Lexinne's Pov
Nagising ako dahil sa katok mula sa pinto. Hindi ko namalayan nakatulog pala ako. Tumingin ako sa wall clock 6:34 na pala.
"Lexinne kakain na" dinig kong tawag ni Nanay Sally
"Sige po Nay bababa na'ko" sagot ko na umupo muna sa kama bago tumayo.
Dinampot ko ang suklay at inignan ang sarili sa salamin. Namamaga ang mga mata ko dahil narin siguro sa pag iyak ko kanina. Dahil sa naisip ko ulit si Kidd ay tumulo na naman mga luha ko kahit pigil na pigil ko yon.
Tumayo na ako at bumaba na.
"Nandiyan kana pala, nasa may pool side na pagkain mo" sabi sakin ni Nanay Sally na nagpakunot sa noo ko
"Bakit doon tayo kakain?" Tanong ko na naglakad na palabas
"Para naman maiba at laging dito nalang tayo kumakain sa loob, buti pa don sa labas presko ang hangin" sagot niya sakin
"Sabagay" sagot ko nalang na pinagpatuloy ang paglalakad
Habang papalapit sa may pool ay may nakikita akong kakaibang liwanag. Nilakihan at binilisan ko ang mga hakbang hanggang sa makarating ako sa pool side. Nakatayo si Kidd habang pinapaypayan ang naaamoy kong liempo.
Napatingin sa kinakatayuan ko si Kidd na may malapad na ngiti sa mga labi. Iniwanan nito ang pinapaypayan niya at naglakad palapit sakin. Humakbang naman ako pa sulong habang kagat ang ibabang labi at yumuko hanggang sa makita ko ang mga paa niya sa harapan ko.
"Babe" tawag niya sakin pero hindi ko pa rin siya tinitignan "Sorry na huwag ka ng magalit nagsisisi na ako nagkamali ako" sabi pa niya "babe sorry na ayokong nagagalit ka hmm?" Kulit niya sakin "Babe tadyakan mo'ko kung gusto mo. Sampalin mo'ko sabunutan mo'ko suntukin mo'ko kung yun lang paraan para mawala galit mo pero Babe.. huwag mo naman sana akong saktan ng ganito" garalgal na boses na sabi niya na parang ilang sandali nalang ay iiyak na
"Ikaw eh" tanging sagot ko at hindi napigilan ang pag iyak umupo ako at sinubsob ang mukha ko sa mga palad ko at umiyak
"Ohh babe" tawag niya sakin tsaka niya ako tinayo at niyakap "sshh.. huwag ka ng umiyak sorry na.." sabi pa niya habang yakap yakap ako
"Akala ko umuwi kana" sumisinghot na sabi ko
"Hindi ako umuwi paano ako uuwi kung alam kong galit ka sakin" pang hahalo niya sakin
"Sinungaling!" Malakas na sabi ko sabay tulak sa kanya "nakita ko umalis ang sasakyan mo kanina!" Patuloy parin ako sa pag iyak
"Babe umalis lang ako para pumunta ng supermarket. Bumili lang ako ng sangkap na gagamitin ko sa pagluluto ng dinner natin" paliwanag niya tsaka hinawakan ang mukha ko at pinahid mga luha sa pisngi ko "Babe alam ko kasalanan ko pero huwag ka ng magalit ng ganon sakin kasi ang sakit dito oh" turo niya sa puso niya at kinabog yon "Nakakatakot kang magalit alam mo ba yon? Parang sinasaksak ng paulit ulit ang puso ko pero hindi mamatay matay at patuloy parin sa pagtibok at pag aalala dahil galit ka sakin" sabi pa niya na tila nahihirapan
"Mas masakit kaysa sa pagsipa ko sayo?" Nakasimangot na sabi ko habang pinupunasan mga luha ko pero umiiyak parin
"Masakit ang sipa mo pero papayag akong sipain mo ulit ako basta huwag mo lang akong tatakutin tulad ng kanina" sagot niya sakin na binigyan ako ng pilit na ngiti
"Sorry na din" sabi ko tsaka lumabi at niyakap siya ng mahigpit "kasi naman ikaw kasi eh" paninisi ko pa sa kanya tsaka umiyak na naman
"Oo kasalanan ko sorry babe huwag ka ng umiyak" sagot niya sakin na hinigpitan pa lalo ang yakap namin at sinayaw sayaw ako hanggang sa buhatin niya ako papunta sa mesa
BINABASA MO ANG
Something About Us [COMPLETED]
RomansaYou can't just give up on someone because the situation's not ideal. Great relationship aren't great because they have no problem. They're great because both people care enough about the other person to find a way to make it work. Ating subaybayan...