Chapter 8

9 0 0
                                    

" Amiyumi, nagseselos ka ba? " sa lagay kong 'to, muka ba 'kong nagseselos? Sinuklay-suklay ko yung buhok ko at ginulo ulit ito. Hindi ko pa din masikmura yung inuutos sakin ni Ms. Mylene. Ayokong mawalan ng trabaho at mas lalong ayokong mawala si Manolo sakin.

Halo-halo na yung mga iniisip ko tapos ngayon nakuha pa kong tanungin ni Manolo kung nagseselos ako?

" Wala naman akong rason para pagselosan ka diba? "

naningkit na naman yung mga mata nya at nanunuyo yung itsura ng muka nya. Isang mapagtakang simangot na lang ang naging tugon ko.

" Walang rason? I saw how your face went bitter when you saw the four of us eating together. Huwag ka namang magselos blossom. They just invited me to eat with them at isa pa hindi ko nga alam na dito ka rin pala nagtatrabaho? "

sabi ko na nga ba! Guilty sya at halata naman sakanya. Why does he have to explain things over me? Sa totoo lang nagselos din ako pero, natural din naman yun diba kasi boyfriend ko naman sya?

" Hindi mo naman siguro kailangang magpaliwanag diba? " may halong biro yung tono ng pananalita ko at halata ding hinahamon ko sya.

" Hindi naman tayo magpinsa-- " pinutol ko yung sasabihin nya sa pamamagitan ng paghawak sa bibig nya gamit ang dalawa kong kamay ng makita kong may padaang babae sa kinatatayuan namin. Bawal nilang malaman ang relasyon namin. Mahirap na, mabilis magkalat ang tsimis dito.

Nang makita kong nakaalis na yung babae eh tinanggal ko na yung mga kamay ko.

" Why did you? " aniya sakin

" Pwede bang wag na muna nating ipaalam ang tungkol sa relasyon natin? "

" Bakit naman? "

" Basta wag mo munang ipagsabi kung kahit kanino ok? "

Isang buntong-hininga na pamang ang naging sagot nya sa sonabi ko. Mahirap 'tong gagawin ko pero kailangan. Maraming masisira kung magigi akong makasarili.

Pagkatapos nang pag-uusap na iyon, bumalik ako sa working area ko. Nahagap ng mga mata ko si Loisa na papalapit sakin. I am more than willing to share how I feel with my best friend.

Sya lang naman palagi yung nariyan sakin. May paraan sya para patahanin ako sa tuwing umiiyak ako o naman natatakot. Ice Cream ang kahinaan ko at alam kong alam nya iyon. Gagawin nya ang lahat para maging masaya lang ako.

" Friendship, ok ka lang ba? " sinubukan kong ngumiti ngunit masyado namang halata na lupaypay ako.

" Naku, ok lang ako friendship. "

" Hindi ka ok! Tara! " hinigit nya yung kamay ko sabay pihit palabas ng working area ko. Hinayaan ko lang syang dalhin ako saan man kasi alam ko namang may gagawin sya para gumaan ang pakiramdam ko.

Hindi nya ako binigo. Dinala nya ko sa isang tindahan sa labas at binilhan ng Ice Cream. Habang pinagmamasdan akong kumain, hinayaan ko syang tanungin ako ng mga bagay-bagay.

" Si Manolo ba? "

natigil ako sa pagkain at malinaw sa mga mata kong tama yung panghihinala nya.

" Bakit? "

Walang rason para pumatak yung mga luha ko ngayon. Matapang kong hinarap ang sagot nya.

" Gusto siguro sya ni Ms. Mylene at paglalapitin ko daw sila kapalit ng promotion sa secretarial department. "

Nabigla ako nang pihitin nya ang kamay ko sa pagkabigla. Halos mailuwa nya na ang mga mata nya kung puwede lang.

" Bakit?  " hindi ko maiwasang itanong sakanya. Inilahad ko na lang ang mga kamay ko sakanyang palad at pinisil ito.

Bakit nanlalamig yung kamay nya? Nakakapagtaka kung bakit ganun iyon.

Loisa's POV

Opurtunista ka talaga Amiyumi! Ano na naman ang balak mo? Sirain ang buhay ko. Hindi ako papayag na makapasok ka sa secretarial department. Hindi ka nararapat doon.

Gusto mang lumabas ng mga salitang yan sa bibig ko ay hindi ko makuha. Kaibigan ang turing nya sakin pero, kaaway sya para saakin.

" Bakit? " parang paralisado na ang buong katawan ko ng makuha nyang idaop ang mga palad nya saakin.

" Wag mong tatanggapin, hahayaan mo na lang bang masira ang relasyon nyo ni Manolo. " agresibo na kung agresibo. Wala akong pakialam kung anuman ang isipin nya sakin.

" Kung may magagawa nga lang ako eh ipaglalaban ko yung relasyon namin pero, wala talaga. " sabi nya habang hinihimas-himas ang kamay ko. Bumalik ako sa dati bago nya mapansin ang kakaiba kong kilos.

" Alam natin ang ugali ni Ms. Mylene, Amiyumi. Kahit anong mangyari, wag mong tanggapin ang promotion. Trust me. " parang mapupudpod ang dila ko sa huling dalawang salita na lumabas sa bibig ko. How I wish that she can trust me. Sorry pero, nagkamali ka ng piniling kaibigan Amiyumi.

Nakakainis ka talaga Amiyumi! Lahat na lang nasayo na. Hindi ako papayag na maagaw mo sakin ang pwestong 'to. Gagawa ako ng paraan at paplano ako. 

Ano bang plano nya, una siraan ako kay Manager tapos ngayon aagawan nya ko ng pwesto?

Hindi na mauulit ang ginawa mo sakin noon Amiyumi!

                                                                     ***

Author's Note: Ayan, nakapag update na. Nabigla ba kayo sa pasabog ni Loisa. Sa kahit anong anggulo eh traydor naman talaga sya hahaha XD

Uy guys add nyo ko sa facebook ---- Frozen Wattpad

May nang iistorbo sakin sa pag gawa ng kwentong ito, Jomari ang pangalan tapos guitarist siguro yun ng isang banda.. text lang ng text..

Ang pangalan nya sa Contact ko Mr. Hello XD

Oh sya mag uupdate ako kapag dumagdag yung reads ^^

More Than A Broken VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon