Chapter 21

382 24 5
                                    

Lexinne's Pov

Sabi nila ang bilis daw dumaan ng araw pero sakin tila ang bagal naman. Miyerkules na ngayon at sabi ni Kidd dapat ngayon uwi niya kaso napalitan na naman at naging next week ulit.

Ayokong umasta na may kung anong meron sa relasyon namin ni Kidd siguro nadadala lang ako sa mga pinapakita at ginagawa niya pero sa kanya laro parin lahat.

Nakabukas ang laptop ko at nakikita ko si Kidd na abala sa ginagawa niya. Kahit kasi nasa Davao siya pinapadala parin via email at fax din.

Araw araw ganito kami, una makaka recieve ako ng text na good morning at sasabihin niyang nasa farm na siya sa oras na yon. Pag nagreply ako ng good morning tatawag na siya sakin at sasabihin mag breakfast na ako at mag ready para sa school. Kapag nakasakay na ako at papunta ng school magtetext ako sa kanya na on the way na ako sa school. Tatawag ulit siya o kaya rereplyan ako at sasabihin mag online ako pagdating sa school classroom. At heto nga nangyayari everyday.

Kahit hindi kami nag uusap okay lang daw sa kanya basta nakikita niya ako. Ayaw naman daw niyang maabala ako sa pag aaral at busy din naman siya, sapat na daw sa kanya sa ngayon na makausap niya ako kapag break time ko at nakikita niya tuwing nagpapahinga naman siya. Ngayon sabihin niyo sakin kung sinong hindi mahuhulog sa kanya?.

Nagsusulat ang prof ko sa white board habang ako pinapanood si Kidd. Nakasuot lang siya ng kulay puting sando at kulay asul na short. Napangiti ako habang minamasdan siya habang abala siya sa harap ng laptop niya.

"Baka matunaw si Kuya sa ginagawa mo" bulong ni Klea na gising na pala.

"Bakit ba kasi ang gwapo ng boyfriend ko?" sabi ko tsaka tumingin kay Klea at natawa sa sarili

"Lahi kasi kami ng magaganda at gwapo kaya hindi nakapagtataka kung magwapuhan ka sa kanya" sagot naman niya sakin at ngumiti

"Para sa ikakasaya mo sasang ayon ako ngayon sayo" sabi ko tsaka muling tumingin kay Kidd na nakatingin pala samin at nakangiti

Sinuot ni Klea ang isang earphone at nilagay naman niya sakin yung isa. Tumingin ako kay Sir Ramos na abala parin sa pagsusulat maging ang mga kaklase namin ni Klea.

"Kuya may sasabihin ako siguradong matutuwa ka" dinig kong sabi ni Klea

"Ano yon?" Dinig kong boses ni Kidd kaya tumingin ako sa kanya

"Ang sabi ni Lexinne bakit daw ba ang gwa-" tinakpan ko ang bibig ni Klea para hindi niya maituloy ang sasabihin sana niya.

"I miss you" sabi ko tsaka malapad na ngumiti. Nakita ko naman ang pag aliwalas ng mukha ni Kidd sabay ang paglabas ng mapuputi at pantay pantay niyang ngipin. Lagi nga niya akong tinatanong kung miss ko na daw ba siya at syempre tatanggi ako.

"Ahem" dinig kong boses ni Mr. Ramos at ng pag angat ko ng tingin ay nakatingin siyang masama sakin. Napangiwi nalang ako at kinagat ang ibabang labi dahil sa kahihiyan. Nakatingin din kasi sakin mga classmates ko.

"Sorry po" nahihiyang sabi ko tsaka tinanggal ang earphone sa tenga ko at tumingin kay Kidd tsaka dahan dahang sinara ang laptop

"Ms. Gomez can you tell us sino sinasabihan mo ng I miss you sa oras ng klase ko?" Sabi ng baklang prof ko na tinaasan pa ako ng kilay

"Wala po" mahinang sagot ko at yumuko

"Huwag kang bastos tumayo ka kapag kinakausap kita! Ang lakas ng boses mo ng magsabi ng I miss you tapos itatanggi mo at gagawin mo kaming bingi?!" Malakas na sabi ni Sir Ramos

Something About Us [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon