" Bakit ka tumigil sa pag gigitira? " paano nya nalaman ang tungkol sa bagay na yan? Isa lang naman ang alam kong taong makapagbibigay ng impormasyon na yan.
" Sinong nagsabi sayo nyan? " nabother ako sa tanong at hindi ko yun maiiwasan. Unang beses ko pa lamang na makapunta dito sa bahay nila at welcome naman ako at alam na naman din ng mga magulang namin ngunit sang-ayon lang naman yung mga magulang ni Manolo.
" Hindi mo pa nga naisasagot ang tanong ko. "
Seryoso ba talaga syang malaman? Hindi ko sya masisisi kung magalit sya at hindi ko naman kailangang maglihim tungkol sa nakaraan ko.
Magugulat na lamang ako kung matuwa pa sya.
" Nagsisimula pa lang ako nun sa isang bistro upang mag OJT kasi nga HRM yung course na napili ko. Nakilala ko doon si Joms bilang isang gitarista. Namangha ako sa talento nya kaya nagustuhan ko yung pagtugtog nya ng gitara pero, mas nagustuhan ko yung tumutugtog ng gitara. " inangat nya ang muka ko at alam kong sinasabi ng mga mata nyang gusto nyang malaman ang sumunod pang mga mangyayari.
" Ayun nga, naging kami. Naging passion ko mula noon ang pag-gigitara. Masaya akong nakakatugtog na ako ng gitara. Marami syang pinangako sakin at kasali na rin doon ang hindi sya gagawa ng bagay na makakasakit saakin. "
kunot-noo nyang pinakikinggan ang kwento ko.
" Noon kasi ay minsan na akong tumira sa condo unit na bigay sakin ng mga magulang ko. Doon din sya tumira sa condo ko dahil hirap syang magbayad sa inuupahan nyang boarding house. I never surrender my self to him. I am the kind of person who is untouchable. Sabi ko sakanyang sa bahay muna ako ng mama titira ng ilang linggo. Pumayag naman sya dahil magbabakasyon daw din sya. Tatawagan na lang daw nya ako kapag nakabalik na sya. "
humugot ako ng hininga bago ko ituloy ang sasabihin ko. Habang nagkakaroon ako ng vision ng nangyari ay unti-unting tumulo ang mga luha ko. He managed to wipe it at saka tumango.
" Maghahalos ilang linggo na ako sa bahay namin ng maalala kong may naiwan ako sa condo unit ko. Pareho kaming may kopya ng susi roon kaya hindi na ako magtataka kung makapasok man uli sya sa condo. Laking gulat ko na lang nang makita ko sya sa kamang may kasamang babae. Pinagmasdan ko lang silang gawin iyon. They were unaware of my presence kaya sinabi ko na lang na " hintayin ko na lang na matapos kayo "
Mas napahagulgol ako ng iyak. Hindi dapat ako nagsasayang ng luha sa lalaking iyon pero bakit ang sakit!
" Ang bababoy nila! Condo ko yun at kama ko pa! He tried to explain pero hindi ako nakinig. Bumalik uli ako sa bahay nila mama. Galit na galit sila sakanya at tinawagan ko sya noong umalis na sa condo ko. Mas nagulat ako ng pagbalik ko sa condo ko, ninakaw nya ang lahat ng ari-arian ko. Walang natira. "
Remembering the past is so much like burning in hell. Naramdaman ko ang yakap nya. Pinawi ko ang luha ko. Matagal na yun. Hindi na uli ako magsasayang pa ng luha. Masyado na kong nasaktan.
" Pangako kong hindi ka na uli masasaktan sa piling ko. "
panghahawakan ko ang sinabi nyang yan at naniniwala akong hindi nya ako iiwan.
***
" When I'm 64 I don't want to ask my self if I was happy. Ayokong pagsisihan ang magiging desisyon ko papa. Or if ever I'll see couples walking along, past by our house, I'll tell myself How I wish I could've done that. Papa ayokong pagsisihan. Mas mabuti nang mamatay sa kama ng may pinagsisihan sa sarili kong desisyon kaysa sa tanungin yung sarili ko kung naging masaya ko kahit na sa napakaikling panahon? "
" Pano kung katulad na naman yan nung hinayupak mong boyfriend? Sa oras na umiyak ka dahil sa lalaking yan wag na wag kang uuwi dito sa bahay! "
" Papa naman. Hindi naman po sya katulad ng hinayupak na yun! Iba si Manolo sakanya. "
tinignan ako ni papa nang masinsinan. Hindi makasabat ang mama sa pinagtatalunan namin ni papa.
" Sige na! Pumapayag na ko sa relasyon na yan! Umiyak ka lang ulit, mapapatay ko yang Manalo na yan. " Alam ko namang biro na yung last sentence. Sumabog ang kasiyahan sakin ngunit palihim lamang ito. Linapitan ko si papa at mahigpit na yinakap. Hindi nya nga ako matitiis.
Tiningala ko si papa at nginitian.
" Papa, Manolo po hindi Manalo. " nagtawanan kami pati na rin yung mga kapatid ko. Nakita ko na lamang na pati si mama at ang mga kapatid ko ay nakayakap na din samin. Ang saya-saya ko. Sana hindi pagsisihan nila ang naging desisyon ko at sisiguraduhin kong hindi.
Naiintindihan na nila ako. Binibigay na nila ang suporta nila saakin.
BINABASA MO ANG
More Than A Broken Vow
RomanceUnang kita palang nilang dalawa sa isa't-isa, nag-iwan na ang bawat isa sa kanya-kanyang mga puso. They fell in love that almost seemed to be perfect... Amiyumi feels like she is the most special girl in the whole world. Kaya nung yayain sya ni Mano...