Lexinne's Pov"Hey! Where are we going? Malapit na next subject natin" sabi ko kay Klea na hila hila ang kamay ko
"Just follow me okay?"
"Wont we get some sort of trouble with this?"
"Why would i get you into trouble? Were friends"
Alam kong mali ang mag skip ng class pero anong magagawa ko nandito na kami at 2 minutes late na kami. Kung papasok pa kami magiging 10 or 15 minutes late na kami.
Umupo kami sa may ilalim ng puno ng mangga at pinanood ang mga basketball players na tumatakbo at mga pep squad na nagpa practice.
"Shes Abby Martin" sabi niya na ikinatingin ko sa tinitignan niya
"Ang ganda niya siya yung blonde hair tama?" Nkangiting tanong ko at tinignan si Klea
"Yes! thank you doc ang ganda niyan. Boyfriend niya yung classmate natin na si James, ewan ko lang kailan sila mag b-break one month na din simula ng maging sila" sabi pa nito
"Wow! Paano mo nalaman? Akala ko puro tulog lang ginagawa mo updated ka rin pala sa tsismis" natatawang sabi ko
"Kahit natutulog ako alam ko pa rin nangyayari sa paligid ko" sagot nito na tinali ang buhok dahil sa malakas na hangin.
"That one is Hailey Santiago. Hailey Shit. Siya na ang pinaka malanding nakilala ko sa buong buhay ko. Napaka feelingerang ambisyosa niyan. Isipin ko palang siya kumukulo na dugo ko. Kung hindi lang masama pumatay ng tao matagal ng inuuod katawan niyan" sabi pa nito
"Chill. Hahaha" sabi ko tsaka tinignan yung Hailey na tumatawa kasama si Abby
"And that little one is Maggy Careon, well siya yung utusan ng Fabulous four"
"Girl version ng F4?" Kunot noog tanong ko kay Klea tsaka tinignan si Maggy
"Fab four daw kasi sila" sagot niya sakin
"Pero three lang sila bakit four?" Natatawang tanong ko
"Wala pa yung leader nila, ang Queen Bee nila na si Francine Pearl Cruz" sagot niya sakin.
Nang marinig ko yung pangalan na sinabi ni Klea ay kinilabutan ako na napatingin sa kany
"Oh! Here she goes" sabi niya na tumingin sa kung saan. Tinignan ko rin yung tinitignan niya at nakita ko yung babaeng tinutukoy niya na may kasamang mga babae na parang sinsamba siya.
"Dont be fooled, maganda lang ang mukha niyan pero kasing itim ng pwet ng kaldero ang budhi niyan. Siya ang Star and those three are just her little workers. Sila ang fabulous four" sabi pa ni Klea
"I know her" namutawi sa labi ko
"Oh? Really? How come?" Tanong niya na nakatingin ng diretyo sakin
"Kapitbahay namin and dating bestfriend ko" sagot ko
"Bestfriend?!" Gulat pang tanong niya
"Yep! Dating bestfriend" nakangiting sagot ko
"Hindi na ngayon? Anong nangyari?" Interesadong tanong niya
"Mmm.. this and thats" sagot ko
"What do you mean?"
"Long story" naka ngiting sagot ko
"It's okay, im ready to listen. Go!" Sabi nito
"Mmm.. bff kami since kindergarten, lagi kaming magkasama at madalas sa room ko siya natutulog. Wala kaming tinatagong secret sa isat isa. Nung grade 6 kami nagkatampuhan kami. Hinihingi kasi niya sakin yung earings ko, di ko naman maibigay sa kanya dahil regalo yon ng Lola ko sakin. At yun nga doon na nagsimula hindi namin pagkaka intindihan, inexplaine ko naman sa kanya na regalo yon ng Lola ko at bibigyan ko nalang siya ng iba kaso nagalit siya sakin.
One day nung pumasok ako sa school may nakasulat sa blackboard ng classroom na feeling preety daw ako baboy naman daw.
Tapos next day bulung bulungan sa school na mahilig daw akong manood ng porn videos.
Sumunod ulit na araw nagkalat naman ang balita na nabuntis daw ako at pinalaglag ko yung baby.
Alam ko at maraming nagsasabi na si Pearl ang nagkakalat ng mga balitang yon. Oo nga mataba ako noon pero hindi naman ako feeling preety tulad ng sinasabi niya.
Mahilig akong manood ng romantic comedy story na may kissing scene pero never pa akong nanood ng porn.
At yung nabuntis ako at nagpalglag ng baby? Hindi ko alam kung saan niya napulot yon. Nbsb ako at sapat na sakin yung pa crush crush lang.
Tapos isang araw nakita ko siya kahalikan si George na alam niyang ultimate crush ko. Isang linggo ko din iniyakan yon tapos ayoko ng pumasok. Hanggang sa malaman nina Mama at Daddy na nabubully ako sa school, kinausap nila si Pearl with her parents pero todo tanggi si Pearl. Ang ginawa ni Mama umuwi kami ng Korea at doon pinag aral kasama si Kuya. After a year sumunod samin ang Daddy ko at doon na din tumira kasama namin" mahabang paliwanag ko
BINABASA MO ANG
Something About Us [COMPLETED]
RomanceYou can't just give up on someone because the situation's not ideal. Great relationship aren't great because they have no problem. They're great because both people care enough about the other person to find a way to make it work. Ating subaybayan...