Lexinne's Pov
Friday na at sinusumpong na naman friday sickness ko. Inabot ko phone ko at nakita kong may text message ako galing kay Kidd.
From: Kapatid ni Klea
Good Morning Beautiful!
Tinignan ko yung oras ng text niya at 5:42 nakalagay don. Dahil tinatamad akong mag reply at tamad pa akong bumangon tinawagan ko nalang siya. Sa pangalawang ring palang ay sinagot na niya.
"You up yet?" Dinig kong tanong niya pagkasagot na pagkasagot niya sa phone niya
"Pikit pa mata ko ayokong pumasok tinatamad ako" sabi ko
"Bangon na the sun is up may pasok kapa" sabi niya
"Oo na wala ka naman eh wala tuloy akong supply ng omelet" sabi ko tsaka nagmulat na ng mata tsaka umupo sa kama
"Kidd breakfast na tayo!" Dinig ko sa kabilang linya
"Coming!" Sagot naman ni Kidd
"Teka si Claire ba yung tumawag sayo?" Tanong ko na nagpakulo ng dugo ko
"Oo diba nasabi ko sayo tumutulong siya sa farm?" Sagot niya sakin
"Ah oo" kalmadong sagot ko
Nagkausap na kami ni Kidd kagabi. Syempre hindi ako aamin na naiinis ako kay Claire. Sinabi ko lang wala ako sa mood kahapon tapos parang walang nangyari at nag usap na ulit kami.
"Babe ang sarap ng suman dito pag umuwi ako next week magdadala ako" sabi pa niya
"Ah talaga? Damihan mo nalang paborito ni Didi yan. Pero sure kabang uuwi na next week?" Tanong ko
"Sina Claire at ang Mama niya daw gumawa kaya hindi tinipid sa sangkap. Yeah uwi ako kahit anong mangyari, babalik nalang agad ako dito may aasikasuhin kasi ako diyan" sagot niya
"Ahh.. ibig mong sabihin uuwi ka dito next week at aalis din agad? Ilang days ka mag s-stay dito?" Tanong ko sa kanya
"Balikan lang siguro o kaya isang araw? Inoobserbahan pa kasi namin mga pinya at next week pa namin malalaman kung epektibo ba yung gamot na nilagay namin sa mga pinya" sagot niya
"Ahh.. ganon ba.. matatagalan kapa pala diyan kung ganon, alam mo pa kaya pabalik ng manila niyan?" Tanong ko sa kanya
"Babe naman hahaha" sagot niya sakin. Akala siguro niya nakikipag biruan ako sa kanya
"Kidd tama na muna yang pag cellphone mo at kumain ka muna, makakapag antay naman siguro yang kausap mo" dinig kong sabi ni Claire. Oo sigurado akong si Claire yon ang landi kasi ng boses niya
"Tama na daw pag c-cellphone mo sabi ng misis mo at kumain na muna kayo" sarcastic na sabi ko
"Nagseselos kaba?" Kahit hindi ko siya nakikita alam kong pinipigilan niya pagtawa niya
"Bakit naman ako magseselos? Tsaka tama naman kasi siya kaya sumunod ka nalang sa kanya. May pasok pa ako kaya kailangan ko na din maligo" sagot ko sa kanya
"Okay sige kumain ka ng tama, tawagan o text mo ako kapag paalis kana ng bahay" paalala pa niya
"Opo" sagot ko tsaka ko pinatay ang phone at naghanda sa pagligo
Habang naliligo ay hindi ko maiwasang hindi mainis. Oo fake lang relasyon namin ni Kidd pero nakakainis parin lalo na lantaran na paglalandi ng Claire na yon sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/131243798-288-k57604.jpg)
BINABASA MO ANG
Something About Us [COMPLETED]
RomanceYou can't just give up on someone because the situation's not ideal. Great relationship aren't great because they have no problem. They're great because both people care enough about the other person to find a way to make it work. Ating subaybayan...