Kidd's Pov
After eight days nagka ayos na kami ni Lexinne. Hindi lang niya alam kung gaano kahirap sa'kin yung walong araw na hindi kami nakakapag usap ng matino. Napaisip pa ako na baka may nagugustuhan na siyang iba dahil kapag tinatawagan ko at pinupuntahan ko siya lagi niyang sinasabi na busy siya.
Dumating na ako sa punto na natatakot tawagan o puntahan siya. Natatakot ako na baka biglang makipag hiwalay siya sa'kin.
Kung dati minu minuto oras oras nakakausap ko siya, sa isang iglap nagbago ang lahat. Swerte ko kung tumagal pag uusap namin ng tatlong minuto.
Ilang araw din akong naging tambay sa labas ng bahay nila tuwing gabi. Nasanay kasi akong kausap siya hanggang sa makatulog siya, kaya ang ginagawa ko nalang ay tumambay sa tapat ng bahay nila at masdan yung bintana niya. Kapag pinatay na niya ang ilaw ay doon palang ako aalis para umuwi sa condo.
Naging mahirap para sa'kin yung walong araw na hindi niya ako pinapansin. Ang laki ng epektong nangyari sa'kin, napabayaan ko ang trabaho ko at lagi nalang tulala at iniisip siya. Hindi rin ako makakain at tanging almusal lang ang nagsisilbing laman tiyan ko sa buong araw. Daig ko pa nag da diet sa laki ng binagsak ng katawan ko.
Yung dating sobrang gwapong mukha ko ay naging mas gwapo nalang dahil sa mga eyebags at sa mga dark circles sa mata ko. Hindi narin ako nakakapag ahit kaya may tumutubong bigote na sa'kin. Sabi pa naman ni Lexinne dati na ang linis kong tignan. Mabuti nalang at hindi ko nakakalimutan mag toothbrush.
Walong araw kong naranasan ang impyerno kaya ngayon babawi ako. Tinignan ko ang sarili sa salamin at ngumisi. Sobrang gwapo ko na ulit. Napatingin ako sa may pinto ng kumatok at nagsalita si Mrs. Cruz.
"Sir nandito na po yung inorder niyong bulaklak" dinig ko.
"Come in" sabi ko at pumasok na nga ito. Napatingin ako sa bouquet na hawak niya at napangiti. Tumayo ako at kinuha iyon agad sa kanya. "Maganda ba?" Tanong ko pa sa kanya.
"Oo naman Sir sobrang ganda sigurado magugustuhan yan ni Ma'am Lexinne" sagot nito na nagpangiti sa'kin.
"Pero wala ng mas gaganda pa sa kanya" hindi nahihiyang sabi ko at inamoy iyon
"Hahaha oo naman Sir" sagot nito
"Ikaw na bahala dito hindi niya alam na susunduin ko siya ngayon" utos ko at naglakad na palabas ng office ko kasabay siya nang biglang bumukas iyon at iniluwa ang pigura ni Kath sa harapan ko.
"Hi" nakangiting sabi nito na tinaas pa ang isang kamay
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya na naka kunot ang noo. Nag excuse naman si Mrs. Cruz at nauna ng lumabas
"Uhm, gumawa kasi ako ng snacks at naisipan kong dalhan ka" sagot nito at iniangat ang hawak niyang paper bag
"Salamat pero busog pa ak-" hindi ko na natuloy pa sasabihin ko dahil hinila na niya ako papunta sa may sofa at inilapag niya doon ang dala niya.
"Alam kong busy ka pero hindi mo dapat pabayaan ang sarili mo" sabi pa niya habang inilalabas ang tatlo na plastic containers na nasa paper bag at isang tumbler
"Akala ko ba nagkakaintindihan na tayo? Ano na naman to?" Hindi mapigil ang inis na sabi ko
"Ang ganda naman nito" tukoy nito sa bulaklak na inilapag ko sa mesa. Kinuha niya iyon at inamoy. "Lagi mo rin akong binibigyan ng bulaklak dati" dagdag pa nito tsaka nakangiting tumingin sa'kin.
"Ano ba talagang kailangan mo? Susunduin ko pa kasi sa school nila ang girlfriend ko" Diretyong tanong ko sa kanya habang nakatingin sa mga mata niya.
BINABASA MO ANG
Something About Us [COMPLETED]
RomanceYou can't just give up on someone because the situation's not ideal. Great relationship aren't great because they have no problem. They're great because both people care enough about the other person to find a way to make it work. Ating subaybayan...