Lexinne's Pov
Kanina pa petiks petiks lang at nakikipag harutan lang sa mga furbabies ko pero ngayon hindi magkanda ugaga dahil hindi alam ang isusuot ko.
Bakit ba kasi sa labas pa kami mag d-dinner? Gusto ko siyang tawagan para itanong kung saan kami mag d-dinner pero wala akong lakas para magtanong. Baka kasi anong isipin niya.
God! Help me! Anong isusuot ko? Pwede bang mag pants nalang ako? Dress kaya? Anong klaseng lugar ba pupuntahan namin? Ayoko naman mag assume na dinner date to.
Aarrrgghh! Bahala na!
Dahil tambak na ang damit sa kama ko ay dumampot nalang ako ng kahit ano tsaka ko yon sinuot.
Nakatingin ako sa harap ng salamin at natuwa naman ako sa itsura ko. Kulay itim na off shoulder long sleeve dress ang suot ko mukhang tama para sa lakad namin ni Kidd. Ayoko din naman sabihin niya na todo effort ako kaya ayos na'to bahala siyang mag isip ng kung ano.
Dinig kong may busina sa labas kaya agad akong dumungaw sa bintana ng kwarto ko at nakita si Kidd na bumaba mula sa suv niya. Halos tumakbo ako para kumuha ng sapatos na isusuot ko at heto na naman balisa ako dahil wala akong mapili. Hanggang sa sumagi na naman sa isip ko si batman kaya #BahalaNaNaman
Mabilis kong sinuot ang pearl ankle strap nude color na pumps ko at pumunta pabalik sa harap ng salamin at tinignan ulit ang mukha ko. Nag apply ako ng lip tint at nagpabango at tapos na!
Bago lumabas ng kwarto ay paikot ko munang tinignan ang sarili ko sa salamin at mukhang okay naman kaya kinuha ko na ang clutch bag ko at naglakad papuntang baba. Nakasalubong ko din si Nanay Sally na mukhang balak tawagin ako.
"Wow! Ang ganda naman ng dalaga namin" puri niya na minamasdan ang kabuuan ko
"Hindi po ako maganda dyosa ako" natatawang biro ko na kumapit sa braso niya at naglakad pababa
"Dyosa ng kagandahan" sabi niya na di mapigil ang pagtawa
"Yan ganyan nga po Nay" sagot kong tumawa rin
Nang mapatingin ako sa sala ay agad kong nakita si Mama at si Kidd na naghihintay sakin. Ngiting ngiti si Mama at si Kidd naman ay napatayo at mukhang gandang ganda sakin. Echoz lang syempre!
"You look great!" Puna ni Mama sakin na inayos pa ang ang damit ko
"Lagi naman ha? Not a big deal" pabirong sagot ko kay Mama "Si Di?" Tanong ko
"May kausap siya sa study room niya, huwag niyo na siyang hintayin ako na bahala magsabi" sagot naman ni Mama kaya tumingin ako kay Kidd
"Hindi kaya ako mapaaway nito?" Tanong sakin ni Kidd
"Ha? Bakit naman?" Takang tanong ko
"Siguradong maraming lalaki ang tititigan ang girlfriend ko dahil ang ganda niya" sabi nito na nagpakunot ng noo ko
"Maganda naman talaga ako ha? Kasalanan ko bang ginalingan ng parents ko kaya naging maganda ako? Kina Mama at Didi ka magreklamo abaa! Tsaka teka nga pangit ba ako kaninang hinatid mo sa school? Huwag na pala tayong umalis kung ganon at dito nalang tayo mag hapunan" galit galitang sabi ko
"Sabi ko nga aalis na tayo eh" sabi niya na hinawakan ang kamay ko at pinagsiklop yon "Ma aalis na po kami" paalam ni Kidd kay Mama
"Ma? Kapatid ba kita? Bat tinatawag mong Ma ang Mama ko?" Pabirong tanong ko na humarap pa sa kanya
"Ako nagsabi na tawagin niya akong Mama ikaw na bata ka talaga sige na at baka malate kayo. Ingat kayo ha?" Sabi naman ni Mama
"Sige po aalis na kami" sabi pa ni Kidd
BINABASA MO ANG
Something About Us [COMPLETED]
RomanceYou can't just give up on someone because the situation's not ideal. Great relationship aren't great because they have no problem. They're great because both people care enough about the other person to find a way to make it work. Ating subaybayan...