Hindi na matinag yung kaway sakin ni Loisa kaya nakatuon sakin yung mga tingin ng mga katrabaho ko dito. punong-puno ng excitement yung muka ng loka. Akala mo eh hindi kami nagkita kahapon.
Nang makalapit sya sakin, pumasok kami sa working area ko sabay umaktong kinikilig.
" Ano nangyari? Ano nangyari? " napasimangot ako sa tanong na yun pero diniinan ko yung tingin sakanya, intense kung baga.
" Wala, umuwi kami maya't-maya nung umuwi kayo tapos hinatid nya ko sa apartment. " may patango-tango ko pang sinabi sakanya yun.
Bakit ano ba ini-expect nyang mangyari? Hindi pa naman ako ganun kadesperadang magkaboyfriend noh?!
" So anong masasabi mo sakanya? Akala ko nga eh si Clinton ang ipapakilala ko sayo but it seems na kay Manolo ka nahulog. Diba si Clinton sana ang irereto ko sayo pero ano pa ba ang magagawa ko eh halos magkanda pulot na yung mga mata nyo ni Manolo."
" Agad-agad? Naku, yung itsura nga ng Manolo na yun eh parang womanizer. " Sana mapatawad ako ni Manolo sa sinabi ko. Hindi sya mukang womanizer! Muka syang anghel na bumagsak sa lupa ng dahan-dahan. May parachute kung baga XD
" Naku friendship aarte pa ba? Halata naman sa mga ngiti mong kinikilig ka! "
halata nga ba? Bakit ba kasi ayaw maalis nitong mga nakapintang ngiti sa aking pagmumuka? May sariling utak yung mga labi ko at hindi maiwasang mapangiti sa tuwing naiisip ng mga labi ko si Manolo.
" Tigilan mo na nga ako. Alam mo magtrabaho ka na lang! Sige na umalis ka na! Madami pa kong paperworks! Mamaya na lang tayo magkukwentuhan ha? "
She put a smirk on her face and I saw a hint on her eyes na may ibig sabihin. Bago pa sya makalabas ng working area ko eh sinitsitan ko sya.
" Bakit? " aniya
" Salamat. "
tinikom nya yung dalawang bibig at saka ngumiti. Umalis na din sya pagkatapos kaya dumiretso na ko sa PC ng working area ko.
Sa totoo lang, wala naman akong gagawin ngayon. Dahil blooming ako today eh maaga kong natapos yung paperworks ko.
Dahil may wifi dito eh dumiretso ako sa Facebook. Ang dami ko namang Notifications maliban na lamang dun sa isang message at friend request na hindi ko pa binubuksan.
Inuna ko na yung message kasi dun naman ako sanay.
Instantly, napangiti na naman ako kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko as if it is racing.
He just messaged me and it says
I thought I'd never find your account. Please do accept my friend request. Have a nice day blossom!
Medyo naiintriga lang ako dun sa last word na nandun. Blossom?
Actually na flatter ako kasi it sounds so cute
Binuksan ko naman kaagad yung friend request at madiin kong pinindot yung CONFIRM
" Hoy, working hours pa diba? " nabigla ako sa boses na Ravi na ngayo'y umiepal sa loob ng working area ko. Madali kong tinago yung tab at baka makita nya na naman ang ginagawa ko.
" Alam ko. Eh tapos na naman ako sa paperworks ah. Ikaw? Diba working hours pa? Bakit nandito ka sa loob ng working area ko? "
" Makaalis na nga lang! " much better! Naweweirduhan ako sa mga ikinikilos ni Ravi ngayong mga nagdaang araw.
Ipinagpatuloy ko ang ginagawa ko kaya ibinalik ko yung mga tingin ko dun sa PC. Binuksan ko yung profile nya. Confirmed! He is Single!
Parang nagkabuhay yung mundo ko ng nabasa ko yun. There was never a history here on facebook na nagka girlfriend na nga sya. Pero, malay ko ba. Bahala na! Basta right now, he is Mine!
BINABASA MO ANG
More Than A Broken Vow
RomanceUnang kita palang nilang dalawa sa isa't-isa, nag-iwan na ang bawat isa sa kanya-kanyang mga puso. They fell in love that almost seemed to be perfect... Amiyumi feels like she is the most special girl in the whole world. Kaya nung yayain sya ni Mano...