Chapter 14

8 0 0
                                    

Loisa's POV

Tagumpay ang plano ko! Ako pa! Nang makita kong lumabas si Mylene, tyumempo ako! Patago kong linagay sa kwarto nya ang mga litrato. Buti na lang at may computer at printer sa baba ng hotel.

Walang nakakaalam dahil patago at pasikreto din lang naman ang lahat.

" Nakita mo ba si Amiyumi? " si Ravi pala. Bakit, simula na ba ng pagkawala ni Amiyumi?

" Aba, hindi. Hinahanap ko nga din sya eh kanina pa. "

" Bakit mo sya hinahanap Ravi? " Pahabol kong tanong sakanya.

" Kanina pa namin hinahanap si Amiyumi. Halos mag-iisang oras na syang nawawala. "

Ngiting-ngiti ako sa sarili ko lang. Napatulala ako ngunit, nagising nang kalabitin ako ni Ravi.

" I'm sorry " saad ko na lang

" Sige Loisa, hahanapin ko pa si Amiyumi. "

Agad naman syang umalis sa harapan ko. Nasaan nga ba ang Amiyumi'ng yan?

Sunod ko namang nakita si Manolo na alarmang-alarma din ang kilos.

Nakita ko sunod na papalapit sya saakin.

" Nakita mo ba Loisa si Amiyumi? "

" Hindi. Bakit ba? "

Hindi na sya sumagot at imbes ay naglakad na rin palayo.

Masyadong eksenadora talaga ang Amiyumi na yan!

Amiyumi's POV

Unti-unti na akong nahihirapang huminga. Masyado ring mainit sa kinalalagyan ko.

Kanina pa ko pukpok ng pukpok, gamit ang mga palad ko pero wala atang nakakarinig saakin. Imposible rin kasing may madaan dito sa bus, sa layo ng kinaroroonan nito.

" Tulungan nyo ko dito! Tulong! May tao dito! " sumigaw uli ako ng may marinig akong yabag ng mga paa mula sa labas. May tao nga kaya mas linakasan ko pa ang paghampas ng mga kamay ko doon sa bakal.

" Amiyumi! " narinig kong sigaw mula sa labas

" Tulungan mo ko! Nandito ako sa loob! " sunod kong naramdaman ang paggalaw ng bus at alam kong nasa taas na sya ng bus.

" Nasaan ka Amiyumi? "

" Nandito ako sa ilalim! " nauutal-utal ko pang sabi sa sobrang tensyon at nginig na dinarama ko. Maya't-maya'y bumukas ang pintuan. Nakaramdam ako ng pag-asa. Mabilis akong umakyat pataas at saka ko sya mahigpit na yinakap.

" Ravi natatakot ako. " naiiyak at mahigpit na mahigpit ko paring sabi sakanya.

" Hush na Amiyumi, ok na ang lahat. Nandito na ako. "

Somehow kumalma ako sa yakap nya. I was so scared. Akala ko, hindi na ako makakalabas pa doon sa ibaba. Thanks to Ravi, he came to save me.

Nakaramdam ako ng parang may nakatingin sa amin. Nakikita ko iyon sa pamamagitan ng pagsulyap ko sa aking tabi. I let go and then I saw Manolo standing infront of the two of us.

" Manolo... "

He looks so puzzled when I mentioned his name. Linapitan nya kami at inunahan naman ako ni Ravi'ng magpaliwanag.

Kanya-kanya na kaming nagsibalikan sa mga rooms namin. Sinamahan ako ni Manolo kahit na sinabi kong ok na ako.

Alam na rin nila kung sino ang may kagagawan ng pagkakulong saakin doon sa bus.

Napagdesisyunan kong mauna nang bumalik sa Laguna at hindi ko naman napigilan si Manolo nang sabihin nyang sama na kami.

Nagpaiwan doon sina Ravi at Loisa.

Alas otso na ng gabi ng makarating ako sa aking apartment. He's still with me. Sinamahan nya ko sa loob at naghanda naman ako ng makakain.

Paano ko ito sasabihin kay Manolo. Na ngayong alam na nila Ms. Mylene ang tungkol saaming relasyon. Hindi ko alam kung ano ang kayang gawin ni Ms. Mylene sa kompanya.

" Manolo, may sasabihin ako sayo, "

" Ano yun? "

" Kaya ako kinulong ni Miss Mylene sa ilalim ng bus dahil alam niya na ang tungkol sa relasyon natin. "

Inantay ko ang sagot nya bago uli ako nakapagsalita. He touch my hands at ipinisil ito.

" Ok lang yun Amiyumi! Cheer up! Ano naman ngayon kung alam na nila? Ang importante walang masamang nangyari sayo. " bakit nya pa kaya nakukuhang ngumiti sa kabila ng lahat?

" Ok lang ba yung isesante tayo? Pano na ko? Wala akong ibang alam na kompanyang mapapasukan. "

" Wag na muna yan ang isipin mo. Mabuti pa, you should take a rest. "

After about 30 minutes, umalis na din sya. I was left standing alone on my front door. May isang tanong lang na bumabagabag saakin simula pa lang kanina.

Paano nalaman ni Miss Mylene ang tungkol sa relasyon namin?

More Than A Broken VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon