Lexinne's Pov
Naka abang kaming lahat sa pagpasok ni Kidd sa loob ng conference room at ng marinig naming nag click ang pinto ay sabay sabay kaming kumanta ng birtday song. Nagulat pa siya noong una pero mabilis na napalitan ng ngiti ang mukha nito ng makita ako habang kumakanta ng Happy Birthday hawak ang cake na binake ko papalapit sa kanya.
"Happy birthday Babe" malapad ang ngiting sabi ko
Para namang hindi ito makapaniwala at nakatingin lang ito sa'kin habang kagat ang ibabang labi niya na pinipigil yata ang pag ngiti.
"Thank you" sagot nito sa'kin at dinampihan ng halik sa labi
Nagpalakpakan naman ang nakakita at kahit medyo nahihiya ay kinapalan ko nalang ang mukha ko.
"Make a wish before you blow the candle" sabi ko sabay angat pa sa hawak kong cake.
Nakangiting nakatingin naman ito sa'kin bago pumikit at hinihipan ang mga kandilang nasa taas ng cake.
Nagpalakpakan ulit ang lahat at grineet si Kidd. Kinuha naman ni Kidd ang cake na hawak ko at ibinaba iyon sa mesa at yumapos sa bewang ko.
"Nakalimutan kong birthday ko buti kapa naalala mo" bulong ni Kidd sa tenga
"Matanda kana kasi kaya makakalimutin kana" sagot ko sa kanya at bumelat
"Kagatin ko dila mo eh" sabi naman nito kaya pinaningkitan ko siya ng mata "four years lang naman age gap natin at hindi pa matanda ang 26 years old" dagdag pa niya na pinisil ang ilong ko
"Twenty six ka palang? Akala ko thirty six na, ang matured na kasi ng mukha mo" tumatawang sabi ko
"Ikaw akala ko fourty two na" ganti naman niya
"Aba!" Sabi ko at kinurot ang tiyan niya
"Ouch!" Daing niya pero tumatawa naman ang bwisit
"Ma'am ang sarap po ng mga niluto niyo" puri ni Ms. Rhia sa mga niluto ko
"Thank you kain lang kayo" nakangiting sabi ko
"Ma'am, Sir kain na rin po kayo" aya ng iba sa'min
Nagkatinginan naman kami ni Kidd.
"Kain kana niluto ko lahat ng yan kaya dapat tikman mo" sabi ko
Kumuha ako ng disposable plate at naglagay ng pagkain doon. Pinaupo ko na si Kidd at sinabing ako na ang kukuha ng pagkain namin.
"Ang dami mo palang niluto nakaya mong lutuin lahat ng to?" Hindi makapaniwalang sabi niya
"Wala ka bang bilib sa'kin?" Tanong ko sabay subo ng spaghetti sa kanya "tinulungan ako nila Mama at Nanay Sally kung hindi nila ako tinulungan baka dinner mo na makakain lahat ng to" sabi ko pa sa kanya
"Edi pagod na pagod ka" sagot naman nito at isinubo sakin yung meatball
"Nope! Nag half day ako at tsaka sulit naman kaya hindi ako nakaramdam ng pagod" sagot ko sa kanya "tikman mo itong cake ako gumawa nito" todo ngiting sabi ko "hindi pa ako ganoon kagaling pero edible naman" sabi ko pa at sinubo iyon sa kanya
"Mmm.. masarap naman ah" sabi nito na tumatango tango pa "sakto lang ang tamis ang smooth at creamy. Cheesecake?" Patanong na sabi niya. Tumango naman ako at ngumiti. "Ang galing ng misis ko" sabi pa niya
"Kailan niyo po balak magpakal ni Ma'am Lexinne Sir?" Tanong naman ng isang empleyado
Tinignan naman ako ni Kidd.
BINABASA MO ANG
Something About Us [COMPLETED]
RomansaYou can't just give up on someone because the situation's not ideal. Great relationship aren't great because they have no problem. They're great because both people care enough about the other person to find a way to make it work. Ating subaybayan...