Chapter 4

8 0 0
                                    

Dumating ang Sabado at punong-puno ang mga mata ko ng excitement.

Habang pinagmamasdan ko ang sarili ko sa salamin natandaan mo yung sinabi sakin ni Loisa. Isa iyong warning sa tingin ko. Wala daw kasing sineseryosong babae si Manolo. Ngunit napansin daw ni Clint na seryosong-seryoso ito pagdating sakin.

Sinuot ko yung pinakamaganda kong damit. Isa itong dress na maikli lamang ang palda at may belt din sa may bandang tiyan. Hindi ako sanay na sumuot ng makapal na make-up kaya light lang yung pagkakalagay ko nito.

Habang abala ako sa pag-aayos, nakarinig ako ng doorbell sa pintuan. Maaga naman yata ang dating ni Manolo. Hindi ko aakalaing before seven o'clock pala sya darating.

Isang Ravi ang bumulagta sa pintuan ng pagbuksan ko ito. Nagkamali pala ako ng akala. Maigi nyang pinagmasdan ang suot-suot kong damit.

" May kikitain ka na naman sigurong lalaki. "

" Ano ba yang dala mo? " iniwasan kong sagutin yung tanong nya nang makita kong hawak-hawak nya ang isang tupperware.

Inabot nya sakin iyonng hawak nya at sigurado akong bagong luto pa lamang iyon dahil mainit-init pa.

" Chicken Curry. " panghihinayang yung naramdaman ko nang sabihin nya kung ano ang laman nung tupperware. Hindi pa naman siguro ito mapapanis kaya ilalagay ko na lang muna sa mesa.

" Pinagluto mo na naman ako? Grabe Ravi salamat talaga kaso parang mamaya ko pa 'to makakain. "

nakakahiya talaga at nag-abala pa sya. Napahawak na lang yung pareho kong kamay sa tupperware.

" Sige, mauna na muna ako. " bago pa sya umalis sa pintuan eh may gusto sana akong sabihin sakanya kaya nahawakan ko yung balikat nya.

" Bakit? " pinagmasdan nya yung kamay kong nakapatong sa balikat nya habang tinatanong ako kung bakit.

" Bukas, alas syete rin ng gabi. Pasyal naman tayo. " natulala sya ng ilang segundo ng yayain ko sya. Nakita ko kung pano lumiwanag yung muka nya sa sinabi ko. Gusto ko naman syang pasalamatan sa ginagawa nya sakin.

" Sigurado ka? " tumango naman ako sa tanong nyang 'yun at saka ngumiti. Wala naman akong gagawin bukas kaya ibibigay ko naman sakanya yung oras ko kahit minsan lamang.

" Sige, aasahan ko yan bukas ha! " ang kulit ng taong 'to.

Sa isang sandali ay nag-iisa na naman ako sa isang tabi ng pintuan habang hinihintay si Manolo. Maaring sya na siguro yung lalaking nakita kong pumarada ng kotse sa ibaba.

Hindi nga ako nagkamali. Bihis na bihis sya at napapansin kong mas pumogi sya sa suot nya. Bakit kapag nakikita ko sya eh parang bumabaligtad yung mundo ko?

Tinamaan na nga talaga ako, walanghiya ka kupido! Simula talaga ng makilala ko sya, napatulo ang laway ko. Nangatog yung pintig ng puso ko at halos mabaliw ako sa tuwing ngumingiti sya. Ewan ko ano bang meron sya't kikay na 'to ay napaibig nya uli. Tuluyan nya na ngang nabihag ang puso kong pihikan.

Parang tuwing nagkikita kami, yun ang unang beses ng pagkikita naming dalawa.

" You look so amazing. You look so beautiful. "

" Simula na ba ng bolahan? " inabot nya sakin ang isang boquet ng mga bulaklak. Nagpaalam muna ako ng sandali upang ayusin yung mga bulaklak bago pa man ito malanta. Sayang naman kasi, ang mamahal pa naman nito. Mabuti at hindi nya naisipang dalhan ako ng white roses kundi mabibigo lang sya sakin.

White roses din noon ang dala sakin palagi ni Joms katulad ng mga sinasabi nyang pangako.

Sunakay kami ng kotse nya papunta sa isang restaurant na kung tawagin ay Hayahay Restaurant. Native pero Romantic ang atmosphere nung lugar.

Punong-puno ng kasiyahan at kwentuhan yung buong date. Ang saya palang makapag-date uli. Sigurado akong limot ko na yung nakaraan ko. Ano pa bang hahanapin ko?

Every minute that I spend with him is a minute that I got to know him better. There was never a dull moment. Aaminin kong natatawa ako sa buong pag-uusap namin at inaamin kong malakas ang tama nya sakin.

" It was a wonderful evening, and a great time with you blossom." saad nya habang hinahatid ako papalapit sa pintuan ng apartment ko.

ayan na naman sya sa blossom na yan.

" Blossom? " itinanong ko sya gamit ang salita at alam ko namang alam nya na kung ano ang ibig kong sabihin. Nginitian nya lamang ako.

Nang mabuksan ko ang pintuan ay yinaya ko muna syang pumasok upang magkape. Hindi sya sumunod pero may nais sabihin sakin yung mga mata nya. Tahimik ngunit dinig ko namang binukas nya yung bibig nya.

" Iba ang gusto ko. " nagniningning yung mga mata nya. Hindi ko pinansin yung tono ng boses nya.

" Ano? " lumalakas paunti-unti yung kabog ngdibdib ko. Nanlulumo yung buong katawan na kung anoma'y gusto ko nang madapa sa kahinaan ng mga tuhod ko.

" A kiss. " halos mabingi ako ng sabihin nya iyon. Puno ng pagtatalo ang isipan ko sa hinihingi nya. Parang gusto ko na ayaw ko. My sensible part was screaming no though I'm very eager to say yes. Alam kong hinihintay nya ang permition ko.

" Yes you can kiss me "

Nginitian nya ko at saka inilapit yung muka nya saakin.  Nung magdampi yung mga labi namin ay hindi ko aakalaing hahayaan ko syang angkinin ang mga labi ko. Nginitian nya ako at nginitian ko naman syaupang maitago ang siya ko sa pagkakahalik nya.

Mas tumindi yung kabog ng dibdib ko.

" That's something so you can think of me tonight and the nights after this, "

Parang naiwan yung mga labi nya sakin at hanggang ngayon ay ramdam kong nandirito parin iyon saakin. Nasarapan ba ko sa paghalik nya? The same question kept running on my head.

" I have to go now. Take care. " mahina lamang iyong pagkakasabi nya pero rinig ko iyon. Tumalikod na ito bago pa ako makapagsalita.

" Ok. "

All I know now is I was left standing with my two knees that are too weak to move.

                                                                      ***

Author's Note: Maikli lang kasi I lost out of ideas ^^

More Than A Broken VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon