tawag mo kung tulog na ako"

"Malay ko ba kung nagising lang kita" sagot naman nito

"Alam mo naman hindi ako natutulog sa gabi, teka bakit kaba napatawag?"

"Oo alam ko kasi binabantayan mo nga sarili mo, hindi kasi ako makatulog kakaisip kung anong ireregalo ko sa kuya mo two days nalang birthday na niya tapos wala parin akong naiisip na bilhin para sa kanya" ramdam ko sa boses ni Lexinne ang lungkot at pag aalala

"Baka naman kasi hindi naman kayang bilhin yung pwede mong iregalo sa kanya, baka naman konting effort lang ang kailangan" sagot ko sa kanya

"Effort?" Patanong niyang ulit sa sinabi ko. Tumango naman ako na parang nakikita niya "waaahhhh! Ang galing mo beh bakit hindi ko naisip yon? Thank you thank you I love you!" Sagot nito sa kabilang linya tsaka pinatay iyon.

Nakangiting umiiling na tinignan ko nalang ang daan. Halatang mahal na mahal niya si Kuya at alam kong ganoon din naman si Kuya sa kanya.

Pinark ko ang kotse ko sa isang bagong bukas na bar, narinig ko ang usapan ng mga tauhan ko noong isang araw na maganda raw dito kaya naisipan kong dito nalang tumambay at uminom.

Pagpasok ko sa bar ay napatango agad ako. Mukhang ayos dito, maganda ang desenyo ng lugar malinis at maayos. Umupo ako sa counter at nag order ng  fresh fruit cocktail, nakaka tatlong baso palang ako habang pinapanood yung kumakanta sa stage ng may pumigil sa kamay ko.

"Hinay hinay lang baka malasing ka" sabi nito tsaka umupo sa tabi ko

"Anong ginagawa mo dito?" Nanlalaki ang mga matang tanong ko ng makita ko si Gab

"Kami ng mga kaibigan ko may ari ng bar na'to" sagot niya at umorder ng jack and coke "nasaan mga kasama mo?" Tanong nito na diretyong nakatingin sa mga mata ko

"Wala akong kasama" nakangiting sabi ko tsaka kinuha yung cocktail ko at tinungga iyon

"May problema ka ba?" May pag aalala sa boses niyang tanong sa'kin

"Mga may problema lang ba dapat uminom? Gusto ko lang mag unwind at dito ako napadpad" nakangiting sagot ko sa kanya at nagtaas ng isang daliri sa bartender at umorder pa ulit ng isa

"Bakit dito mo naisipan pumunta? At mag isa kapa. Hindi kaba natatakot na baka may gumawa ng masama sayo dito?" May inis sa tonong sabi niya

"Dito ako dinala ng mga paa ko eh, ayaw mo yon nadagdagan kostumer niyo. Wala naman din akong dapat ikatakot" balewalang sagot ko sa kanya at inistraight yung cocktail ko at umorder pa ulit ng isa

"Ang tapang mo naman pala kung ganoon, wala pala akong dapat ipag alala kung malasing at mabastos ka" sabi nito na tinungga ang alak sa baso niya at umalis na sa tabi ko

"Tsk!" Tanging nasabi ko

Pinanood ko nalang yung bokalistang kumakanta ngayon ng Your Love. Ang ganda ng boses niya napaka linis ng mga words na binibigkas niya parang mas gusto ko pa ang version niya keysa sa totoong kumanta.

Hindi ko na mabilang kung naka ilang cocktail naba ako, tamang enjoy lang ako sa mga bandang nagsasalitan na nagkakantahan sa stage. Pagtingin ko sa relos ko ay alas dos na ng madaling araw, kailangan ko na palang umuwi.

"Ihahatid na kita" napatingin ako kay Gab na kinuha ang bag ko tsaka niya hinawakan ang siko ko

"Teka lang hindi pa ako nagbabayad" pigil ko sa kanya

"Sa akin to" sabi niya sa bartender. Narinig ko naman nag yes Sir yung bartender habang kinakaladkad ako palabas

Nakita kong dinukot niya yung key fob sa bulsa niya at sa di kalayuan nakita ko ang kotse niya, isang kulay puting suv volvo xc90 not bad.

Halos hatakin niya ako palapit sa kotse niya pero nagpumiglas ako ng nasa tapat na kami ng kotse niya sanhi ng pagka bitaw niya sa kamay ko.

"Dala ko ang kotse ko" mariin na sabi ko at tinuro ang deep blue color na lexus lc 500 ko di kalayuan sa kotse niya.

"I don't care" sambit nito at binuksan ang pinto ng kotse niya at hindi ko alam kung bakit ako naging sunud sunuran at sumakay doon.

O siya tutal crush ko naman siya magpapa girly na muna ako sa kanya. Umupo na siya sa driver seat at tinignan naman niya ako tsaka ito umiling. Nagulat ako pero mariin na napapikit ng lumapit ang mukha niya sakin at sinuot sa akin ang seatbelt ko. Meygwed ekele ke ekekess neye eke. Paasa tsk!

Sinuot din niya seatbelt niya at pinaandar na ang kotse niya. So... saan niya ako balak dalhin?

"Alam mo ba kung saan ako nakatira?" Hindi napigil na tanong ko

"Sa University back building" sagot niya. Impressive alam niya address ko hekhek. Nalaman niya sigurado kay bebe ko buti nalang matalas ang memorya niya at natandaan.

"Medyo malayo paki gising mo nalang ako kapag nasa school na tayo ipapakuha ko nalang ang kotse ko bukas" walang ganang sabi ko

Wala naman talaga sa plano ko ang matulog pero dahil ilang araw narin akong kulang sa tulog yung kunwaring pagtulog tulugan ko ay naging totoo.

Pikit ang mga matang nararamdaman ang malamig na hangin na dumadampi sa pisngi ko, napaka sarap sa pakiramdam at tila lumulutang ako sa ere. Unti unti kong minulat ang mga mata ko at ang seryosong mukha ni Gab habang buhat buhat ako ang nagisnan ko.

"Teka! Nasaan ako? Saan mo'ko dadalhin!" Medyo histerekal na sabi ko at pinalo ang dibdib niya. Binaba naman niya ako at tinulak ang noo ko.

"Buti naman gising kana, kanina pa kita ginigising ng ihatid kita sa university niyo pero para kang mantika kung matulog" sagot nito sa akin. Nilibot ko naman paningin ko at alam kong hindi to ang tambayan ko "sa guestroom kana matulog huwag mo ng gisingin kapatid ko" turo nito sa dulong pasilyo. Tumango tango nalang ako bilang pag sang ayon. Kaya pala pamilyar yung lugar kasi nasa bahay nila ako.

Pumasok ako sa guestroom at nilapat ang katawan sa kama. Nakatingin lang ako sa kisame at minamasdan ang ilaw na naroon. Ilang minuto rin akong nakatunganga doon bago nagpasyang bumangon at nagpunta ng banyo para maligo.

************

Something About Us [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon